8. Ang Pagkatalo Duelo.

797 38 6
                                    

Labing apat na taon ang nakakaraan. May isang sanggol na sinisilang sa lansangan. "Elsa! Elsa! Para sa anak mo kayanin mo!" Sabi ng isang babae na nag papaanak sa lugar nila. Nakalabas na ang ulo ng sanggol.

"Taliiim! Taliiim!" Sambit ni Elsa.

"Elsa, kaya mo 'yan, alang ala lang sa bata." Pag tapos ay hinila na ng komadrona ang sanggol. Iyak ng iyak ang isang sanggol na may makapal na buhok.

"Elsaaaa!!!" Sigaw ng isang babae. Hindi na kasi ito humihinga. Namatay si Elsa, ang Ina ni Talim.

"Talim ang ipapangalan natin sa kanya pagkat yun ang gusto ni Elsa." Sabi ng isang kaibigang pulube ni Elsa na umampon kay Talim.

"Bakit naman Talim?!" Tanong ng komadrona.

"Dahil daw matalim tumingin ang Ama nya at matapang."

"Pero iniwan lang sila nito."

"Yun ay dahil may ibang Pamilya ang asawa niya at naanakan lang siya." Simula nu'n ay nabuhay sa lansangan si Talim bago siya inampon ni Alice. Paglipas ng pitong taon ay inampon nga ni Alice si Talim. Nagbalik si Talim sa umampon sa kanya para magpasalamat.

"Ate Marsya, aalis na 'ko." Sabi ni Talim. Umiiyak lang si Marsya at nakatalikod.

"Sige na Talim umalis ka na, para salubingin ang mas magandang buhay na naghihintay sa'yo." Sabi ni Marsya na umampon sa kanya at itinuloy ang pag lalaba. Tumakbo papalayo si Talim at tuluyan nang nag unahan ang mga luha sa mata ni Marsya.

Hawak hawak ng anim na taong gulang na si Camille ang litrato ng Ina niyang kasama si Talim. Dahil nagkakaisip na siya ay hindi niya maiwasang magtaka. Tinawag niya ang kaniyang ama. "Daddy sino po itong bata na kasama ni Mommy?" Tanong ng maliit na si Camille.

"Anak, siya si Talim, inampon ng Mommy mo noon pero wala na siya ngayon. Kinuha na ng tito Luis mo."

"Ampon?"

"Huwag mo na siyang isipin pa, 'wag ka din makialam sa personal na gamit ng Mommy mo, akin na ang litratong yan." Isinauli ni Camille ang litrato na tila nagtataka. Tumakbo siya papalabas ng kwarto. Nakita niya doon ang mga magpipinsan. Si Eloisa ang solong anak ng Tito niyang si Miguel, matanda ito sa kaniya ng limang taon. Si Miguel ay pinsan ni Alice.

"Oh Camille, bakit tumatakbo ka papunta dito?" Tanong ni Erica. Labing anim na taong gulang si Erica, kasing edad niya si Alexa at matanda sila kay Talim ng dalawang taon. Si Alfred at Angelo ang mga kasing edad ni Talim. Nakatingin lang si Camille sa kanila at hindi nag sasalita.

Lumabas si Bobby sa kwarto at hinila si Erica upang bulungan. "Pag nagtanong siya tungkol kay Talim ay umiwas kayo at sabihin niyong wala kayong alam ah, maliwanang ba?"

"Opo uncle Bob."

Lahat sila ay sa iisang mansyon nakatira maliban kay Bobby. May asawa na kasi siya. Pag alis ni Bobby sinabi ni Erica sa lahat nang andu'n ang binulong sa kanya ng Uncle nila. Pero tuso si Alexa. "Camille, alam mo ba na may kapatid kang pulube?"

"Alexa, hindi mo dapat sinabi yan!" Saway ni Erica. Nagulat ang itsura ni Camille at nakangiti lang si Alexa.

"Totoo ba yan Ate Alexa?" Tanong ni Eloisa.

"Hindi pulube si Talim." Tutol ni Erica.

"Para sakin ay pulube parin siya, sampid lang siya sa Pamilya natin." Pataray ni Alexa sa kanila.

"Nasaan na siya ngayon?" Tanong ni Eloisa.

"Makikita mo siya sa darating na reunion na gaganapin sa Pangasinan." Sagot ni Alexa. Dumikit si Camille kay Erica at inakbayan naman siya nito dahil takot si Camille kay Alexa.

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon