Dumating ang araw ng kapistahan. Pumunta si Arturo at Luis sa bayan pero hindi nila makita si Talim. Alas tres ang usapan. 2:55 pm na ay wala pa si Talim. Napansin nila na dumating na si Borga.
"Sigurado ba kayo na darating si Talim?" Tanong ng isang lalaki mula sa grupo ni Borga. Si Ismael ang kababata ni Talim ay manonood din ng laban. Kadikit ni Talim si Ismael kaya hindi ito pumayag na hindi makitang lumalaban si Talim. Naiinip na ang iba pagkat alas tres pasado na'y wala pa si Talim.
Maya maya lang ay isang nakapantalon ang dumating suot ang polong bulaklakin. "Haaay salamat, Talim, akala ko hindi ka na dadating." Sabi ni Ismael. Napansin nila na may dalang pera si Talim na halos isang dangkal. Iniabot ni Talim ang pera bilang kase. Inabot narin nila Luis ang isang maletang pera na pusta nila, bukod pa ang pusta ni Talim.
Naghubad siya ng polo at humarap sa gitna. Naghubad narin ng pang itaas si Borga at pumunta na din sa gitna.
"Borga! Pabagsakin mo yaaan!!" Sigaw ng isang lalaki na nanonood.
Nagsimula ang laban. Sumuntok agad ng kombinasyon si Borga na mabilis. Inilagan ito ni Talim at bahagyang umatras pero pameke lang pala yun. Mabilis na sinunggaban ni Borga ang bewang ni Talim dahilan para bumagsak ito at kubabawan siya. Ang lalakas ng sigawan ng tao sa ginawa ni Borga. Binagsakan niya ng malalakas na suntok si Talim. Buti hindi lahat ay tumatama dahil mahusay si Talim lumaban ng nakahiga. Pero si Borga ang kalaban niya kaya nahirapan siya ngayon. Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Borga dahil gusto na niyang tapusin agad ang laban.
"Delikado ang lagay ni Talim. Gusto na agad niyang tapusin dahil sa pera." Sabi ni Arturo. Seryoso lang na nanonood si Luis. Napansin ni Borga na hindi masyadong epektibo ang ginagawa nito kaya binagsak ni Borga gamit ang kaliwang kamay niya ang kanang kamay ni Talim upang hindi makasuntok ito habang sinisiko niya ng kanang kamay ang mukha ni Talim. Delikado dahil ang malakas na kanan ni Talim ay hindi niya maigalaw at nahihirapang dumipensa ang kaliwang kamay niya sa ginagawang pagsiko ni Borga sa mukha niya. Sa kanan sila sanay pareho kaya lamang talaga si Borga. Gumawa ng paraan si Talim, pumiglas ito ng isa, dalawa, tatlo pero nasa ibabaw parin si Borga. Tatlong magkakasunod na piglas ang ginawa ni Talim at biglang napaalis niya si Borga sa ibabaw niya, mabilis siyang dumaan sa ilalim ng binti ni nito at tumayo kaya bumagsak si Borga at naiwang nakahiga. Itinaas ni Borga ang paa niya at tinutok kay Talim para hindi siya makubabawan nito. Sumenyas si Talim na bumangon siya.
Bumangon si Borga at umamba uli. Gumamit uli ni Talim ng pangboksingerong istilo. Samantalang si Borga ay nakabuka ang kamay na tila ano mang oras ay sisipain siya. Sumuntok uli ng kombinasyon si Borga pero alam na ni Talim ang kasunod nito. Ang pagsunggab sa bewang niya kaya naprotektahan niya ang sarili. Sablay si Borga. Napadapa si Borga. Nakatayo si Talim, humiga si Borga at inamba uli ang paa para hindi makaibabaw si Talim sa kanya. Gaya nang ginawa niya kanina. Pero pinatayo uli siya ni Talim.
"Talim! Delikado ang ginagawa mo, 'wag mo siyang pagbigyan." Sigaw ni Luis pero parang walang narinig si Talim. Balak talaga niya na lumaban ng nakatayo. Siya naman ang sumugod gamit ang paa niya, isang sipa sa mukha ni Borga at ikot sabay kanang suntok. Nasalag ni Borga ang sipa pero ang suntok ay hindi. Hinayaan ni Borga na matamaan siya dahil may pang counter attack siya na plano niyang gawin, ang malakas na left hook niya na tumama sa panga ni Talim. Parang nabingi si Talim sa natangap niya, napakalakas ng suntok kaya medyo napaupo siya. Sinamantala ni Borga ang pagkakataon na hilo si Talim. Pero nakikita ni Talim si Borga kaya mabilis siyang nakaatras at natukuran niya ng siko sa mukha si Borga nung sumunggab ito sa bewang niya. Nanatili siyang nakatayo at pinilit ding tumayo ni Borga dahil napaluhod siya sa ginawa niyang pagsunggab sa bewang nito. Dahil walang kanto ang lugar at nakapalibot lang ang mga tao ay nahirapan si Talim dahil walang masandalan. Malapit na siyang bumagsak, buti na lang ay naitukod niya ang siko sa leeg ni Borga. Nahalata niya na nahirapan si Borga kaya hindi niya ito inalis. Kumalas ito kay Talim pero nag iwan ng malakas na suntok sa katawan. Napakalakas na suntok pero hindi pinahalata ni Talim na nasasaktan siya. Nag ambaan uli sila. Panay jab ang ginagawa ni Borga pero nakakaatras si Talim. Mabuti at hindi nahalata ni Borga na nasaktan si Talim sa malakas na suntok sa tagiliran.
Nakabawi ng lakas si Talim sa lahat dinanas niya sa pamamagitan ng pag-atras. Hindi halata na nanghina siya kaya hindi gaanong sinamantala ng kalaban niya. Pero isang malakas na sipa sa mukha ni Talim ang pinakawalan nito. Sapul sa baba si Talim. Kahit dulo lang ng paa nito ang tumama kaya napaangat ang ulo niya ng bahagya. Hindi pa nakakaalis si Talim sa pwesto ay may kasunod na naman ito. Kitang kita ng mga tao ang nangyari at isang direktang suntok ang sasalubong sa mukha ni Talim. Lumihis ang suntok ni Borga dahil nakailag si Talim.
Pero nagulat ang mga tao.. Bumagsak si Borga sa lupa na dilat ang mata nito at kamay lang ang gumagalaw na parang nagdedeliryo na halos mawalan na ng malay. Alam ni Talim na pagkakataon na 'to kaya balak niyang undayan pa ng suntok si Borga. Ngunit inawat na ito ng tagaawat dahil hindi na kaya pang lumaban ni Borga. Mapapahamak lang ito.
Ang resulta ay panalo si Talim.
Tahimik ang lahat ng tao at karamihan ay nagtataka. Hindi kasi nila alam kung bakit biglang bumagsak si Borga. Nang maawat si Talim ay dumiretso si Talim sa humahawak ng pera para kunin ang pusta. Kanina ay isang dangkal lang ang dala niya ngayon ay dalawang dangkal na. Kinuha niya kay Ismael ang polo niya at sinabit sa balikat. Kinalas ang tali sa pera at pinaagaw sa mga tao. Nagkagulo ang mga tao dahil sa ginawa ni Talim. Ang iba ay inaasahan na ang gagawin nito. Sinuot ni Talim ang polo sabay binirahan ng alis. "Talim hindi ka ba sa'min sasabay?" Tanong ni Arturo. Niyakap ito dahil sa pagkapanalo niya. Niyakap din siya ni Luis at ni Ismael.
"Hindi na Tito, magagala pa 'ko." Nakangiting sagot ni Talim at nagpaalam. Binigay ang dalawang maleta sa grupo ni Talim at umalis na sila.
Binuhat ng mga tao si Borga at ginising, hindi mahimasmasan si Borga at isang tao ang nagbuhos dito ng tubig. Biglang nahimasmasan siya at nagalit. "Sino may gawa nun?!"
"Ako bakit?" Sagot ng isang babae.
"Ate, bakit andito ka?"
"Napakayabang mo Borga, ano ngayon ang napala mo?" Sabi ng Ate niya.
"Ano na nga pala ang nagyari sa laban namin ni Talim?" Tanong ni Borga sa mga tao na nakapalibot sa kanya.
"Borga! Natalo ka kay Talim." Sabi ng isa.
"Nakakainis!!" Nanlumo si Borga.
-
Nasa kotse ang tatlo, si Arturo, Ismael at Luis. Kampanteng nagmamaneho si Ismael dahil masaya siya sa pagkapanalo ni Talim. "Luis! Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nahimatay itong si Borga." Sabi ni Arturo.
"Hindi niyo ba nakita?"
"Bakit Sir nakita niyo ba?" Tanong ni Ismael.
"Isang short right hook ang tumama sa panga ni Borga."
"Sigurado ka ba Luis? Nagmamagaling ka na naman eh."
"Nakatingin kasi ang lahat sa umaatake na si Borga kaya hindi niyo nakita ang isang napakabilis na kanan ni Talim. Isang counter attack."
"Sigurado ka?"
"Oo! Sigurado ako, napansin niyo na lumihis ang suntok ni Borga, dahil nauna nang tumama ang kamao ni Talim kaya nawala sa control si Borga. Sa una pa lang alam kong mas mabilis si Talim sa kaniya."
"Oo nga no, nagtataka din ako dahil sakto ang tira ni Borga pero lumihis ito ng bahagya." Napaisip si Arturo.
Mabilis na kumalat sa bayan ang nangyari kaya nagulat ang bawat makakatangap ng balita.
"Ano?! Bumagsak si Borga? Hindi ako makapaniwala!" Sabi ng isa na nakatangap ng balita na hindi napanood ang laban.
-
Naglalakad si Talim at may sumunod sa kanyang babae. "Ssst!" Sitsit ng babae. Pagharap ni Talim para alamin kung sino ang sumitsit ay nakita niya ang babaeng mahaba ang buhok maputi, maiksi ang suot at higit sa lahat ay maganda.
"Sino ka?"
"Hi Talim, ako nga pala si Danni."
"Babae ka 'di ba? Atsaka pa'no mo ako nakilala?"
"Nalaman ko lang kanina ang pangalan mo kasi nanalo ka sa laban."
"Ah ganun ba? Bakit mo ako sinusundan?" Lumapit si Talim sa babae hanggang halos magdikit ang katawan nila pero hindi natinag ang babae. Wala itong planong umatras sa paglapit ni Talim.
"Para sumama sa'yo, 'wag kang mag alala hindi ako bitch like you think, gusto ko lang na mag enjoy kasama ka." Napansin ni Talim base sa punto nito ay hindi ito taga Pangasinan.

BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.