3. Ang Batang Tumatakbo

1.3K 44 5
                                    

Nakatingin si Talim sa gawi ng mansyon at nasasabik siyang makitang muli si Bernadeth. Pero bigo siyang masilayan ito kahit man lang sa malayo. Kinabukasan ay umagang umaga--nagtabas siya ng damo. Hindi naman siya obligadong magtrabaho sa Farm nila pero siya mismo ang may gustong nagtatrabaho siya.Tumayo siya at tumingin uli sa mansyon na kung titignan ay maliit lang pero halata mo na kapag lumapit ka dito ay mas malaki pa sa mansyon ng Uncle niya kung saan siya nakatira. Naagaw pansin niya ang mga truck na papaalis. Ito ay ang magdedeliver sa Manila ng prutas, gulay at mga karne na galing sa Farm nila. May mga manok, baboy at baka ang inaalagaan sa Farm na 'yon at maraming nakatanim na gulay at prutas. Sa panahon ngayong bakasyon ay maraming mga mangga kaya marami din silang trabahador pag bakasyon. Kakahintay niya ay hindi dumating si Bernadeth. Nabigo na naman siya ng araw na 'yun kaya kinabukasan ay wala ang uncle niya, ginamit niya ang motor nito para mag gala at daanan ang mansyon kung saan nakatira si Bernadeth. Marunong siyang magmotor kahit labing dalawang taong gulang pa lang siya. Nakasumbrero at paborito niyang bulaklaking polo ang suot niya ng araw na 'yun at binabaybay niya ang lubak na daan. Hanggang sa narating na nga niya ang mansyon kung nasaan si Bernadeth. Narinig ni Bernadeth na may paparating na motor kaya sinilip niya ito sa bintana. Pamilyar ang mukha ng nag-mamaneho ng pang karera na motor at ginagamit talaga sa lubak ang motor kaya medyo maingay ito. Lumabas siya. Tama nga ang hinala niya. Si Talim nga ang may dala ng motor. Nakatingin si Talim sa mansyon at napansin niya na may kumakaway sa kanya. Si Bernadeth ito kaya ganun nalang ang tuwa niya. Kinawayan din niya ito at pumasok ito sa kwarto kaya medyo nadismaya siya. Pero laking gulat niya dahil lumabas ito sa mansyon at tinawag siya. "Talim!!" Inilapit niya ang motor sa bakod para makita niya ng malapitan si Bernadeth.

"Ikaw pala Madeth." Ngumiti si Talim sa pagkikita nila sa ikalawang pagkakataon.

"Bakit andito ka, Talim?"

"Nag-gagala lang ako." Pagdadahilan pa nito.

"Halika, pasok ka muna dito."

"Ay, 'wag na. Nakakahiya naman."

"Lika na, mabait naman si Lola, wag ka nang mahiya." Wala nang nagawa si Talim at sumama na siya loob.

Dumating ang Lola ni Bernadeth. "Ikaw pala si Talim? Ang pamangkin ni Luis. Kamusta na ang bukirin niyo diyan?" Siya si Donya Esmeralda na tinutukoy ni Luis sa kaniya.

"Masaganan naman po ang ani ngayong bakasyon." Magalang na sagot ni Talim.

"Magandang balita 'yan ah. Sige mag usap muna kayo. Aakyat muna ako." Sabi uli nito at iniwan na sila.

"Mabait pala ang Lola mo." Tanong ni Talim kay Bernadeth matapos makaalis ang Lola nito.

"Oo, mabait siya, at ako ang paborito niyang Apo." Ilang oras pa silang nag usap. Naalala ni Talim na oras na pala nang pagdating ng Uncle niya kaya nag paalam na siya. "Talim natutuwa naman ako at dinalaw mo 'ko."

"Gusto mo bang dalawin uli kita bukas?"

"Sige, pero may telephone number ka ba? Para kahit hindi tayo mag kasama ay makakausap kita." Nagulat si Talim pagkat wala syang telepono.

"Pasensya na Madeth pero wala akong cellphone eh."

"Sige okay lang 'yun." Umalis na nga nang nakangiti si Talim.

Kinabukasan. Napansin ni Luis na nakatingin sa telepono niya si Talim. "Bakit Talim, gusto mo bang magka cellphone?"

"Uncle, hindi po ba, mahal ang cellphone."

"Huwag ka nang mahiya. Ibibili kita. Nagbibinata ka na kasi." Sabi ni Luis at ginulo nya ang buhok nang batang si Talim. Ngumiti lang si talim.

Kinabukasan din ay may bago nang telepono si Talim. "Uncle salamat sa cellphone! Hayaan mo iingatan ko 'to." Ngumiti lang si Luis. Sakto nang umagang 'yun ay dala ni Bernadeth ang kabayo niya.

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon