Nagpatuloy sa pamamasyal ang dalawa. "Alexa, si Bernadeth ang kasintahan ko kaya 'wag kang kumilos ng ganyan." Sabi ni Talim na tila hindi nagugustuhan ang kinikilos ni Alexa.
"Alam ko at alam din naman niya na kasama kita ngayon."
"Yun ay dahil hiniling mo sa kaniya ito. Hindi patas ang ganito."
Nakita ni Alexa ang mansyon nila Bernadeth sa 'di kalayuan. "Idaan mo diyan sa lugar na yan." Nagulat si Talim pagkat hindi niya pwedeng gawin yun dahil madadaanan nila ang mansyon nila Bernadeth. Iniliko niya ang kabayo pabalik sa lugar na pinangalingan nila. "Talim bakit ka bumalik? Gusto kong makita ang lugar doon. I've wanted to see all the beautiful places here."
"Ayoko diyan, makikita tayo ni Bernadeth."
"Alam naman niya 'to ah, para makawayan ko man lang siya bilang pasasalamat." Sabay buong lambing na nilingon niya ang mukha ni Talim at idinikit ang pisngi nito sa pisngi niya. "Pagkatapos natin dito pwede bang pumunta tayo sa pabrika. Gusto kong igala mo ako sa loob." Matapos nun ay tinungo nila ang pabrika kung saan nangagaling ang sariwang prutas, gulay, manok, baboy at baka na ina-ani mula sa Farm. Nakahawak pa sa braso ni Talim si Alexa habang naglalakad lakad. Binati sila nang lahat ng empleyado sa pabrika pagkat kilala nila si Talim na pamangkin ng may ari ng pabrika. Miski ang mga matataas na posisyon ay kilala din si Talim kaya nagbibigay sila nang galang sa tuwing makikita ito. Napansin ni Alexa ang mga gulay at prutas na binabalot ng makina upang ipadala sa mga palengke sa Maynila at sa ibang malalaking kunpanya sa probinsya.
Nasalubong nila si Luis. "Hi Tito!" Nakita niya na nakakawit ang braso nito sa braso ni Talim.
"Napasyal ka Alexa? Interesado ka ba dito?"
"Maybe, mukhang maganda mag manage nito." Tumingin si Alexa sa paligid. Tumingin lang si Talim kay Alexa habang nakatingin naman si Luis kay Talim na tila nagtatanong. Iba kasi ang dating ni Alexa, para siyang kasintahan ni Talim kung umasta.
"Sige po Uncle, alis na kami." Lumabas sila sa kabilang daanan ng pabrika. Nakita ni Alexa ang mga prutas na isinasakay sa truck. Hindi ito kabilang sa binabalot sa loob. Punong puno ng prutas ang malaking sasakyan.
"Ano naman ang gagawin sa mga yan Talim?" Tanong ni Alexa.
"Gagawing juice, idedeliver sa Cavite." Napatango lang si Alexa.
"Ang dami mo nang nalalaman dito ah, hindi na 'ko magtataka kung balang araw ay ikaw na nagpapatakbo nitong pabrika." Sabi niya. "Pwede kitang ipagmalaki kung ikaw ang magiging asawa ko."
"Hindi pwede dahil tinuturing akong apo ni Lolo at ni Lola. Kaanak kita."
Umirap lang si Alexa.
Bumalik na sila sa mansyon. "Kuya Talim, Sa'n ka po galing?" Salubong sa kanya ni Camille. Nakasilip na naman si Erica at Eloisa at tinitignan nila sila Talim at Alexa kasama si Camille. Kinarga ni Talim si Camille at dinala sa loob ng mansyon. Sa lahat ng na andoon ay tanging kay Camille lang niya binibigay ang matamis niyang ngiti.
Sumunod si Alexa sa kanila. "Camille, gusto mo bang mamasyal sa bukid kasama si Kuya Talim mo?" Biglang sumimangot si Camille. Alam ni Alexa na kailangan niyang maging mabait kay Camille para lalo siyang mapalapit kay Talim.
"Kuya Talim, punta tayo sa bukid."
"Sige." Pag payag ni Talim. Nakapasan sa likod niya si Camille habang papunta sa bukid. Pagdating nila sa bukid ay bumaba na si Camille at naglakad. Inaalalayan siya ni Talim habang nakakapit sa braso niya si Alexa. Sumusunod sa kanila si Eloisa at Erica na tila hirap sa pag lalakad dahil sa mga talahib. Lumingon si Alexa kila Eloisa at sinimangutan niya ang dalawa. Nakarating sila sa kubo na tambayan ng mga magsasaka. Sa oras na yun ay sila lang ang tao. Nakatingin sila sa mga magsasaka sa 'di kalayuan at nakaupo si Talim sa likuran ng nakatayo na si Camille. Pareho silang nakangiti. Alam ni Talim na hindi niya katulad si Camille dahil si Camille ay mayaman at nung anim na taon siya ay kaya na niya ang sarili niya sa lansangan at nag hahanap buhay na. Si Camille ay isang bata na kailangan ng kalinga ng isang Kuya na katulad niya.

BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.