Paglabas ng gate ay naghahabulan parin sila. Tinawagan ni Lyka si Borga dahil alam niyang nasa malapit lang ito. "Ginoong Borga, tulungan mo ako! Siguro naman kaya mong pigilan si Talim. Hinahabol niya ako!" Sabi ni Lyka habang tumatakbo sa kausap na si Borga.
"Lyka, mag-usap tayo!" Rinig niyang sigaw ni Talim na humahabol sa kaniya. Nagulat si Talim dahil nasalubong niya si Borga. Niyakap siya nito para hindi siya makagalaw. "Borga! Bitawan mo ako! 'Wag kang maki-alam dito. Hindi mo alam ang nangyari."
"Si Lyka mismo ang humiling na pigilan kita!"
"Huwag kang maki-alam sa problema namin, girlfriend ko siya!"
Nakalayo na si Lyka kaya binitawan na siya ni Borga. Hindi na sumunod si Talim. "Pa'no ka niya magiging boyfriend? Carmelo daw ang pangalan ng boyfriend niya. Matangkad at gwapo."
"Ano mo ba si Lyka?" Tanong ni Talim na may pagtataka.
"Parang kapatid ko na siya."
"Borga please! Hayaan mo akong sundan siya."
"Alam ko na! Niloko mo siya no?"
"Hindi ko siya niloko!"
"Hindi ako tanga Talim para hindi mahulaan na niloko mo siya."
"Hindi mo naiintindihan Borga!"
"Pa'nong hindi mai-intindihan? Kilala ko si Lyka. Miski kailan hindi ko pa siya nakitang umiyak. Paano mo nagawang paiyakin siya?!"
Napaupo si Talim sa damuhan. "Hindi mo alam ang istorya."
"Kaya nga hindi kita sinapak 'diba?! Dahil wala akong karapatang maki-alam. Alam ko na mabigat ang ginawa mo kay Lyka sa tono palang nang pagsasalita niya nung humingi siya ng tulong. Paano mo nagawang magpanggap bilang dalawang tao?"
"Kung ano man ang nalaman mong nangyari sa pagitan namin ni Lyka, alam kong hindi parin ako masama."
"Kung alam ko nga lang na ikaw lang ang makakatapat sa kagandahan ni Lyka, sana kanina palang sinabi ko na sa kaniya. Hindi kasi ganun ka bilis ang isip ko para mahulaan na ikaw at si Carmelo ay iisa!"
"Mahabang istorya."
"Pwes magpaliwanag ka!"
"Hindi na kailangan, wala ka din namang maitutulong."
"Paano kung sabihin ko sa 'yong meron? Hindi mo lang alam ang pinagdaanan namin ni Lyka. Ako ang nagturo para siya'y lumakas. Tinuruan ko siyang lumaban para kapag wala ako, kaya niya ang sarili niya. Pero hindi niya parin kayang manakit ng tao. Nakita niya kasi sakin 'yun. Ayoko din kasing manakit kaya sakin niya nakuha ang ugali niya ngayon."
"Hindi ako naniniwala sa'yo! Nagawa mo akong suntukin nung hindi ako pumayag na maglaban tayong muli. Nakikipag laban ka at nananakit, paano ako maniniwala sa'yo?"
"Alam ko na kaya mong ilagan ang mabilis na atake na 'yon. Pinaalam ko lang sa'yo na galit ako pero hindi nangangahulugan na pakay nga kitang saktan. Para sakin ay sport lang ang ginagawa kong pakikipag-laban. Walang taong galit sakin dahil hindi literal ang tinutukoy ko, ang tinutukoy dito ay walang taong galit sakin. Nakuha mo ba?!"
"Ano ang kinalaman niyan sa pag-aaway namin ni Lyka?"
"Talim! Hindi mo parin nakuha. Parang kapatid na ang turing ko sa kaniya. Pwede akong humiling para pagbigyan niya ko. Malaki ang tiwala niya sakin dahil halos lahat ng nalaman niya ay ako ang nagturo. Natuto siyang makisama sa tao, kaya niyang makiramdam sa taong hindi niya kilala, natuto siyang mag budget ng pera, at higit sa lahat, natuto siyang magtrabaho. Ako din ang sumusubaybay sa kaniya lagi kaya walang sinuman ang pwedeng manloko sa kaniya. Ganiyan ako kalapit sa kaniya."
BINABASA MO ANG
Like A Frog
Ficción GeneralMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.