Nakatingin si Talim sa isang parating na sasakyan buhat sa kwarto niya sa itaas. Bumaba dito ang Lola niya at si Tita Alma niya kasama ang anak nito. Hindi siya bumaba at ramdam niya na maraming taong nag uusap sa ibaba. Maya maya lang ay may isa na namang sasakyan na dumating. Sinilip uli niya ito. Bumaba si Enrico at ang asawa nya't dalawang anak. Si Alexa at Angelo. Ilang minuto naman ang lumipas ay may dumating na naman. Kilala niya ang mga ito pero bago sa paningin niya si Eloisa. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang isang batang babae na kamukha ni Alice na tinuring niyang ina. "Malalaki na pala sila lahat, kung buhay lang sana si Mama, malakas ang loob ko na makisalamuha sa kanila." Sabi ni Talim at humiga sa malaking kama niya. Ilang sandali pa'y nakarinig sya ng mga yabag at mga maiingay na dalaga at binata. Hindi niya ito pinansin dahil wala siyang plano pang magpakita sa mga ito. Kahit alam niyang hindi siya araw araw makakapagtago dahil matagal pang titigil ang nga ito sa mansyon para magbakasyon. Naririnig din niya ang mga boses sa kabilang terasa. Natulog na lang siya at balak nyang gumising ng maaga para hindi niya makita ang mga pinsan niya pansamantala.
Kinabukasan ay umalis siya ng alas tres ng madaling araw. Balak niyang magtrabaho sa bukid ng buong araw. Wala talaga siyang balak na makisalamuha sa mga kaanak ng ina niya. Lagi nyang nasa isip ay sampid lang siya sa mga Silbano. Nanananghalian ang lahat sa isang mahabang mesa at hindi maiwasan na mapag usapan nila si Talim.
"Kuya, bakit wala pa si Talim? Bakasyon ngayon 'diba? Saan ba sya naglalagi?" Tanong ni Alma.
"Hayaan niyo na siya, nasa bahay siya ng mga kaibigan niya."
"Sino ba ang mga kaibigan nya? Hindi ba niya alam na andito ang mga pinsan niya?"
"Ang mga empleyado sa kumpanya ang mga kaibigan niya at mga magsasaka sa paligid."
Napangiti lang si Alexa. "Tita Alma, hayaan niyo na siya, hindi siya bagay makisalamuha sa amin."
"Alam mo ba Alexa na si Talim ay napakabait na bata?" Sabi ni Luis kay Alexa dahil hindi nito nagustuhan ang turan ng pamangkin.
Pasimpleng sinaway ni Enrico si Alexa. "Alexa, ikaw ang isa sa dahilan kaya ayaw ni Talim makisalamuha sa'tin." Sabi ni Alma. Pangiti ngiti lang si Alexa. Pagdating ng gabi ay sinadya ni Talim na umuwi. Pero gising pa ang lahat at bukas ang ilaw sa ibaba. Nakaupo ang mga dalaga palibot sa lamesang bilog. Nang narinig nila si Talim na padating. Nakita nila na may isang matangkad na lalaki na nakasando ang dumating. Tumingin si Talim sa gawi ng mga babae. Napatingin din ang lahat sa kaniya.
Wala siyang pag pipilian kundi dumaan sa harap ng mga kababaihan. Ang Tita Alma at ang hipag nito, kasama sila Erica, Alexa, Eloisa. Papalapit ng papalapit si Talim. Mararating na niya ang pintuan. Nakangiti lang si Alexa at si Erica naman ay nakatingin sa mukha ni Talim ganun din ang iba. Paglapit ni Talim ay nawala ang ngiti ni Alexa habang napa-titig na siya kay Talim.
"Talim!!" Bati ni Erica. Tinanguan lang siya ni Talim.
"Talim andyan ang Lola mo, mag mano ka muna bago matulog." Sabi ni Alma. Napatingin si Talim kay Alma. Kahawig nito ang ina niya kaya naalala na naman niya si Alice.
"Opo Tita. Sige po." Matipid na sagot niya.
"Kamusta, Talim?" Bati uli ni Erica at lumapit kay Talim. Tumigil ito sa paglalakad.
"Siya pala si Talim?" Sabi naman ni Eloisa. Walang kurap si Alexa at titig na titig kay Talim.
"Ako si Erica, remember?" Nakangiting sabi ni Erica ng harapin siya ni Talim. "Nasa loob si Alfred." Kilala na niya si Erica dahil hindi naman masyado nagbago ang itsura nito. Ngumiti si Talim kay Erica at hinawakan ito sa balikat. Walang salitang narinig kay Talim at dumiretso ito sa loob. Nagulat siya dahil may sumalubong sa kanyang bata.

BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.