Sa Hotel ay napapansin na si Lyka ng mga kasamahan niya. "Lyka, may problema ka ba?" Tanong ng isang kasama niya.
"Wala 'to, basta hindi ito makakaapekto sa trabaho."
"Alam ko Lyka. Kilala kita. Pero lagi ka kasing nakangiti noon. Bakit ngayon laging nakasimangot ka?"
"Pansamantala lang 'to. May problema kasi kami ng boyfriend ko."
"Ano naman?"
"Wag ka na magtanong dahil kahit ako hindi ko alam."
Kinagabihan ay dumating si Imelda sa mansyon niya. Sinalubong siya agad ni Lyka. "Tita, kumain ka na?" Tanong ni Lyka.
"Lyka, kakausapin kita saglit."
"Sige po Tita." Nakaramdam ng kaba si Lyka.
Nagpunta sila sa kwarto. "Okay naman ang trabaho mo, napapansin ng OIC sa Hotel na kapatid ko. Magaling ka daw. Lamang na lamang ka talaga sa iba."
"Salamat Tita. Kailangan kasi eh. Atsaka pamilyar na sakin ang Hotel, that's my edge among the others."
"Pero hindi 'yon ang dahilan ng pag-uusapan natin ngayon."
"Ano po?"
"Baka pansamantala munang hindi matutuloy ang kasal niyo ni Paulo."
Nagtaka si Lyka. "Bakit daw Tita? Kinausap mo ba si Paulo? Help him Tita, I think he has been blackmailed."
"Nalaman ng parents ni Mildred ang tungkol sa kanila." Napahiga si Lyka sa kama. "Pero gagawan namin ng paraan, stay focus on your Job. Kami na ang bahala."
"Tutulong din ako. Hindi pwedeng maghihintay lang ako!"
"Kami na ang bahala. Magtiwala ka lang."
"Pa'no na kami ni Paulo kung sakaling hingiin nila na panagutan si Mildred?!"
"Hindi mangyayari yan Lyka. Leave it all to me, gagawa ako ng paraan."
Napaluha na si Lyka dahil hindi niya alam ang gagawin niya. 'Paulo! Hindi lahat dito natatapos 'to. Mahal na mahal kita.'
Nagpunta sila sa bahay nila Mildred kinabukasan.
"Alam niyo! Hindi sa sinasabi kong masama si Paulo. Alam naming mabait 'yan dahil kaibigan siya ni Michael. Alam din namin na may girlfriend siya. Pero bakit niya sinamantala ang kahinaan ni Mildred?" Sabi ng ama ni Mildred kaharap si Imelda. Si Michael ay nakikinig din sa usapan.
"Kaya nga po andito kami para makiusap sa inyo. Ikakasal na po si Paulo. Sana iurong niyo na po ang demanda, kami na po ang bahala kay Mildred. May sariling Hotel ako at maibibigay ko lahat ng gusto niya o kahit trabaho. Posisyon na pangarap niya. Gagawin ko ang lahat para lang maging maayos tayo."
"Kaya po namin ibigay lahat kay Mildred. Kung wala kayong paki-alam sa damdamin namin bilang magulang. Mas lalo naman na wala kaming paki sa kasal ni Paulo. Ang Anak ko ay hindi isang babaeng kanto na pang one night stand lang. Alam na nga ng mga kamag-anak namin ang nangyari eh. Kahit sila hindi papayag ng 'sorry' lang."
"Pero pwede po nating baguhin ang lahat. Kami na ang aasikaso." Sabi ni Mercy.
"Hindi na pwedeng dayain o baguhin pa ang lahat. Baka maging ugali na ng Anak ko 'yan. Bata pa siya't inosente."
"Ano po ba ang plano niyo? Ayaw ko pong makulong ang Anak ko at ikakasal na siya sa girlfriend niya."
"Panagutan niya si Mildred. 'Yan lang ang tanging kondisyon ko sa inyo."
Umuwi na sila at sa sasakyan ay laglag ang balikat ni Paulo. Bigo kasi silang baguhin ang nangyari. "Dapat kasi Paulo hindi mo inamin eh para naibaliktad pa natin." Sabi ni Imelda.
BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.