Nakarating sila sa condo unit. Tulog na si Anna at Bellen kaya sila nalang ang maririnig mong mag-uusap. Umupo sila sa sofa para makapag-usap pa ng ayos. "Lyka, sana maintindihan mo ang sitwasyon ko. Gusto kong sabihin na sana sa'yo ang lahat kaso, dumating ang malaking problema. Ayokong sumabay sa problema natin 'to kaya mas ginusto kong ayusin muna 'to bago ko sana ayusin ang problema ko sa'yo."
"Wala sanang magiging problema kung ipinaliwanag mo lang ng maayos. Okay, andiyan na 'yan. I'm sorry, sana naintindihan mo ako kung pinagbintangan kita, hindi mo maaalis sa'kin ang mag-isip ng kung ano-ano."
"Napaghandaan ko na ang magiging resulta Lyka, ang hindi ko napaghandaan ay ang petsa kung kailan mo ito malalaman."
"Wala na 'yan. Pinapatawad na kita at kung dumagdag man ako sa problema mo, hindi ko sinasadya. I'm very sorry."
"Hindi ko tinuturing na isang problema ang tungkol sa'tin dahil ang problema ngayon ay ang Farm."
"May paraan pa ba bukod sa pagpapakasal mo kay Alexa?"
"Kailangan kong makakuha ng porsyento ng boto para maibalik ang Farm."
"Sino sino ba ang boboto?"
"60 percent ang siguradong boto na ipapatanggal ang Farm dahil 40 percent lang ang boto namin nila Uncle, Lola at Tita Alma. Kailangan namin ng kahit labing isang porsyento ng boto para manalo. Pero mukhang malabo."
"Pwede kaya natin silang kumbinsihin bago ang meeting?"
"Hindi mo sila kilala. Sila 'yung mas gusto ang malaking kikitain dahil hindi naman nila hilig ang Farm."
"Bukod sa mga kamag-anak mo, sino ba ang sa tingin mo ang may pinakamalaking hawak na share?"
"Si Ramon Lee. Meron siyang eksakto sa 11 percent share."
"Kakausapin ko siya para kumbinsihin."
"Malabo Lyka."
"Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan. Wala namang kabayarang buhay ang sumubok na kumausap."
"Ewan ko. Hindi ko na alam pa ang gagawin ko. Naisip kong sa burol na ako mag stay bukas. Pagod na akong ipaglaban ang Farm. Pagod na akong masaktan. Pakakasalan kita sa ayaw mo't sa hindi."
Biglang lumabas si Anna dahil nagising siya. Mapungay pa ang mata niya ng inaninag niya kung sino ang kasama ni Lyka. "Talim! Andiyan ka pala." Nagliwanag ang mukha ni Anna.
"Oo, inuutos ng Sir mo na sa kabila kang kwarto matulog dahil dito siya matutulog."
"Lyka, nagresign na ako 'diba? Pinagpaalam na ako ni Carmelo." Tumawa si Anna dahil wala naman siyang pinoproblema. Nakatingin lang siya kay Anna at ngayon ay naalala niya ang mga sabi sabi noong bata pa siya.
'Mas malaki ang problema ng mayayaman kaysa sa mga mahirap dahil walang problema ang mga mahihirap kundi pera lang.'
Naiintindihan na niya ngayon ang bagay na hindi niya maintindihan noong bata pa siya.
Kinabukasan ay tulog pa si Talim ng umalis si Lyka para pumasok sa hotel. "Tita, kilala mo ba si Ramon Lee?" Tanong ni Lyka habang papasok sa Hotel at kausap sa telepono si Imelda.
"Oo kilala ko siya, negosyante siya. Bakit?"
"Kailangan ko siyang makausap ngayon Tita, saan ba siya matatagpuan?"
"Nasa buliding siya ngayon ng SF pero bakit mo siya kakausapin?"
"Tulungan mo muna akong makausap siya, kailangan ko lang talaga."
"Sige, nasa'n ka ba? Pumunta ka sa office ko ngayon."
Dahil nga kay Imelda ay kaharap na ngayon ni Lyka si Mr Lee. "Ms. Lyka. Ikaw pala si Lyka. Ano naman ang kailangan ng isang sikat at magandang Binibini sa harap ko ngayon. Hindi ako nagagawi sa Hotel niyo kaya pagpasensyahan mong hindi kita gaanong kilala." Bungad ni Mr Lee.
![](https://img.wattpad.com/cover/17029411-288-k69914.jpg)
BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.