Bago umalis si Talim para puntahan si Lyka ay nakausap niya ang Uncle at Tito niya. "Tito! Bakit niyo iniwan ang Farm?" Tanong ni Talim kay Arturo.
"Talim! 'Wag na nating ipaglaban ang Farm. Wala na tayong magagawa pa. Hindi na kaya pang ibalik ang Farm. Tanggapin na natin ang bagay na 'yan." Si Luis na ang sumagot.
"Tama siya Talim. Tanggapin na natin ang lahat." Payo din ni Arturo.
"Gusto kong ikasal kami ni Lyka pagtapos ng isang buwan. Sa Farm gaganapin bilang pamamaalam sa mga tao na nakatira doon."
Tinapik ni Arturo ang balikat ni Talim. "Maraming salamat Talim. Ang akala ko masasaktan kayo pareho ng Anak kong si Lyka."
"Kagustuhan ng Diyos kung ano man ang mangyayari. 'Wag mong isisi sa mga tao na gustong mawala ang Farm. Alam kong ang nangyari sa inyo ni Bernadeth ay ayaw mo nang maulit pa." Nakangiti si Luis pero may lungkot sa mata nito.
"Napatunayan ko na mahal talaga ako ni Lyka. Pero bago ko mapatunayan 'yun ay muntik ko nang planuhin na pakasalan si Alexa."
"Laksan mo lang ang loob mo Talim. Malaki ang share ko sa kumpanya kaya matutulungan natin ang mga magsasaka."
"Pero Uncle. Hindi ko alam kung anong buhay ang naghihintay sa kanila."
"May awa ang Diyos. Subukan nating tumulong na pag-aralin ang mga kabataan. Tutulungan ka namin ni Tito Arturo mo. Si Lyka ay malambot din ang puso sa mga kababayan natin kaya malaki ang maitutulong dahil ang may-ari ng Hotel na si Imelda ay ganun din. Magtutulungan tayo." Nagyakap silang tatlo. Nakangiti sila kahit mawawala na ang kalahati ng mga buhay nila. Ito ay ang Farm.
Nasa opisina na ni Lyka si Talim. Pagkadating niya ay tahimik lang sila pareho. Lumapit si Talim pero nagsalita agad si Lyka habang nakatalikod siya kay Talim. "Ano ang balita?"
Napatigil saglit si Talim. "Okay ka lang ba mahal?"
"Ikaw ang tinatanong ko Talim."
"Life must go on. Sa ayaw natin at sa hindi. Mangyayari ang ayaw natin ano man ang mangyari sa meeting."
"Nakausap mo na ba si Alexa? Nasabi mo na ba ang plano mong pakasalan siya?"
"Ikaw ang pinili ko Lyka."
Humarap si Lyka kay Talim at tumulo ang luha. "Hahayaan mong mawala ang Farm?"
"Sa ayaw mo't sa hindi. Ikakasal tayo sa susunod na buwan."
Napaupo si Lyka at tumungo sa lamesa bago siya magsalita. "Gusto ko din naman na magpakasal tayo. Pero hindi tayo pwedeng maging makasarili kung may paraan naman para maibalik ang Farm."
"Tayo na ang bahala. Tutulungan ko nalang ang mga tao ko doon. Para saan pa ang pagpigil mo sa'min ni Alexa?"
"Hindi natin mabibigay ang tulong ng katumbas ng kabuhayan nila pag hindi nawala ang Farm. The only way to help your people is to grant that the Farm will stay! Hindi mo ba naiintindihan 'yon Talim?! Ang akala ko may paraan pa kaya umisip ako. Pero wala. Nadelay lang ang pagpapakasal niyo. Hindi din ako matulungan ni Tita."
"Lyka! Ayokong mawala ka sa'kin. Ayokong masayang na naman ang pagmamahal ko sa isang babae. Ayokong masayang ang binigay mong pagmamahal sa'kin. Niligtas mo ako sa kamay ni Alexa dahil mahal mo ako. Ayokong bali-walain ang ginawa mo na 'yun. Mahal ko ang mga tao pero mas mahal kita. Ayoko nang maulit na masaktan ako ng paulit-ulit."
Natigilan si Lyka bago magsalita. "Ganun din naman ako eh pero mas maigi na isakripisyo na lang natin ang lahat para hindi tayo magsisi sa huli." Bumaba ang boses niya pero hindi nagbago ang isip niya.
BINABASA MO ANG
Like A Frog
Ficción GeneralMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.