Matapos manalo ni Talim ay pinaagaw niya ang perang napanalunan niya sa pusta kaya nagkagulo ang mga tao para kunin ang mga pera. "Napakalakas ng tao na yun!" Sabi ng isang nanood ng laban nila at nakatingin kay Talim habang naglalakad ito pauwi. Ito na ang ika sampung panalo ni Talim buhat ng talunin siya ni Edmond. Tutol si Bernadeth na makipag laban siya pero katuwaan lang naman para sa kanya ito. Naisip niya na para mapakinabangan naman niya ang hinubog ng kalikasan na katawan niya. Paborito niyang magbuhat ng mga prutas at gulay na nakalagay sa crates. Pati sako ng bigas ay madalas niyang puntiryahin kapag wala siyang magawa. Minsan naman ay nagiging empleyado siya ng pabrika kapag bakasyon kaya alam na niya ang pasikot sikot sa pabrika. Kasalukuyang nag aaral na ng kolehiyo si Talim sa Unibersidad sa lugar nila. Ayaw niyang mag aral sa Maynila dahil ayaw niyang iwan ang Farm. At lalong nagtibay ang relasyon ni Bernadeth at Talim. Pero laging nandyan si Alexa at sa darating na bakasyon ay oras na para makilala ni Bernadeth si Angelo.
-
Dumating ang tag ulan. Nagpunta si Lyka at Anna sa bukid para manghuli ng palaka hindi para ibenta. Para ipagluto nila ang mga kabarkada nilang naglalaro ng soccer. Malalaki ang nahuli nila at mahusay parin naman manghuli ng palaka si Lyka dahil sa tuwing tag ulan ay minsan isang linggo'y nanghuhuli siya para iulam nila. Nagawa din niyang bigyan ng palaka si Imelda. Dala dala ni Lyka at Anna ang malaking kaldero sakay ng trycicle na pinapasada ng Ama ni Anna.
Si Lyka at Anna mismo ang nagluto. Lalapit sana si Alex kay Anna pero sumenyas si Anna na 'wag' dahil andyan ang tatay niya. Lumihis si Alex at tinulungan nalang magbuhat ang ibang lalaki. Bawal pa kasing magkaroon ng kasintahan si Anna. Kapag nalaman ito ng Kuya niya ay siguradong malalagot siya dahil nagtatrabaho ito sa bukid nila Talim kaya malakas ito. Kaya nitong bumugbog ng tatlong soccer player. Sinasabi naman ni Lyka kay Paulo ang lahat ng ginagawa niya at hindi maiwasan na magselos ni Paulo.
"Hindi kaya sa iba ka na sumasama ngayon dahil lumalayo na ang loob mo sa'kin." Sabi ni Paulo habang kausap niya ito sa telepono.
"Paulo, hindi ko magagawa yan dahil gusto kong mag aral ng walang gumagambala sa'kin." Sabi ni Lyka habang nakatingin sa nagkakainang mga manlalaro ng soccer.
"Ako ba gumagambala din sa'yo?"
Ngumiti si Lyka. "Hindi, bakit mo nasabi yan? Ikaw talaga, nalulungkot nga 'ko. Matagal pa kasi bago uli tayo magkita."
"Sobrang miss na kita Lyka." Nakangiti si Lyka habang pinakikingan ang sinasabi ni Paulo. Naging masaya siya sa pagbabago nito ng pakikitungo sa kaniya lalo na nung araw umamin si Paulo na mahal siya nito. Mahal din niya si Paulo kaso hindi pa niya dito maamin. Balak niyang sagutin ito sa darating na pagpasok niya ng kolehiyo. Usapan na nila ito ng Tita Mercy niya na botong boto sa kanya para kay Paulo. Hindi naman nagkulang si Bellen ng paalala kay Lyka. Minsan na kasing nasaktan si Bellen dahil nagmahal siya at ito nga ang Ama ni Lyka.
Isang beses na walang magawa si Lyka at Anna kaya nakaupo lang sila sa tapat ng palengke. Meron ditong karinderya at masayang nakikipag kwentuhan sa mga kumakain. Biglang dumaan ang dalawang magkasintahan na si Edna at Danny.
"Kailan pa nakabalik si Ate Edna?" Tanong ni Lyka sa mga kasama sa karinderya dahil ngayon lang uli niya ito nakita.
"Kahapon lang." Sagot ng isang kumakain na kakilala nila.
"Napaka swerte ni Edna kay Danny no, mayaman yan si Danny." Sabi ng isa.
"Utak na pinapairal ngayon at hindi puso, pumatol siya sa mayaman kaya mayaman na rin siya." Sabi naman ng tindera sa karinderya.
Hindi nagustuhan ni Lyka ang pag uusap na yun. Kinagabihan ay nakahiga siya sa kama at nag iisip. Baka balang araw ay siya naman ang pag usapan ng tao dahil pumatol siya kay Paulo na maraming pera ang magulang. Katabi niya ang Nanay niya kaya hindi niya maiwasang mag tanong. "Nay, mahalaga ba ang puso sa pagmamahalan?"
BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.