"Paulo, gusto kong makausap ang Magulang mo, hindi pwedeng hindi dahil hindi pwedeng palampasin ang ginawa mo!" Sabi ng ama ni Mildred nang makausap niya ng personal si Paulo.
"Pwedeng po bang kakasuapin ko muna si Mildred para ayusin namin."
"Kausapin mo man 'yan ay hindi na mababago ang nangyari. Hindi ako aatras sa pagdemanda ko sa'yo. Mabuti kang tao kaya alam kong alam mo ang dapat gawin."
Walang nagawa si Paulo kundi umamin sa ina niya.
"PAULO!! PA'NO MO NAGAWA 'YON?!"
"Lasing lang ako. Hindi ko sinasadya. Ganito kasi 'yon.."
Nakatungo si Michael sa mesa dahil sa kalasingan. Balak nang doon matulog ni Paulo dahil lasing narin siya. "Paulo! Dito ka matulog." Sabi ni Mildred na kanina pa nakaupo sa balkonahe habang nag iinom sila sa loob.
Inakay ni Mildred si Paulo at alam ni Paulo kaso wala na siyang lakas. Antok na antok na. Hanggang sa naramdaman niya na nakahiga na siya. Gusto na niyang matulog kaso naramdaman niya na may humahalik sa kaniya. Nadala na siya kaya nang hubaran siya ni Mildred ay hindi na siya kumibo. Dala ng kalasingan ay sinunod niya ang gusto ng katawan niya at pagkakataon. Kinabukasan ay tanda niya ang nangyari at balak niyang ilihim nalang kaso... Pumasok si Michael sa kwarto ni Mildred. "Pao! Pao! Gising! Ano ang ginagawa mo diyan? Tarantado ka, bakit mo pinatulan si Mildred?" Pabulong na sabi sa kaniya ni Michael.
"Lasing ako eh. Dito niya ako pinatulog."
"Umuwi ka na, wag kang magpapakita ah. Magbihis ka na." Umuwi siya, pero nakapagtext pa si Michael sa kaniya.
Michael: Sinabi ko kay Mildred na ilihim nalang ang lahat. Lagot tayo pag nalaman ni Kuya 'yan.
"Sabi ko naman sa'yo Paulo eh, 'wag kang didikit diyan sa Mildred na 'yan. Matagal na siyang may gusto sayo. 17 years old pa lang siya. My god Paulo. Makukulong ka. Bakit kasi sa bahay pa nila kayo nag-inom?"
"Sorry Ma! Lagot ako kay Lyka, ano ba ang dapat gawin?"
"Lalaban tayo sa kanila. 'Wag mo munang ipaalam kay Lyka 'to, 'wag muna kayo mag usap. Itext mo siya. Sabihin mo busy ka sa business natin."
"Galit sakin si Lyka dahil pinagtapat ko na sa kaniya."
"What?! Bakit mo agad sinabi Paulo? Baka hiwalayan ka niya. Itext mo siya at humingi ka ng tawad. Ayusin mo ang relasyon niyo, lalaban tayo!" Umisip ng paraan si Mercy dahil kailangan nilang lumaban. Hindi siya pwedeng humingi ng tulong kay Imelda dahil hindi niya alam kung magagalit ba ito sa ginawa ni Paulo. Baka lalong makagulo lang. Hindi nila pwedeng malaman na nakademanda si Paulo. Inayos naman ni Paulo ang gulo sa pagitan nila ni Lyka kaso hindi nakatiis si Lyka na text lang ang komunikasyon nila ni Paulo. Hindi alam ni Lyka na unang araw pala ng hearing ng araw na 'yon ng dumalaw siya kay Paulo. Hindi sinabi ng kasambahay ang totoo kung nasaan ang mag-ina.
-
"So, ikaw pala si Paulo?!" Sabi ng bungad ng Abogado ni Mildred.
"Opo!"
"Totoo ba na ginahasa mo si Mildred sa mismong kwarto niya?"
"HINDI PO TOTOO 'YAN! Ginusto niya po ang nangyari."
"Ginusto niya? That means inamin mo na may naganap sa inyo ng Minor age na si Mildred?!"
Huminga ng malalim si Paulo bago sumagot. "Opo pero hindi ko ginusto ang nangyaring 'yon." Seryoso lang si Mercy habang nakatingin at medyo inis na siya.
"Walang pinag-iba ang 'ginusto sa hindi ginusto.' Ano ba ang pagkakakilala mo kay Mildred?"
"Matagal na niya akong gusto."

BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.