61. Ang Mga Kapatid Ni Talim

597 26 2
                                    

Wala nang pag-asa si Don Berto kaya panay na ang iyak ni Donya Victoria sa ospital. Lahat sila ay walang magawa pero humiling pa si Luis ng konting oras. Sinabihan na kasi sila ng Doktor na kailangan na ni Don Berto ng Mercy kill.

Nagbakasakali naman si Arturo na kausapin si Bellen. Habang nanonood ng TV si Bellen ay may narinig siyang doorbell. Binuksan niya at nakita niya si Arturo. Dahil sa nawala na talaga ang galit niya sa lalaki ay pinapasok niya ito. Hindi na niya balak na pakitaan pa ito ng galit. "Salamat Bellen dahil pinatuloy mo ako." Sabi ni Arturo.

"Napaka bastos ko kung papaalisin ko ang Ama ng Anak ko. Para Lyka ang ginagawa ko."

Umupo sila sa upuan na magkaharap. "Ang ganda mo parin Bellen hanggang ngayon."

"Arturo, hindi ito ang oras para sabihin mo sakin 'yan."

"Kahit anong mangyari, mahal na mahal ko kayo ni Lyka."

"Sabi mo 'yan. Basta masaya si Lyka, masaya na din ako."

"Sa ngayon wala pa akong masyadong oras para dalawin kayo, pero pangako, mawalan lang kami ng problema, magiging madalas na ang pagdalaw ko dito."

"Nabalitaan ko nga pala ang nangyari kay Don Berto. Mabait siya alam ko dahil mabait si Luis."

"Hindi pa siya patay pero ipagdalasal natin na sana mabuhay siya. Hindi na ako pwedeng magtagal dito pag namatay siya. Wala na akong pupuntahan."

"Andiyan si Luis para tulungan ka."

"Ang Farm lang ang gusto ko. Wala akong hilig magtrabaho sa kumpanya nila."

"Bakit? Ano mangyayari sa Farm?"

"Ipapasara ito dahil 'yun ang gusto nang nakararami."

"Para kay Lyka, ipagdadasal ko si Don Berto."

"Wala na ba talaga akong pag-asa sa'yo Bellen?"

"Arturo, alam mo kung paano kumbinsihin ang babae kung gusto mo talaga siya. Paano mo gagawin 'yun ngayon?"

"Hindi na kasi tayo mga bata Bellen. Hindi na ganun kadaling gawin 'yan."

"Pag nawala ang Farm, makikitira ka kay Lyka?"

"Papayag akong magtrabaho sa kumpanya ni Don Berto basta maging akin ka lang uli."

"Papaano pag hindi naging tayo? Aalis ka? Iiwan mo si Lyka? Kailangan ka ni Lyka. Hindi mo lang alam kung gaano kasaya ngayon si Lyka dahil nagbalik ka."

"Pero kailangan kita Bellen."

"Magulo pa ang isip ko."

"Kailangan ko ang kasagutan mo."

"Huwag muna ngayon, Arturo."

"Ibig bang sabihin may pag-asa ako sa'yo?"

"Galangin mo sana ang pasya ko. Huwag mong isipin na may pag-asa ka sakin."

"Naiintindihan ko. 'Wag kang mag-alala, kahit anong mangyari, andito lang ako sa inyo ni Lyka. Alam kong may pride ka kaya hindi pwedeng mapatawad mo ako nang ganun ganun lang, ayokong sirain 'yun. Gagawin ko nalang ang lahat."

"Gusto ko lang naman na mapatunayan na kahit hindi dahil sakin, andiyan ka para kay Lyka."

"Napag isip-isip ko ngayon lang, hindi ko iiwan si Lyka. Kukunin ko ang mana ako kay Papa at magpapatayo ng bahay para sa'tin Bellen. Ramdam ko na mahal mo pa ako kaya sa ayaw mo't sa hindi. Magsasama tayo."

"Mas maniniwala ako sa'yo pag ginawa mo na. Hindi pwedeng basta nalang ako maniniwala. Kung gusto mo talagang magsama tayo, gawin mo ang sinasabi mo."

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon