64. Sakripisyo Para Mailigtas Ang Lahat

583 25 1
                                    

Nakahiga si Lyka sa loob ng kotse at umiiyak dahil sa nangyari.

'Pa'no mo nagawa sakin 'to Carmelo? Mahal kita pero galit ako kay Talim. Ano ang dahilan, bakit ka nagsinungaling sa'kin?' Tanong ng isip ni Lyka. Gabi na nang maka-uwi siya. Sinalubong siya ni Anna at Sosina sa elevator palang. Nanlalambot parin siyang dahan dahan na naglalakad at hindi na niya pinakikinggan ang sinasabi ng dalawa. Ang naintindihan lang niya ay nagsusumbong sa kaniya si Sosina dahil alam na pala ni Anna pero hindi parin niya binalak na sabihin.

"May dahilan ako kung bakit hindi ko sinabi, Sosi!!" Paliwanag ni Anna habang papasok silang tatlo.

"Pwede ba, wala kang karapatang tawagin akong Sosi dahil hindi kita bestfriend."

Binagsak ni Lyka ang katawan niya sa sofa. "Ang arte mo. Basta ayoko lang naman na masaktan si Lyka kaya ko nagawa 'yon! Bestfriend ko siya!" Matalas na sabi ni Anna.

"Hindi ganiyan ang tunay na bestfriend. Ang tunay na bestfriend, marunong magpayo!"

Sumabat si Bellen. "Tumigil kayong dalawa! Lalong sasama ang loob ng Anak ko sa ginagawa niyo na 'yan!" Nakatulala lang si Lyka at wala siyang planong sumbatan o sisihin ang kahit na sino.

"Sosi, alam mo na?" Malamyang tanong ni Lyka.

"Oo kanina lang. Sinabi sakin ni Tita Imelda at pinapunta niya ako dito para may masandalan ka."

"Lyka, kahit ako wala akong alam diyan at kanina ko rin lang nalaman. Pero alam kong hindi malaki ang problema mo, kaya mo 'yan." Sabat ni Bellen.

Hindi kumibo si Lyka. "Alam ko na kung bakit 'yon nagawa ni Talim?" Sabi ni Anna. Lumingon si Lyka kay Anna.

"Ano naman?!" Tanong ni Sosina.

"Nalaman ni Talim na ayaw ni Lyka sa mayaman kaya nagpanggap siya. Plano naman niyang ipagtapat kaso naunahan mo siya. Patawarin mo na siya Lyka."

"Hindi ganun 'yun Anna!" Sagot ni Lyka. "Hindi naman ako against sa mga mayayaman. Pinakitaan lang niya talaga ako ng kabaitan kaya nagustuhan ko siya. Pakitang tao lang pala 'yun dahil mayabang siya. Nasa isip kasi niya na sa sobrang gwapo niya'y kaya niyang paibigin ang isang tulad ko na driver lang ang pakilala niya. Hindi ko siya patatawarin, huwag ka nang umasa."

"Nonsense ang sinasabi mo Anna, lalong magagalit si Lyka niyan eh." Sabi ni Sosina.

"Sige Sosi, magmagaling ka!" Pataray ni Anna.

"Oo dahil alam ko na ang nangyari." Sabi uli ni Sosina.

Sa kaniya naman ngayon napatingin si Lyka. "Sige nga!" Hamon ni Anna.

"I think napilitan lang siyang magpanggap dahil naumpisahan na diba? Sabi mo, tinanong mo siya kung siya ba ang driver right? Wala siyang sinabi na driver siya at oo lang ang sagot niya. Maybe wala siyang intensyon na lokohin ka. Hindi niya akalain siguro na wala ka palang boyfriend. Nalaman niya ito ay huli na kaya hindi na siya nag attempt na aminin pa sa'yo. Bago siya manligaw ay nalaman na niya ang tunay mong ugali kaya natakot na siguro siyang ipagtapat pa dahil marereject siya."

"Plano na niya 'yun." Sagot uli ni Lyka. "Basically, ang mga manliligaw ko'y nagtatanong talaga bago manligaw. Sana ganun din ang ginawa niya kung gusto niya talaga ako."

"Dahil wala siya sa posisyon na ligawan ka. Sinong tanga ang magpapanggap na driver lang para manligaw sa isang mayaman na katulad mo?! Alam niyang magagalit ka kaya hindi na muna niya pinagtapat. And nasense ko na kung direkta siyang manliligaw sa'yo ay baka hindi mo siya pansinin kaya aksidente ang lahat maliban na lang kung ma-in love ka agad sa kaniya kung nagpakilala agad siyang Talim."

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon