20. Pag-aaway At Pag-aayos

621 28 3
                                    

'Patay, si Bernadeth yun.' Sabi ng isip ni Talim. Minadali niya ang pamamasyal at pinauwi na si Mylene. "Mylene, pag iisipan ko kung gusto din ba kita o hindi. Masyado akong abala ngayon eh. Pasensya na. Kailangan ko nang magtrabaho. Naiintindihan mo naman 'diba?"

Nakatingin lang sa kaniya ito. "Hayaan mo Talim, babalik ako dito para lalo kitang makilala. Mukhang masipag kang tao."

"Tama ka."

Pagtapos nun ay nagmamadali siyang bumalik sa bukid at napansin niya ang kabayo ni Bernadeth na walang nakasakay. Inikot niya ang paningin niya at napansin niya sa 'di kalayuan ay nakaupo si Bernadeth kaya nilapitan niya ito. Paglapit niya ay binirahan ng alis ni Bernadeth papuntang kabayo. Hinabol niya ito. "Bernadeth! Mag papaliwanag ako!"

"Diba sinabi ko sa'yo na 'wag mong kakausapin ang mga babaeng yan?"

"Pakiusap sa'kin yun ni Uncle. Napakahirap niyang tanggihan dahil pakiusap 'yun ng kumpare niya."

Humarap si Bernadeth kay Talim. "Dahilan ba 'yun? Pwede mo naman sabihin na ako ang girlfriend mo 'diba? Napakarami kong manliligaw pero ni isa sa kanila ay hindi ko pinakiharapan maliban kay Angelo, pero alam mong hindi ko gusto si Angelo at ni dulo ng daliri ko ay hindi niya nahawakan maliban sa pakikipagkamay ng pormal. Pero ikaw! Hinawakan mo pa ang kamay ng babaeng yun at nagawa mo siyang ipasyal dito sa bukid!"

Alam ni Bernadeth na walang tinatagong iba si Talim sa kanya. Pero naiinis lang siya talaga at kailangang niyang magalit dahil sa sama ng loob. "Madeth, pasensya na, magpapaliwanag ako, kahit kausapin mo si Uncle, wala akong ginagawang mas higit pa sa iniisip mo."

"Huwag mo na siyang tawagin para makiusap sa'kin. Alam kong wala kang kasalanan pero hindi mo maiaalis sa'kin ang mainis sa'yo. Alam kong maraming baba ang nagkakagusto sa'yo kaya wala na ding saysay ang lahat. Masama pa ang loob ko kaya bukas na tayo mag-usap kapag lumamig na ang ulo ko."

Sumakay ng kabayo si Bernadeth at umuwi.

"Ito na nga ba ang sinasabe ko eh!" Sabi ni Talim at binagsak ang sumblero sa lamesa ng balkonahe nila. Hinawakan niya ang mukha niya ng dalawang palad niya. Hindi lang isang beses sila nag away ni Bernadeth. Nag away sila noon dahil sa pakikipag laban niya kaya ngayon ay ayaw na nya makipag laban. Mahal na mahal nya si Bernadeth kaya kahit alam niyang hindi ito magiging dahilan ng paghihiwalay nila ay ayaw niya parin na nag-aaway sila.

Tinawagan niya ito. "Bukas na tayo mag-usap!" Sabi ni Bernadeth sa kabilang linya at binaba ang telepono.

"Nakakainis naman kasi si uncle!" Dismayadong sabi ni Talim.

Nakahiga si Bernadeth sa kama niya na masama ang loob. Matagal tagal na din siyang hindi nakasama si Talim kaya nangungulila siya sa halik at yakap nito.

May kumatok. Nakita niya ang kasambahay. "Ma'am Bernadeth, andyan po si Talim."

Nagulat si Bernadeth. "Paki sabi na ayokong makita siya pero sabihin mo rin na pumasok siya dito sa kwarto ko. Ikaw na ang bahala. Gusto ko din naman na magkaayos kami."

"Nag-away ba kayo, ma'am?"

"Oo." Mahinang tugon ni Bernadeth at isinara ang pinto.

Ganun nga ang sinabi ng kasambahay. "Talim, ayaw ka daw nya makita eh, kung gusto mo po akyatin mo na lang siya sa taas para makapag usap kayo. Ayaw kasing lumabas eh." Umakyat si Talim at pumasok sa kwarto ni Bernadeth. Nakaupo si Bernadeth at nakatingin sa salamin pero noong nakita niya si Talim ay humiga siya sa kama at nagtalukbong ng kumot.

"Madeth, mag usap tayo." Nilapitan siya ni Talim.

"Diba sabi ko sa'yo saka na tayo magkita? Sino ba ang may utos na pumunta ka dito?" Niyakap siya ni Talim at hinawakan sa maselang parte ng katawan niya. Nagkunwari siyang galit pero walang siyang nagawa hanggang sa pareho na silang nakahubad. Hindi malaman ni Bernadeth kung saan ipapaling ang ulo niya dahil nasa ibabaw niya si Talim at mabilis na gumagalaw. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito at ang isang kamay niya ay nakakapit sa kumot. Nang matapos sila ay nagbihis si Talim. Nakahiga lang si Bernadeth at walang kibo.

Bumulong siya dito. "Madeth okay na ba tayo? Ayoko kasing tapusin ang araw na ito na magkaaway tayo. Nasasabik ako sa'yo minu-minuto. Sana maintindihan mo." Sabi ni Talim pero hindi kumibo si Bernadeth. "Kailangan ko nang umuwi dahil baka dumating na si Uncle." Humalik siya kay Bernadeth at lumabas ng kwarto. Batid niyang galit pa si Bernadeth pero makakatulog siya ngayon ng maayos dahil alam alam niyang hindi na masama ang loob sa kaniya ng kasintahan.

Nasalubong niya ang Lola nito ng palabas siya ng mansyon. "Talim, may samaan ba kayo ng loob ni Bernadeth?" Tinangal niya ang sumblero bilang paggalang.

"Opo ganun na nga pero sa tingin ko po maayos na kami ngayon."

"Talim, ikaw ang karapat dapat para kay Bernadeth, gusto kong magkaapo na sa tuhod sa lalong madaling panahon."

"Lola Esmeralda, masyado pang maaga para diyan."

"Malapit na kong magpaalam sa mundong ito at gusto kong makita ang ika sampung apo sa tuhod ko sa pinaka paborito kong Apo." Napailing lang si Talim at inakala niya na nag uulyanin na si Donya Esmeralda.

Dumating uli ang bakasyon sa tag init. Si Camille, Eloisa at Erica lang ang nagbakasyon sa Farm.

"Salamat na lang dahil wala si Alexa." Sabi ni Talim. Nakayakap lang si Camille sa kaniya habang pinagmamasdan sila ni Eloisa at Erica buhat sa taas.

"Haaay, napakaswerte naman ni Camille dahil nayayakap niya si Talim." Sabi ni Eloisa.

"Eloisa, walang malisya yan dahil kapatid niya si Camille."

"Pwede ko din palang yakapin si Talim dahil walang malisya, pinsan ko siya."

"Sa kanya walang malisya, eh sa'yo?"

"Si Ate Erica talaga, pag si Talim na ang pinag uusapan laging parang si Ate Alexa, kontrabida."

"Eloisa, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Hindi ugali ng matinong babae ang pinapakita mo."

"Alam ko na, gagamitin ko si Camille para magpaturong mangabayo kay Talim." Sabi ni Eloisa na tingin niyang magandang ideya kaya tumakbo siya pababa para puntahan ang dalawa.

"Hoy, Eloisa saglit lang. Saan ka pupunta?!" Habol ni Erica at sumunod.

Nang makababa siya. "Hi Talim, hi Camille, gusto mo bang matuto mangabayo, Camille?" Tanong agad ni Eloisa . Nakangiti lang si Talim at naghihintay ng sagot mula kay Camille.

"Nakakatakot mangabayo, Ate Eloisa."

"Hindi ah, may nakita nga 'kong mas bata pa sa'yo pero nangangabayo na eh." Pang engganyo ni Eloisa.

"Totoo ba yun Kuya?" Tumingin si Camille kay Talim.

"Siguro.. madali lang naman mangabayo eh."

"Ilang taon kang natuto mangabayo Kuya?"

"Siguro kasing edad mo ako."

Siyam na taon na si Camille ngayon. "Sige Kuya, turuan mo 'ko."

"Talim, pwede dalawa kaming turuan mo?" Hiling naman ni Eloisa.

"Sige ngayon na." Naririnig ni Erica ang usapan.

Kinuha agad ni Talim si Sazaku na kabayo niya at hiniram ni Erica ang kabayo ng Tito Luis niya na si Zendo. Bata pa si Sazaku ng makilala siya ni Talim. Pinalitan lang niya ito ng pangalan at pumayag naman ang Uncle niya dahil sa kaniya naman ang kabayo. Nagsimula silang mangabayo at maya maya lang ay si Bernadeth na ang kasama nila. Tatlong kabayo na ang dinadala nila kasama ang kabayo ng Mommy niya. Napansin ni Erica si Eloisa na panay ang hawak nito sa hita ni Talim habang nasa likuran niya ito at tinuturuan siya.

Pagtapos nang isang Linggo ay marunong nang mangabayo si Camille. Nakahiga lang si Bernadeth at Talim kasama si Erica sa ilalim ng puno habang pinagmamasdan nilang nangangabayo si Eloisa at Camille. "Naaalala kita Madeth kay Camille, ganyan lagi ang suot mo." Sabi ni Talim.

"Oo, nga kaya ganyan ang pinasuot ko sa kanya para makakilos siya ng maayos."

-

Dumating na ang araw na iiwan na ni Lyka ang Pangasinan. Ayaw sumama ng Nanay niya dahil may telepono naman daw at hindi siya sanay sa usok ng Maynila. Pumayag naman si Lyka pagkat panatag na siya sa kalagayan ng ina niyang maraming kapit bahay na mababait. 'Di kagaya noon sa bukid pa sila nakatira.

Kinagabihan ay tinawagan ni Lyka si Anna para magpaalam dahil paalis na siya. Pero ayaw sagutin ni Anna ang telepono dahil hindi niya nahahalatang may tumatawag sa kaniya. Kasalukuyan niyang kasama si Alex na kaniyang kasintahan sa tahimik na lugar kaya hindi niya alam na may tumatawag sa kaniya.

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon