Mag-isang naglakad lakad si Lyka sa Bayan. Dahil sa wala nang nakakakilala sa kaniya ay wala na sa kaniyang bumabati. Nasalubong niya si Borga. "Pag sineswerte nga naman!" Sabi ni Lyka at nakatingin lang sa kaniya si Borga. Nagtaka ang itsura nito. "Ginoong Borga!" Sambit niya sa pangalan nito.
"Natutuwa naman ako at isang magandang Binibini ang nakakakilala sakin." Sagot nito na pamilyar kay Lyka.
Biglang tumawa si Lyka. "Si Lyka 'to."
Nagulat si Borga. "Pagminamalas nga naman oh!" Reklamo nito.
"Ang sama mo Ginoong Borga! Kamusta ka na?!"
"Lyka, ikaw na ba yan? Napaka bigtime na ng itsura mo. Para kang isang negosyante."
Narinig ng ilan ang pag-uusap nila. Lumapit ang tatlo na nakakakilala kay Lyka. Puro bagong mukha na kasi ang nandoon kaya konti nalang ang nakakakilala sa kaniya. "Ikaw talaga Ginoong Borga." Napansin ni Lyka na lumapit ang isa pang kakilala. "Ate Josie kamusta?"
Lumaki na ang mga tindahan sa bayan kaya yung iba ay wala nang pakialam sa kanila na nagkakamustahan. Hanggang sa napunta sa isang restaurant si Lyka at Borga para magkakwentuhan. "Boyfriend mo pinunta mo dito?" Nagtatakang tanong ni Borga.
"Oo, isa siyang truck driver sa Farm."
"Talaga? Pumatol ka sa driver?"
"Oo naman, dati lang akong mahirap kaya wala akong karapatang maliitin ang iba."
"Pero napakaganda mo Lyka, sana naman sa may itsura ka pumatol kahit mahirap lang. O kaya naman sana man lang mabait siya."
"Ginoong Borga, for your information, gwapo si Carmelo at mabait pa."
"Yan pala ang pangalan niya." Saglit na nag-isip si Borga. "May mga pumupusta sa laban ko dati na mga tauhan sa Farm eh, alam mo parang narinig ko na ang pangalan na yan."
"Oo, kasing tangkad mo siya at medyo mas kayumanggi lang sa'yo ng konti."
"Pero wala akong nakikitang gwapo sa kanila."
"Ewan, ano naman tingin mo sa mga driver doon? Hindi naman siguro lahat kilala mo, hindi daw siya napunta dito sa bayan."
"Siguro nga."
"Kilala mo ba si Talim?"
Biglang naging seryoso ang mukha ni Borga sa tanong ni Lyka. "Oo kilala ko siya, bakit mo natanong?"
Napansin ni Lyka ang reaksyon ni Borga. "Kaaway mo ba siya? Bakit ganyan ang reaksyon mo?"
"Wala lang, may naalala lang ako."
"Ano naman naalala mo sa kaniya?"
"Alam mo, mas bagay sana kayo ni Talim eh."
"Hindi ko siya gusto no, ayoko sa mga mayayabang na mayaman."
"Sa totoo lang, napakabait ni Talim, usap usapan siya ng mga tauhan sa Farm na kakilala ko."
"Mabait pala eh! Bakit parang naagawan ka ng chick ni Talim sa itsura mo kanina."
"May naalala nga kasi ako, pero wala 'to, naka recover na ko sa nakaraan namin."
"Ano ba kasi yun? Nakaraan?"
"Siya ang una at huling tumalo sakin sa laban."
Nagulat si Lyka. "Ganun? 'Diba walang makatalo sa'yo?"
"Oo pero siya, nagawa niya."
"How? Pa'no ka niya natalo? Hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam na siya pala ang pinakamalakas dito."

BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.