Lumipas pa ang mga taon. Handa na si Lyka para sa pagtakbo pero sa mataas na paaralan na siya papasok. Labing dalawang taong gulang na sya. Pero hindi parin nawawala ang mga kaklase niya na madalas siyang tuksuhin at nadagdagan pa ng mga mas salbahe na galing sa ibang lugar. Pero para sa kanya ay hindi naman problema pagkat hindi niya pinapansin ang mga batang nangbubully sa kanya. Madalas mangbully ay ang mga kapwa niya babae. Hindi na lang niya ito pinapansin. Ang isa pa sa umaagaw sa pansin nya ay si Jeffrey. Isa itong siga sa campus nila at mahilig sa away. Gwapo ito at maputi, lagi itong nag papansin sa kanya at madalas nababastos nga lang siya. Dahil marami din naman ang nagkakagusto kay Jeffrey ay isa sa mga ito ang napipikon sa kanya.
Ito ay si April. "Hoy frogmental! Halika dito!!" Mataas ang boses ni April habang kasama ang ilang babae. Lumapit si Lyka. "Pwede ba, 'wag kang dadaan dito. Naiirita ako!"
"Pero dito malapit ang room ko."
"Dun ka dumaan sa mas malayo dahil nag papa-pansin ka lang naman kay Jeffrey."
Nagulat si Lyka. "Mali ang iniisip mo April, wala akong gusto kay Jeffrey."
"Kunyari ka pa, balang araw ikaw ang unang unang lalandi kay Jeffrey dito."
"Hindi dapat natin pinagtatalunan pa yan April." Umalis na si Lyka at iniwan niya na naiinis si April.
Hanggang si Jeffrey na mismo ang nakasalubong niya. Nilapit nito ang mukha niya kay Lyka. "Hello Lyka, lalo kang sumeseksi ah." Iniwas ni Lyka ang sarili niya at naglakad palayo pero hinabol siya ni Jeffrey.
Humarang naman ito sa daanan niya. "Kausapin mo naman ako." Ngumiti si Jeffrey na tila nang-aasar pa.
"Pasensya ka na pero nagagalit sa'kin si April."
"Ano ka ba naman? 'Wag kang matakot dun." Umalis na si Lyka at hindi na sya hinabol ni Jeffrey.
Lumapit kay Jeffrey ang isang kasama niya. "Ano ba ang nagustuhan mo sa kanya, bakit araw araw na lang, hinahabol mo yan?" Nakamasid sila sa papalayo na si Lyka.
"Hindi mo ba pansin tol? Ang sexy niya. Mapapasa akin din siya. Hindi ko naman siya seseryosohin."
"Hayaan mo na kaya siya, siya yung nagtitinda sa palengke 'diba?"
"Oo pero wala akong paki doon. Iiwan ko lang naman siya kapag nakuha ko na."
Kasama ni Lyka si Anna na naging kaibigan niya. Biglang lumapit ang grupo ni April. "Lykang palaka, mag usap nga tayo!" Sinenyasan niya si Anna at lumayo para makausap niya si April.
"Bakit?" Tanong ni Lyka.
"Hindi ka yata natatakot sa'kin eh."
"Wala akong kasalanan sa'yo para matakot ako." Hindi nagustuhan ni April ang sagot ni Lyka kaya bigla nitong hinila ang buhok ni Lyka. "Arrray!!!" Lumapit agad si Anna para awatin si April. Nasa labas sila ng eskwelahan ng mga oras na ito kaya malakas ang loob ni April na manakit.
Umalis na sila April at sinabing... "Hindi pa tayo tapos Lyka ah." Tinignan niya si Anna. "At isa ka pa!!"
Ang sama lang ng tingin ni Anna sa papalayong grupo ni April. "Halika na Anna, umuwi na tayo." Malungkot na aya ni Lyka kay Anna.
"Ang sama talaga ng babaeng yun." Sabi ni Anna habang nakatingin parin sa papalayong grupo ni April.
"Hayaan mo na para hindi tayo mapaaway."
Nakilala ni Lyka si Anna dahil nakita niyang nagtitinda ito ng mineral water sa mga nagdadaan na sasakyan. Doon nagsimula ang pagkakaibigan nila kaya sila laging magkasama at naging matalik na magkaibigan. Dahil konti pa lang naman ang palaka sa bukid ay sinasama siya ni Anna para magtinda ng mineral water. Hangang sa dumating na nga ang tag ulan. Madaling araw pa lang ay nanghuhuli na nang palaka si Lyka. Sinasamantala lang niya at madali rin niya itong naibebenta sa umaga. Minsan sinasamahan pa siya ni Anna. Sa gabi naman ay nagtitinda pa si Anna ng mineral water. "Lyka isama mo naman ako sa panghuhuli mo nang palaka?!" Hiling ni Anna.
BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.