4. Ang Makulit Na Si Paulo

1.1K 40 6
                                    

Isang batang babae na may edad sampung taon ang tumatakbo sa gitna ng ulan. Nakaangat sa gilid ng balikat ang kamay at nakayukong sinasalubong ang daanan na parang isang ninja. Ambilis nang kanyang takbo at nagmamadaling makapunta sa bayan. Bitbit niya sa likod ang isang bag na may lamang nahuli niyang palaka. At hanggang sa wakas ay nakarating na siya sa kalsada at natagpuan na niya ang palengke na ang katawan niya ay basang basa. "Lyka! Halika dito." Tawag sa kanya ng isang babae. Siya nga pala si Lyka, agresibo na sa pagbabanat ng buto sa mura niyang edad. Sa tuwing tag ulan ay marami silang mga bata at binata na nanghuhuli ng palaka. Siya lang ang namumukod tangi na babae sa mga kasama niya. Dahil ang lugar nila ang pinakamalayo, tinatakbo na lang niya ang lugar kung saan maraming palaka at didiretso siya sa bayan para ibenta ito.

"Aling Luisa, eto na po ang mga nahuli ko, malalaki ito." Sabi ni Lyka sa babae na tumawag sa kanya. Sa tag-ulan kasi ay uso ang palaka sa lugar nila, ang iba ay inuuwi at ang iba naman ay binibenta. Walang pasok ng hapon na 'yun at pauwi na siyang tumatakbo dahil may dala na siyang pagkain para sa Nanay niya na si Bellen.

"Manatili ka dito kapag walang pasok para hindi ka lagi napapagod?" Hiling ni Bellen sa anak.

"Ako po ang bahala sa sarili ko. Sayang ang panahon. Basta relax ka lang diyan."

"Naaawa na ko sa'yo Anak eh. Kaso wala naman tayong magagawa kundi mamitas ng gulay at ibenta sa palengke."

"Kaya nga nanghuhili ako ng palaka diba? Hindi na mahirap para sa'kin 'yun."

Kinabukasan ay papasok na sa eskwela si Lyka. Nakahanda na siya para tumakbo, nilagay niya sa bag ang sapatos. "Buti na lang at hindi pa umuulan." Sabi ni Lyka at sinimulan na niyang tumakbo. Malayo ang tinatakbo niya at dumadaan pa siya sa konting putikan dahil may mga kalsada na maputik pa. Apatnaput limang minuto siyang tumatakbo araw araw kapag walang ulan. Nang nakarating na siya sa paaralan ay parang hindi man lang siya pagod. Pinunasan niya ang maduming paa niya at isinuot ang sapatos. Pag pasok niya ay sinalubong siya kaagad ng mga ka-eskwela niya.

"Andyan na si Lykang palaka!" Pang-asar ng isa niyang kaklase. Sanay na siyang tinutukso ng 'Lykang palaka.' Nang mga kaeskwela niya kaya hindi naman siya nagagalit. Marami din ang galit sa kanya dahil minsan ay amoy putik pa siya o amoy palaka dahil minsan inuuna pa niya ang manghuli bago pumasok. Nang araw na 'yun ay napagpasyahan niyang pag uwi na lang manghuli ng palaka at nang uwian na ay diretso na siya sa bukid para manghuli ng palaka, at bumabalik siya sa palengke pagtapos ng ilang oras para ibenta sa mga suki niya. Marami siyang suki kaya hindi siya nahihirapan mag benta. Pag sapit ng gabi ay tatakbo uli siya pauwi at may dala dalang makakain sa Nanay niya. Minsan naman pag may mga gulay ay dinadala niya iyon sa bayan bago siya pumasok sa paaralan. May maliit silang taniman ng gulay sa tabi ng kubo na tinitirhan nila. Araw araw ganun ang ruta niya para lang may makain sila. Ni minsan ay hindi makikitaan ng panghihina o magreklamo man lang sa buhay dahil sa hirap. 'Yan si Lyka ang pambihirang bata. "Paglaki ko ay iaahon ko sa hirap si Nanay." 'Yan ang malimit sabihin ni Lyka sa sarili niya kaya siya nag susumikap.

Dumating ang tag lamig at kokonti na lang ang palaka sa bukid ng panahon na ito. Nakaupo si Lyka sa harap ng dalawang bilao na naglalaman ng sari saring gulay at konting palaka. "Ale, bili na po kayo, sariwang gulay kapipitas lang atsaka sariwang palaka!" Pag-aaya ni Lyka sa mga nagdadaang tao.

Isang grupo ng mga bata ang lumapit. Isa sa kanila ay kaklase ni Lyka na si Jim. "Hoy Lyka! Pag igihan mo pag titinda ah?!" Sabi ni Jim na may tonong nang aasar. Hindi siya pinansin ni Lyka at patuloy lang siyang nag hahanap ng mamimili.

"Kuya, Ate, bili na kayo!!" Hindi sila pinansin ni Lyka na parang walang narinig.

Sabay sabay nag tawanan ang grupo ng mga bata at ang isa ay may dalang bola na pinapatalbog pa. "Lykang palaka!" Sigaw ni Jim at nag tawanan uli lahat. Umalis na ang mga bata at dito niya makikilala si Paulo. Narinig ni Paulo na inaasar ng mga bata ang isang batang babae kaya lumapit siya dito pag alis ng mga bata.

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon