65. Special Chapter2: The Amazon Warrior

596 23 4
                                    

Bata pa lang si Laura ay umibig na siya kay Prinsipe Abilla. Siyam na taong gulang ang Prinsipe at siya naman ay pito. Hindi siya magawang mapansin ng Prinsipe bagkus ay mahirap lang sila. Tanging ang mga sundalo at mga kasambahay lang ang pwedeng makalapit dito. Mabait ang Ama nitong Hari kaya hindi maubusan ng pagkain ang mga kababayan niya at syempre kasama ang Pamilya ni Laura doon. Kaya ganun na lang ang paghanga niya sa kaharian na sumasakop sa Bayan nila. Nagawa pa niyang linisin ang mga armas ng Sundalo bilang kapalit sa mabuting loob ng Hari. "Hoy bata! Hindi mo kailangan na linisin ang aming armas dahil hindi ka pa maaaring maghanap buhay." Sabi ng isang sundalong kumakain sa isang kainan sa lugar nila. Nakalapag ang armas nito kaya nilinis ni Laura.

"Wala po itong kapalit Ginoo. Ito po ang kusang loob kong ginawa kapalit ng pagtulong niyo sa amin." Mabait na bata si Laura. Marunong siyang tumanaw ng utang na loob sa mura niyang edad. Nagpasya siya na maging sundalo ngunit hindi siya pinayagan ng kaniyang Ama dahil isa siyang babae. Tanging pagkakataon kasi ni Laura 'yun para makalapit sa Prinsipe pagdating ng panahon. Dahil sa gusto niya talagang maging sundalo ay nag sanay siyang mag-isa para patunayan na pwedeng maging sundalo ang isang katulad niyang babae. Bilang pagsasanay, nag-suot siya ng mabigat sa katawan niya at gumawa siya ng kahoy na sandata. Lihim niya itong isinasagawa araw araw hanggang umabot ng sampung taon. Dahil sa sipag at tyaga niya sa pagsasanay-nadaig ni Laura ang mga lalaking sundalo noong siya'y labing pitong taong gulang na. Tinalo niya ang pinaka malakas sa hukbo ng kaharian nila. Dahilan para hanggaan siya ng mga sundalo. Sa pagkakataong ito ay nakapasa siya bilang isang sundalo. Pero ganun pa man ay napanatili niyang maganda ang katawan niya para kaaya-aya siya sa paningin ng Prinsipe.

Ginapi ni Laura ang kaharian na balak sumakop sa kanila. Kaya niyang lumaban ng higit sa isang daang sundalo kahit siya'y nag iisa lang. "Salamat Laura, nailigtas mo hindi lang ang kaharian pati ang ibang sundalo para hindi sila mamatay." Sabi ng Hari sa nakayuko sa kaniyang si Laura.

"Kabayaran lang po 'yan ng pinapakita niyong kabaitan, mahal na Haring Esteban. Trabaho din po ng isang sundalo ang pangalagaan ang inyong Pamilya." Lihim na sumulyap si Laura sa katabi nitong Prinsipe. Na si Prinsipe Abilla na tulad niyang dalaga, isa na rin itong ganap na lalaking binata. Alam ni Abilla ang kahulugan ng pagtingin na iyon kaya maliban sa kaniya'y lahat ng tao sa kaharian ay inaakalang may pusong lalaki si Laura. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi naman sila pwedeng magkatuluyan pagkat hindi dugong bughaw si Laura kaya ipinagbabawal sa katulad niya na umibig sa hindi niya kauri.

Muli na namang tinalo ni Laura ang malakas ng hukbo sa gawing Silangan. Umabot sa maraming kaharian ang balita.

Isang Amasona ang tumalo sa lampas isang daang sundalo na nag-iisa lamang. Kasing bilis ito ng kidlat.

May isang kaharian na kinikilalang pinakamalakas sa buong mundo at kabilang din dito ang pinakamalakas na sundalo.

Siya si Misage.

Kapareho niya si Laura na kayang tumalo ng maraming sundalo dahil isa siyang Propeta. Kaya niyang magpaulan at patigilin ang ulan kung gugustuhin niya. Ang sandata niya ay isang napakatalas na espada na kayang humiwa ng bakal. Inumpisahan na nilang lakbayin ang kaharian kung saan nabibilang ang Amasona na si Laura. Balak kasing labanan ni Misage si Laura.

-

Isang araw, naliligo sa batis si Laura. Sanay siyang nakahubad sa ilalim ng tubig kaya lahat ng taong mapadaan ay agad niyang pinapaalis. Ngunit aksidente naman na ang Prinsipe Abilla ang napadaan. Sa pagkakataong ito ay hindi niya pinaalis ang Prinsipe. Umahon siya mula sa batis at pinakita sa Prinsipe ang pinakatago-tago niyang katawan.

Nagulat ang Prinsipe. "Laura! Bakit mo ginawa 'yan? Ipagpaumanhin mo ang pagdaan ko dito nang walang pasabi. Hindi ko 'to sinadya, maniwala ka Laura!"

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon