25 years ago....
"Kakang Osang luto na po." Sabi ng 16 anyos na si Bellen.
"Mamaya mo na ilabas 'yan, aayusin ko pa ang lamesa sa labas." Sagot ni Rosana, ang amo niya sa karinderya.
Maya maya may dumaan. "Luis, ano 'yang sinasabi mo na walang mangyayari sa inyo? Kagabi lang 'diba meron?" Rinig nila ang sinabi ng lalaki na 'yun sa labas. Rinig din nila ang tawanan ng mga ito. Kilala ni Bellen kung sino ang may-ari ng boses na 'yon.
Lumapit sa karinderya ang mga lalaking nagtatawanan. "Kamusta Ate Rosana?" Bati ni Luis.
"Ayos lang naman, paki sabi sa mga tauhan mo may bagong lutong ulam si Bellen."
"Sige, masarap nga palang magluto si Bellen." Sabay umalis na sila.
Nakatingin sila sa papaalis na dalawang lalaki. "Kilala mo ba 'yung kasama ni Luis, ha Bellen?" Tanong ni Rosana kay Bellen.
"Opo kilala ko siya, siya yung supladong lalaki na nakatira sa Mansyon."
"Ano ka ba? Hindi lang siya sanay makipag-usap sa mga taga dito, lalo na sa mga dalaga kasi malapit na siyang ikasal."
"Kasal? Ah kaya pala."
"Bakit naman Bellen parang may laman 'yang sinabi mo na 'yan?"
"Wala po akong ibig sabihin Kakang Osang. Ano po ba ang nasa-isip niyo?"
"Wala lang, una, yung pagkakasabi mo sa kaniya na 'supladong lalaki.' Pangalawa, bakit parang iba ang tono nang pagkakasabi mo nang 'kaya pala?' Ikaw ah."
"Kakang Osang. Usap usapan na dito ng mga kadalagahan na gwapo si Arturo at may dating."
"Kasama ka dun sa mga kadalagahan na 'yun?"
"Hindi ako kasama dun pero naniniwala naman ako sa mga nababalitaan ko eh."
"Sumang-ayon ka naman, ibig sabihin, hindi malayong naaakit ka din kay Arturo?"
-
"Bakit hindi mo subukang ka-usapin ang mga dalaga sa nayon? Lalo na si Bellen, napakaganda niya." Sabi ni Luis kay Arturo.
"Wala ding saysay." Sagot ni Arturo habang ginagamas nila ang malalaking damo.
"Hindi mo naman liligawan eh. Kaibigan lang, pwede na."
"Malapit na akong umalis Luis. Baka lalo lang akong malungkot pag nadagdagan pa ang kaibigan ko. Ni hindi ko na nga masisilayan pa ang Anak mo eh."
"Hindi na ako magkakaanak."
"Ano?! Bakit!"
"Naaawa nga ako kay Rowena. 'Yung pangarap namin na walong Anak. Hindi na matutupad."
"Pero bakit nga?!"
"Nagpatingin kami ni Rowena sa Doktor. Dahil sa aksidente ko noon, 4 years nang nakakaraan. Hindi na ako magkaka-anak."
"Ikinalulungkot ko 'yan. Pa'no na si Rowena?"
"Sabi niya sakin, hindi daw hadlang ang pagkabaog ko. Mahal na mahal parin niya ako."
"Yan ang tunay na pag-ibig. Bakit hindi mo nalang siya mahalin Luis?"
"Napamahal na ako sa kaniya. Mahal ko na si Rowena."
"Wala na palang problema eh. Mag ampon nalang kayo."
"Naaawa ako sa kaniya, nakita ko kung pa'no siya madismaya nung nalaman niya na hindi na kami magkaka-anak."
BINABASA MO ANG
Like A Frog
Fiction généraleMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.