Nadismaya si Arturo sa sinabi ni Luis. "How dare you Luis? Hindi mo ba ako ilalagay man lang sa aircon?" Reklamo niya.
"Hindi na, baka kantahan mo pa yung mga babaeng staff sa office." Sinakal ni Arturo ng braso niya sa leeg si Luis. Tawa lang nang tawa si Talim.
Dumating ang bakasyon at nakumpleto na naman ang mga pinsan ni Talim na nagbabakasyon uli. Magkakasama sila sa hapag kainan ng gabing yun. Siyam na taon na si Camille at gusto niyang katabi ang Kuya Talim niya habang kumakain. Panay ang tingin ni Talim kay Camille at lagi siyang inaalok ni Talim ng mga masarap na nakahain. Pagtapos ay umupo sila sa balkonahe sa ibaba at nakapalibot sa lamesa ang mga babae. Si Angelo at Alfred naman ay nakaupo sa bakod habang nag uusap. Sa mga oras na ito ay wala si Talim dahil lihim itong nakipag kita kay Bernadeth. Ngayon ay magkasama na sila sa kubo. Nakayakap lang si Talim kay Bernadeth habang nakatalikod si Bernadeth na tinitignan ang mga bituin sa itaas. Batid ni Bernadeth na andiyan ngayon si Angelo kaya balak niyang hindi magpakita pero kailangan niyang makita si Talim ng lihim dahil nasanay na siyang araw araw itong kasama.
-
Umalis naman si Alexa dahil balak niyang hanapin si Talim. "Ate, saan ka pupunta?" Tanong ni Angelo.
"Wala may hahanapin lang." Wala ang mga Tito at Tita nila at sila sila lang ang nagbakasyon kaya walang nagbabawal sa kanila kahit gabi na.
"Andito lang pala kayo." Sabi ni Alexa nang makita si Talim at Bernadeth. Kumalas sa pagkakayakap si Talim kay Bernadeth. Kapwa sila nakatingin kay Alexa.
"Alexa, ano ginagawa mo dito?" Tanong ni Talim.
"Para sundan ka Talim." Sagot ni Alexa na parang hindi niya nakita si Bernadeth. Biglang may sumingit na nagsalita sa likod ni Alexa.
"Ano naman kaya ang ginagawa ng isang magandang dalaga sa lugar na ito?" Sabi ng Lalaki na nasa likod ni Alexa. Napalingon si Alexa at lumitaw buhat sa dilim si Angelo. Baliwala ito kay Talim pero nahintakutan ang itsura ni Bernadeth.
"Angelo, pwede ba matulog ka na!" Sabi ni Alexa dahil ayaw niyang makita ni Angelo si Bernadeth.
"Ate, hayaan mong makilala ko ang dalagang yan na kasama ni Talim." Nakangiti pa si Angelo at tumingin kay Bernadeth. "Ano nga pala ang pangalan mo magandang binibini?" Sa mga oras na ito ay kilala na ni Angelo si Bernadeth.
"Angelo, siya si Bernadeth, kasintahan ko." Pakilala ni Talim dito.
Tumawa nang nakakaloko si Angelo. "Paki ulit nga Talim, kasintahan?!" Malakas ang pagtawa ni Angelo. Nakayuko lang si Bernadeth na tila nahihiya.
"Angelo, umalis ka na nga." Sabi ni Alexa at biglang dumating ang tatlo. Si Eloisa, Erica at Camille.
"Kuya Talim!" Tawag ni Camille at nakangiti ito. Nakatingin lang si Talim kay Angelo. Batid ni Angelo na hindi pa kailangang malaman ni Talim ang lahat dahil utos ito ng Ate niyang si Alexa.
Kaya kahit papaano ay alam parin niya ang ginagawa niya.
"Umuwi na nga tayo." Mungkahi ni Talim. Hinatid na ni Talim si Bernadeth at isinama si Camille. Nauna nang umuwi ang iba. "Ikaw pala si Camille, napakaganda mo ah." Sabi ni Bernadeth at ngumiti kay Camille.
"Bakit po, kayo po ba ang girlfriend ng Kuya ko?" Tanong naman ni Camille. Nagkatinginan lang si Talim at Bernadeth at kapwa ngumiti.
"Oo Camille at nagmamahalan kami ng Kuya mo, kaya magiging mabuti ako sa'yong Ate." Kumapit lang nang mahigpit si Camille kay Talim. Hanggang sa pauwi na sila ng Kuya niya, nakapasan ito kay Talim. Nakatingin lang ang lahat sa kanila at pangiti ngiti lang si Angelo. Nakatingin ng masama si Talim kay Angelo.
BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.