"Joke lang!" Binirahan ng tawa ni Anna. "Kaibigan ko si Carmelo, kasama ko siya ngayon." Duktong ni Anna dahil natakot siya sa sarili niyang kapalpakan. Napapikit lang si Talim. Inis na inis ang itsura nito.
"May tinatago ka ba sa'kin Anna?" Pagtatakang tanong ni Lyka.
"Crush ko ang boyfriend mo."
"Subukan mo lang Anna ah. Malilintikan ka sakin." Pero si Talim na ang nakarinig ng sinabing 'yun ni Lyka dahil inagaw niya ang telepono kay Anna.
"Hello Lyka!"
"Hello, saan mo nakilala si Anna?"
"Yaya siya ng Anak ni Talim eh, kaya nakilala ko siya." Hindi malayong magkagusto nga si Anna kay Talim. Alam naman ni Lyka na mahilig na talaga sa mga gwapo si Anna noon pa.
Nagsalita uli si Lyka. "Ibigay mo kay Anna ang phone, may sasabihin lang ako."
Inalis ni Talim sa tenga niya ang telepono at binulungan si Anna bago niya ito ibigay. "Anna, 'wag kang magkakamali na sabihin na ako si Talim ah. Pag naghiwalay kami ni Lyka, ikaw ang mananagot sakin. Gusto lang naman kitang tulungan kaya pumayag akong makausap mo si Lyka. Naiintindihan mo ba?"
"Oo na."
Nag-usap uli ang dalawang magkaibigan. Pagkatapos nilang mag-usap ay inutusan ni Lyka si Talim na isabay si Anna sa pagpunta niya sa Maynila at ipag-paalam ito sa amo.
-
Kinabukasan ay bumalik sa Mansyon ni Luis si Rowena para sunduin si Tadeth. Dahil aalis si Anna at Talim papuntang Manila, si Luis ang nadatnan niyang nag-aalaga kay Tadeth. Nakausap na naman siya si Luis. "Rowena, huwag ka nang magalit sakin." Sabi ni Luis habang binibigay si Tadeth kay Rowena.
"Inaamin ko Luis, nawala na ang galit ko sa iyo."
"Nararamdaman ko na gusto mo parin ako."
Humarap si Rowena kay Luis. "Bakit mo pa sinasabi 'yan? May paki-alam ka pa ba sa nararamdaman ko?"
"Pwede pa tayong magkaayos."
"Diba may Babae ka na?"
"Gusto niyang sa ibang bansa kami mamuhay dahil andoon ang trabaho niya. Ayaw niya dito sa Farm."
"Walang problema, kung talagang mahal mo siya, dun ka na din manirahan."
"Ayokong tumira doon."
"Kaya ba ako ang kinakausap mo dahil palpak ang babae mo?!"
"Mahal mo pa ba ako?"
"Hindi na mahalaga ang sagot."
"Mahalaga para sakin."
"Pa'no kung mahal pa kita? Ano ang gagawin mo?"
"Hihiwalayan ko siya basta sabihin mo lang na mahal mo ako."
"ANO AKO? RESERBA? Makipag hiwalay ka kung gusto mo pero hindi ako makikipagbalikan sa'yo!!" Umalis si Rowena kasama si Tadeth at hindi na siya napigilan pa ni Luis.
"Mali yata ang diskarte ko, nakakainis!" Sabi ni Luis pag-alis ni Rowena.
-
"Nakasakay na kami sa Truck. Malapit na kami diyan." Sabi ni Anna habang sakay siya ng truck ni Talim papuntang Maynila. Kausap niya si Lyka sa telepono.
"Isang oras palang ang lumilipas buhat nang umalis kayo. Malapit na agad? Baka hindi mo alam na anim na oras ang byahe? Ikaw talaga. Pero excited na akong magkita tayo!"
"Ako din Lyka! May trabaho na ba ako diyan?"
"Sa ngayon wala pa pero maganda ang uuwian mo dahil condo 'yun. Marami kang makikitang buildings sa paligid lalo kapag gabi na. Makukulay na ilaw na hindi natin nakikita diyan noon. Magbubuhay Prinsesa ka. Isasama kita sa Hotel ni Tita Imelda."
BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.