18. Ang Paghamon Ni Borga Kay Talim

640 28 2
                                    

Tinuloy lang nila ang paglalakad hanggang sa nakauwi na sila sa mansyon. "Alfred, anong nangyari sa'yo? Nakipag away ka?!" Tanong ni Erica.

"Hindi Ate, katuwaan lang 'to."

"Pasensya na Erica, gusto niya kasing subukan na lumaban, hayaan mo ligtas naman siya dahil may tagaawat naman." Paliwanag ni Talim.

"Kahit na." Nag-alala talaga si Erica para sa kapatid niya.

"Ate malayo sa bituka to." Dahilan ni Alfred.

Dumating si Luis at Arturo. "Kanino mo sya nilaban Talim?" Tanong ni Luis.

"Kay Benjie."

"Kay Benjie? Knock out ba?"

"Hindi naman Uncle! Naubos ang oras."

"Mahusay ka pala ah." Sabi ni Luis kay Alfred.

"Kaya ko naman po sana siya kaso naunahan niya ako kaya siya ang umibabaw hanggang matapos."

"Kailangan talaga na nasa ibabaw ka, advantage ka sa ganoong posisyon."

"Nung kabataan ko, andaming takot sa'kin." Singit ni Arturo.

Namangha ang lahat pero.. "Pa'no, lagi kang may itak kaya takot sila sa'yo." Kontra ni Luis.

"Luis, kahit kailan ka." Sabi ni Arturo at nagtawanan ang lahat.

-

Nasa sala ng isang mansyon si Angelo at hinihintay niyang dumating si Bernadeth. Nagbigay ng maiinom ang kasambahay habang nakatingin lang ang Lola ni Bernadeth na kampanteng may hawak na pamaypay. Hindi siya boto kay Angelo dahil si Talim ang gusto nya para kay Bernadeth. Pag si Talim ang pumupunta sa bahay nila ay kinakausap niya ito, pero si Angelo ay hindi. Dumating si Bernadeth at umupo sa harap ni Angelo. "Hi Bernadeth! Kilala mo na ba ako? It's me.. Angelo." Nakipag kamay si Angelo. Kinamayan siya ni Bernadeth. "Andito lang ako para magpakilala sa'yo, we both know that I should be your boyfriend now a days." Hindi nag sasalita si Bernadeth. "Hayaan mo, sa ngayon kay Talim ka pero ako parin ang mapapang asawa mo, Bernadeth."

"Umatras na tayo Angelo, hindi na tayo dapat ikasal."

"Bakit naman?"

"Mahal ko si Talim. Binigay ko na ang sarili ko sa kaniya."

Lihim na nainis si Angelo. "Bernadeth, hindi na importante yun, dahil usapan na ng pamilya natin 'to, masisira ang Mommy mo kapag umatras ka pa." Pero gusto lang talagang saktan ni Angelo si Talim.

Umuwi si Angelo at sinalubong siya ni Talim. "Tinuloy mo parin ba ang pag dalaw kay Bernadeth?"

"May masama ba?" Dinaanan lang ni Angelo si Talim at umuwi na.

Kinabukasan ay nagkita si Talim at Bernadeth sa lugar na walang makakakita sa kanila. Malayo ito at sila lang ang tao. Magkayakap ang dalawa. "Pinagtapat ko na kay Angelo na nakuha mo na ako kaya wala ka nang dapat ipag-alala pa, Talim." Alam ni Bernadeth na utos ni Alexa na huwag sabihin kay Talim ang tungkol sa kanila ni Angelo.

"May tiwala ako sa'yo, Bernadeth na akin ka lang, pagtapos ko sa kolehiyo ay papakasalan na kita." Sabi ni Talim at masayang hinalikan siya ni Bernadeth. At sa 'di kalayuan ay may dumaang nangangabayo.

Kumaway ang nangangabayo at lumapit sa kanila. Si Erica pala at nakangiti itong bumaba sa kabayo para kausapin sila. "Talim, andyan ka pala?" Sabay tingin kay Bernadeth. "Hello sa'yo! Ikaw ba ang girlfriend ni Talim?"

"Oo siya nga ang nakita mo nung nakaraang gabi." Sagot ni Talim at hinawakan sa kamay si Bernadeth. "Bernadeth siya si Erica yung kinukwento ko sa'yo."

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon