Matapos tignan ni Talim si Ismael ay sumagot siya. "Ako nga. Salamat, ano po ba ang katungkulan mo sa Hotel na 'yan?"
"I'm just 23 para mag 'po' ka sakin. Siya nga pala, Lyka, Ms. Lyka nalang ang itawag niyo sakin, ako ang OIC ng Hotel." Sabi ni Lyka at umalis.
Naiwan ang tatlo. "Talim naman, bakit sinabi mo na driver ka lang? Sayang, bagay pa naman kayo." Sabi ni Ismael.
"Ang ganda niya. Ngayon lang ako nakakita ng ganiyan ka-ganda."
"Sayang siya. Akala niya driver ka lang." Sabi ni Sonny kay Talim na kasama nilang pahinante.
"Hindi na siguro importante kung sino ako sa kaniya. Panigurado may boyfriend na siya. Wow! Ang bata niya para mag Manage ng ganiyan kalaking Hotel." Sabi ni Talim. Inayos nila ang gulong hanggang sa matapos sila. Hindi papayag si Talim na hindi niya maka-usap si Lyka. Naghugas siya ng kamay at nakita niya si Lyka na naglalakad sa loob ng Hotel.
"Ms. Lyka!!" Kumaway si Talim kay Lyka.
Lumapit naman si Lyka at nakapamulsa siya sa bulsa ng blouse niya.
"Salamat Ms. Lyka, aalis na kami."
"Walang anuman. Saan ba ang kumpanya na 'yan?"
"Sa Pangasinan."
"Kaya pala parang pamilyar sakin ang pangalan."
"Talaga? Bakit?"
"Dati akong Supervisor sa kumpanyang nakuha ng prutas sa kumpanya na 'yan. Ganiyang truck ang magdedeliver sa'min noon." Nagulat si Talim dahil naging Supervisor na pala si Lyka. Lalo niya itong hinangaan.
"Kaya pala sa bata mong 'yan OIC ka na. Siguro mahusay kang Supervisor?"
"Hindi naman, nagkataon lang na Tita ko ang may-ari ng Hotel."
"Ganun ba? Ah sige Ms. Lyka, aalis na kami." Naisip ni Talim ang trabaho sa Farm kaya balak na niyang umalis.
Pero ayaw pa ni Lyka. "Sigurado ba kayong hindi kayo mga kawatan?!" Nagulat ang reaksyon ng tatlo kaya nagsalita agad si Talim.
"Ms. Lyka, hindi talaga. Kina-kailangan lang na palitan na ang gulong ng truck. Kayang kaya naming patunayan 'yan!"
Ngumiti si Lyka. "Nagbibiro lang naman ako. Sige na, baka naghihintay na sa Pangasinan ang asawa mo."
"Nagulat naman ako sa sinabi mo Ms. Lyka, siya nga pala binata pa ako. Eh ikaw, may boyfriend ka na?"
Tumawa si Lyka. "Sabi ko na nga ba 'yan ang itatanong mo eh, ang mga lalaki talaga."
"Sorry sa tanong ko, oo nga pala, successful ka na kaya hindi ka na dapat tinatanong ng mga katulad namin."
"Ano ka ba? Hayaan mong sagutin ko ang tanong mo, manliligaw palang ang meron ako." Sobrang nanghinayang si Talim dahil nagpakilala siyang driver lang.
"Kailan mo siya sasagutin?"
"Wala pa akong plano."
"Ga-ganun ba? Alam mo kasi Ms. Lyka sa nakikita ko, ang taas ng standards mo sa lalaki eh, kahit alam kong mabait ka." Saka nahalata ni Lyka na tumatagal na ang pag-uusap nila pero nalaman niyang malalim mag-isip si Talim ayon sa mga sagot nito sa kaniya.
"Sige na Carmelo, pwede na kayong umalis. Nice meeting you." Sabi ni Lyka sabay inalis niya ang kanang kamay sa bulsa ng blouse niya at naghayag ng pakikipag kamay. Nagulat si Talim dahil alam ni Lyka ang pangalan niya kahit hindi niya sinasabi ito.
"Ho-how'd... Pa'no mo nalaman ang pangalan ko?"
"Sa I.D. mo, lumitaw kanina nung may kinuha kang bagay diyan sa polo mo." Ngumiti pa si Lyka.

BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.