45. Ang Larawan Ni Lyka

642 27 3
                                    

"Tay kamusta naman ang Pamilya mo?" Tanong ni Lyka kinabukasan ng mag-usap silang mag-ama.

"Iniwan ko na. Iba ang ugali ng asawa ko eh."

"Bakit, Tay?"

"Joke lang, arranged marriage lang kasi 'yun kaya nahirapan talaga akong paki-samahan ang asawa ko."

"Ano ba ang ugali ng asawa mo?"

"Naku, nakakahiya lang. Basta, pangit ang ugali niya."

"Nahiya ka pang sabihin, tell me Tay. 'Wag ka nang mahiya."

"Nakakahiya."

"Wag kanang mahiya Tay. Ikwento mo 'yan kahit gaano pa ka-sama. Makikinig ako."

"Bahala ka ah. Ganito kasi 'yun. Simula nang magkaanak kami, hindi na siya sumiping sakin miski isang beses. Tapos lagi pa akong pinagbibintangang nambababae. Nakakapikon 'diba?"

"Mahirap nga 'yan Tay. Pa'no mo nagawa naman na iwan siya?"

"Eh 'di ginawa ko 'yung binibintang niya."

"Nang babae ka?"

"Medyo pero alam mo naman ang panahon ngayon. May mga taong laro lang ang habol."

"Bakit niyo ginawa 'yun? Sana nag asawa ka nalang uli."

"Hindi ako makaramdam gaya ng naramdaman ko noon kay Bellen, kaya ayokong manligaw."

Nagulat si Lyka dahil binanggit ng Tatay niya ang pangalan ng Nanay niya. "Sino si Bellen?"

"Siya ang babaeng pinakamaganda sa buong mundo. Kaya kinailangan ko ng dugo at pawis para lang mapasagot siya dahil hindi siya pwedeng daanin sa pera. Wala na akong nakikitang babae ngayon na katulad ni Bellen. Siguro dahil matanda na ako."

Nagmamadaling pumasok si Lyka sa opisina niya. Hindi na kasi niya kayang pigilan ang luha na dumadaloy sa pisngi niya. Nang makapasok siya sa loob ay buo na ang loob niya. "Tay makinig ka!" Garalgal pero hindi naman halata na boses ni Lyka.

"Bakit Anak?!" Nagtatakang tanong ni Arturo.

"Nanay ko si Bellen." Nanlaki ang mata ni Arturo dahil magaang ang loob niya kay Lyka dahil kay Bellen. Magkahawig sila. "Ako ang Anak mo at hindi totoo na kinain siya ng Ahas."

"A-anong sabi mo?" Natulala bigla si Arturo. "To-totoo ba 'yan?" Wala kasing dahilan para biruin siya.

"Tay! Anak mo ako!"

"Lyka! Pa'no nabuhay si Bellen?!"

"Mahabang kwento, Tay."

"Pa'no mo nalaman na Anak kita?!"

"Dahil kasama mo si Luis Silbano."

"Lyka, hindi ka ba talaga nagbibiro?" Lumabas ng Pabrika si Arturo.

"Hindi po talaga Tay, maniwala ka. Sigurado ako na ikaw ang Tatay ko. Wala akong dahilan para biruin ka."

"Anak! Pwede ba kitang puntahan diyan ngayon din?" Wala siyang ibang gustong gawin sa oras na ito kundi puntahan ang mag-ina niya.

"Walang problema, Tay."

"Maghintay ka ng ilang oras. 'Wag kang aalis ah." Binaba ni Arturo ang telepono at nagmamadaling pumunta sa garahe para kunin ang sasakyan. Siya na mismo ang pupunta ng Manila para makita si Bellen at si Lyka. Tinawagan na lang niya si Luis para magpaalam. Sinabi nalang niya kay Luis ang nabalitaan niya kaya pumayag si Luis na umalis siya. Alam din kasi ni Lyka ang tungkol sa ahas kaya nakumbinsi siyang totoo ang sinasabi nito.

Tinawagan ni Lyka ang Nanay niya. "Nay, papunta na dito si Tatay. Alam na niya na Tatay ko siya."

"Ang bilis naman! 'Wag na 'wag mo siyang papapuntahin dito ah."

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon