Habang nakatingin kay Talim ang lahat ay nagsalita ang may hawak ng mikropono. "Kaninang umaga lang nalaman kaya hindi agad nakahanap ng replacement." Nakatingin din si Orlando kay Talim.
"Pwedeng ako nalang?" Hindi inaasahang sabi ni Talim. Nagbulungan ang marami at nabigla si Orlando kaya tinitigan niya si Talim.
"Carmelo, hindi ka pwedeng lumaban, bukod sa wala kang training, malakas si Orlando. Siya ang kinikilalang Champion dito." Sabi ni Lyka.
"Susubukan ko lang naman."
"Kilala mo pala siya?" Tanong ni Paulo kay Lyka.
"Oo kilala ko siya." Sagot nito.
"Mr. Orlando, papayag ka ba?" Tanong sa kaniya.
"Ang yabang mo manghamon ah. Sige pumapayag ako. Walang sisihan ah. Ikaw ang may gusto at hindi ako." Sabi ni Orlando at tumingin kay Lyka.
"Nakakapanghinayang lang kasi." Pinarinig ni Talim ang sagot niya sa lahat. "Katuwaan lang naman. Huwag kayong mag-alala, alam ko ang rules at medyo nakakaintindi ako niyan."
"Carmelo, sure ka ba talaga?" Pag aalala ni Lyka.
"Huwag kang mag-alala. Kaya ko 'yan." Sagot ni Talim pero hindi siya sigurado kung hindi siya mapapagod dahil taon na ang binilang nung huli siyang lumaban.
Lumapit kay Talim ang host. "Tumimbang ka muna." Sabi nito kay Talim. Hinubad ni Talim ang suot niya at tinira ang boxer short. Napalunok ang mga babaeng nasa loob kahit marami namang lalaki ang magaganda ang katawan sa Gym. Pati si Lyka parang ayaw tumingin. Inaasahan na ni Lyka na may magandang pangangatawan si Carmelo pero hindi niya parin inakala na magugulat siya.
"Lyka, meron pala siyang ipagmamalaki eh." Bulong ni Paulo kay Lyka. Hindi nagkakalayo ang timbang nila kahit mas matangkad si Talim dahil kahit papaano naman ay dyeta siya.
"Payag ka ba Orlando na makalaban ang taong ito?" Tanong ng host sabay turo kay Talim.
"Oo, payag ako." Sigawan ang mga tao. Sinuutan sila ng manipis na gloves at pumwesto sa gitna. Hinihintay ang hudyat ng host para simulan na ang laban.
Kinakabahan si Lyka para kay Talim. Nag simula ang laban at si Orlando ang unang sumipa. Sinipa niya sa mukha si Talim pero naka-ilag ito. Sigawan ang mga tao habang nakangiti lang si Orlando. Mabagal siya.' Sabi ni Talim sa isip niya. Sumubok si Talim na isang sipa sa unahan sa may ibaba ng mukha ni Orlando. Unang subok at mabilis para kung sakaling makaiwas ay hindi makakabawi ng atake si Orlando dahil nakaharap parin siya.
Pero napaangat ang ulo ni Orlando dahil nasapol ito ng sipa. Nahilo agad si Orlando kaya sigawan ang mga tao. 'Ang bagal na ng kilos niya, ang bagal pa ng mata. Nakakatamad nang lumaban.' Sabi ni Talim sa isip niya. Hindi niya sinamantala ang pagkahilo ni Orlando dahil balak nalang niyang magpatalo. Kawawa naman kasi ang mga tagahanga nito kung bibigyan niya ng isang solido na suntok. Hinabol siya ni Orlando at kunyari natumba siya para makubabawan siya nito. Pero walang tumatama sa mga suntok ni Orlando dahil panay salag at ilag ang ginagawa niya. Kalmado lang siya pero akala ng mga tao'y natatalo na siya, kaya sigawan ang mga ito.
Sumubok uli sumuntok si Talim ng isang mabilis. Hindi inaasahan ni Talim na matatamaan ng solido si Orlando. 'Ay! Napalakas yata!' Hindi nalang siya sumuntok. Pagtapos ng tatlong minuto ay natapos ang unang round. Nag-alala si Lyka dahil pakiramdam niya'y nasaktan si Talim.
"Carmelo, kaya mo pa?" Tanong ni Lyka na may pag-aalala.
"Kaya ko pa." Ngumiti pa si Talim habang nakaupo. Pinunasan niya ito ng pawis. Nakamasid lang si Paulo sa kanila.
Nagsimula ang ikalawang round. Limitado ang galaw ni Talim dahil ano mang oras ay babagsak si Orlando kung gugustuhin niya. Pinipigilan niyang sumuntok ng malakas. Kaya sinasadya niyang hindi tumama ang suntok niya. Gaya ng sa unang round pero kunyari'y nanghinayang na lang siya at alistong inabangan ang atake ni Orlando. Hinayaan lang niya na ibabawan siya ni Orlando nang sumunggab uli ito. Sigawan uli ang mga tao pero malamya ang atake ni Orlando para kay Talim kaya hinayaan lang niya ito na sumuntok ng sumuntok. Akala niya'y mapapalaban siya ngayon pero pansin niya'y para lang siyang naglalaro. Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Orlando para hindi ito makasuntok pero hindi maigalaw ni Orlando ang kamay niya. Sobrang hina ni Orlando para sa kaniya kaya binitawan nalang niya ang kamay nito. Natapos ang ikalawang round ay maga ang mata ni Orlando dahil sa suntok ni Talim nung unang round. Napansin ni Paulo na mas pagod pa si Orlando kaysa kay Talim kahit lamang ito at laging nasa ibabaw. Si Lyka naman ay nag-aalala parin.
BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.