21. Ang Kaarawan Ni Eloisa

635 26 2
                                    

"Hello Anna nasaan ka ba? Bakit antagal mong sagutin ang tawag ko?"

"Pasensya na may ginagawa kami eh este may ginagawa ako." Sagot ni Anna. Tumawa lang si Alex ng mahina habang nakikinig. Nag-aayos ng sarili si Anna dahil kagagaling lang nila ni Alex sa gawain na tanging magkasintahan lang ang nakakagawa.

"Pumunta ka dito sa amin ngayon dahil may ibibigay ako sa'yo, mga gamit ko na gusto mo."

Nang mai-suot na ni Anna ang damit niya ay humarap siya kay Alex. "Sige na Alex umuwi ka na." At humalik siya dito bago umalis.

Nang nasa bahay na siya ni Lyka ay tinangap niya ang sapatos, bola at iba pang damit mula kay Lyka. Hanggang sa nagyakap silang magkaibigan dahil uuwi na si Anna. Malalim na kasi ang gabi. "Madaling araw ang alis ko bukas Anna, kaya ito na ang huli nating pagkikita." Maluha luhang niyakap ni Anna si Lyka.

"Lyka, sana bumalik ka dito sa bakasyon."

"Oo Anna, pero nalulungkot talaga ako dahil parang hindi ako sanay ng hindi kita nakikita, apat na taon na tayong magclassmate at laging magkasama."

"Kahit ako Lyka, hindi lang kita classmate, matalik pa kitang kaibigan, tatawagan mo ako ah."

"Oo naman, mag aral kang maigi ah, yung plano mo na ibigay ang sarili mo kay Alex, 'wag mo nang ituloy muna." Nasamid si Anna kahit hindi siya kumakain dahil pang walong beses na silang nagtatalik ni Alex sa talahiban. Pero wala siyang balak aminin ito kay Lyka dahil siguradong magagalit sa kaniya ang kaibigan dahil usapan nila'y pag-aaral ang aatupagin bago ang lahat.

-

Nakasakay sa kotse si Lyka habang umiiyak. Naalala niya agad ang Nanay niya dahil hindi ito sumama sa kanya. Pagtapos ng anim na oras na byahe ay bumaba siya mula sa kotse. Sinalubong siya ni Imelda sa garahihan at niyakap. Isang taon din kasi silang hindi nagkita.

"Halika na sa loob." Sumalubong sa kanila ang halos kasing edad niyang kasambahay.

"Ms. Imelda, siya ba ang makakasama ko sa pagiging kasambahay?" Tanong ni Lyka.

"Hindi Lyka, hindi ka magiging kasambahay pero anytime ay pwede kang kumilos dito sa bahay kung gusto mong makasama siyang maglinis."

"Pero usapan natin Ms. Imelda na kasambahay niyo ako dito."

"Tita na ang itawag mo sa'kin dahil ikaw na ang gagawin kong anak. Salamat at naisip mong sa'kin tumira."

"Wala po ba kayong ibibigay sa'kin na trabaho?"

"Meron, sa hotel ka magtatrabaho bilang server pansamantala kung gusto mo. Pero mad importante ang pag-aaral mo para sa inyong mag-ina."

"Sige po Tita. Babawi na lang ako kung sakaling makatapos ako."

Kinabukasan ay nagkita sila ni Paulo sa isang Mall sa Maynila. Pag silip ni Lyka ay may naglalakad na lalaki habang nakaupo siya sa upuan sa labas ng sinehan. Plano kasi nilang manood ng sine. Sumaya ang mukha ni Lyka nang magtama ang mga mata nila. Tinakbo na ni Lyka si Paulo pagkat ayaw na niyang patagalin pa ang pagtititigan nila at bigla niyang niyakap si Paulo ng buong higpit. Umangat ang dalawang paa niya dahil inikot pa siya ni Paulo habang magtatama ang mga katawan nila kahit maraming nakakakita. "Paulo, sa wakas ay nakita uli kita." Masayang sabi ni Lyka na tila sila lang ang tao sa loob ng mall.

"Gusto kong maging akin ka na ngayon, Lyka."

"Oo Paulo, iyo na ako, mahal na mahal kita." Niyakap uli siya ni Paulo ng mahigpit pa.

Pagtapos ng araw na yun ay nakatingin sa bintana si Lyka at nakangiting minamasdan ang mga bituin. Pumikit siya. Inaalala niya ang ginawang paghalik ni Paulo sa kanya sa loob ng sinehan. Para siyang Prinsesa na hinahalikan ng isang Prinsipe.

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon