34. Si Tadeth

653 28 2
                                    

Isang babae ang nag mamadaling mag lakad dahil huli na siya sa trabaho. Hawak niya ang hairnet at sumbrero na hindi pa nai-susuot dahil sa pagmamadali. Naka jogging pans at bota, tamang laki ng damit at relo. Matangkad at morena. Habang naglalakad ay unti unti niyang sinuot ang hairnet at sumblero pag pasok. Tumambad sa kaniya ang maraming empleyado.

Siya si Lyka. Nataranta ang mga empleyado dahil nagsalita siya ng malakas. "Trabaho! Trabaho! Kilos agad!" May kasama pang palakpak. Takot sila sa 23 anyos na si Lyka. Umalingawngaw ang boses niya sa paligid.

Ang kumpanyang ito ay gumagawa ng fresh na juice at ini-export sa ibang bansa. Sa ngayon ay Mango season kaya Mango juice ang ginagawa nila. Karamihan ay galing Davao pero kahit papaano ay nakakapag bigay din ang SVFM na pagmamay-ari ng mga Silbano nang maraming mangga sa kanila. Panay ang saway ni Lyka at ayaw niyang malingat man lang sa mga manggagawa. Dalawang lalaking manggagawa ang nagbubulungan. "Ang ganda ni Miss Lyka."

"Swerte ng boyfriend niya."

"Palong palo pre, ang swerte nga ng boyfriend niya."

Sinaway sila ng Line leader. "Hoy tama na ang bulungan diyan. Magtrabaho kayo! Namumuro na ako kay Ms. Lyka ng dahil sa inyo!"

Lumapit si Lyka sa babaeng nagtatanggal ng bulok sa mangga. Napansin niya kasi sa basurahan na may kasamang malaking hiwa ng laman ang parte ng mangga na bulok. "Ayusin mo naman ang trabaho mo!" Kinuha ni Lyka ang bulok na mangga na may kasamang laman. Tinapat niya ito sa mukha ng babae at nagsalita uli siya. "Bulok lang ang tatanggalin ah, walang kasamang laman. Alam niyo ba na maraming tao ang nagugutom ngayon? Nagtitinda ng kung ano-ano para makakain lang! Nasisigawan ng mga driver para kumita lang tapos kayo nag aaksaya lang?! Babalikan ko kayo mamaya. I'm going back here to check the garbage bag later. Pag ganiyan uli ang nakita ko--wag na kayong magpakita bukas! Maliwanag ba?" Galit na sabi ni Lyka sabay alis. Pagtapos ay sinabon ng Line leader ang babae na pumalpak.

Napag usapan si Lyka ng mga matataas na opisyal sa kumpanya. Tumaas kasi ang sales ng LKT fruits simula nang dumating si Lyka. Nakarating ang balita kay Imelda.

Isang araw ay umuwi ng Manila si Lyka para dalawin si Imelda. "Lyka, sure ka na ba sa career mo ngayon? 2 years ka nang Supervisor ah. Ayaw mo na bang bumalik sa Hotel?"

"Tita, okay na ako dito. Saka na ako babalik sa Hotel pag nagsawa na ako. Ayoko pang umalis. Masayang humawak ng maraming empeyado." Ayaw ni Lyka sa Hotel. Gusto niya ang mas malaking responsibilidad.

"Ang akin lang, mag boyfriend ka na. Ang bata mo pa para sa magpaka seryoso. Baka matulad ka sa'kin. Kakatrabaho, wala nang naging boyfriend dahil mas mahal ang career."

"Ayoko pa, wala pang kayang tumapat kay Paulo."

"Aakyat na ang kapatid ko bilang BOD. I appoint him. Kaya bakante ang posisyon niya ngayon."

Kinutuban si Lyka sa sinabi ni Imelda kaya nagka-interes siyang magtanong. Kahit anong posisyon kasi ay ayaw niya. "Ano ang koneksyon niyan Tita? Bakit kailangan mo pang sabihin sakin 'yan?"

"How about.. Ikaw ang pumalit sa kaniya?"

"Nagbibiro ka ba Tita? Bata pa ako sabi mo para magseryoso."

"Umalis ka lang sa trabaho mo ngayon Lyka. Baka next month--OIC ka na."

"Tita! I think you're kidding me? Ayaw mo bang makatulong ako sa ibang kumpanya kaya dinadaan mo ako sa bagay na hindi totoo?"

"Yan na nga ang kinatatampo ko sa'yo. I under estimate you. Dahil sa natanggap kong balita sa kapatid ko, karapat dapat kang maging General Manager ng Hotel." Natulala si Lyka at napatigil sa ginagawa niyang pagtiklop sa mga damit niya.

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon