Ang Pakikidigma Sa Pinaka Malakas Na Hari
May sumalubong agad sa kanila na isang hukbo. Ito ay ang pinuno sa lahat ng mga pinuno ng alalay ni Drako. Malakas ito at maraming alagad. Nahirapan silang talunin ito. Ginamit na ni Sven ang liwanag ng espada niya pero hindi parin nila kayang lupigin ang napakaraming kalaban. Napansin ito ng mga kapatid niya. Nung umalis kasi si Sven ay wala siyang ganoong kakayahan. "Sven!! Ano yang kapangyarihan na lumalabas sa sandata mo?!" Tanong ng isa sa kapatid niya.
"Nakuha ko ito sa paglalakbay ko. Marahil tinulungan ako ng nasa Itaas. 'Wag muna nating pag usapan 'yan. Ang mahalaga ay manalo tayo." Nagpatuloy lang ang labanan ngunit sa kasamaang palad ay natamaan si Sven ng palaso at nawalan ito ng malay. Nalaglag si Sven sa biyak na lupa at napakalalim para makaahon pa siya. Galit na galit ang dalawang kapatid ni Sven sa nangyari, dahil sa paghihinagpis nila ay tinalo nila ang mga kalaban nila kahit dalawa na lang sila.
"Kawawa naman si Sven!" Sabi ni Shernan.
"Huwag kang mag-alala Sven, itutuloy namin ang pagligtas sa Prinsesa mo." Malungkot na sabi ni Pedro at pareho silang nakatingin sa biyak na lupa habang umiiyak. Malungkot na naglakbay ang dalawa.
-
Sa pamumuno ni Yuri ay nakipagdigma sila sa isang kaharian hindi para patayin ang Hari doon. Para makipag alyansa sa plano ni Yuri na pabagsakin si Haring Kosmo. Nagsasawa na kasi siya sa maling pamamalakad ni Kosmo. Masyadong mahilig kasi ito sa digmaan kaya panahon ng digmaan ngayon. Nilabas ni Yuri ang rosas niya at winagayway niya ito sa hangin at naging Latigo na puro tinik. Sa pamamagitan nito ay tinalo niya ang mga sundalo nang hindi niya ito pinapaslang dahil namanhid lang sila at hindi na kayang tumayo. Nakaharap ni Yuri ang Hari sa kaharian na 'yon. Buong pusong yumuko si Yuri kaya nagtaka ang Hari sa pagbibigay galang nito. "Ano ang pakay mo sa kaharian ko Yuri?!"
"Gusto kong isa kayo sa tutulong sa'kin para mapabagsak si Haring Kosmo kaya gusto kong bumuo nang pakikipag alyansa sa inyo."
"Ano ang dahilan? Malakas si Haring Kosmo."
"Kaya nga naghahanap ako ng kakampi dahil hindi ako sigurado kung ako ang papanigan ng kaibigan kong si Gin."
"Pa'no kung hindi?"
"Lalabanan ko si Gin para talunin."
"Hindi basta basta si Gin."
"Kailangan kong talunin siya dahil kung hindi ay wala nang pag asa. Kung magawa ko namang talunin si Gin ay kaya na natin si Drako. Mahirap kasi kung si Drako at si Gin ang magsasabay na lumaban sa'kin."
"Ganun ba Yuri? Sige pumapayag ako. Dalhin mo ang ilang pinuno ng sundalo ko at palihim lang ang pagsalakay."
"Tama kayo mahal na Hari."
-
Gumising si Sven at napansin niya na nasa isang silid siya. Silid sa ilalim ng lupa dahil may nagligtas sa kaniya. Nakita niya ang isang tao na nakabantay sa kaniya. Maya maya ay may dumating pa na isa. Nakilala niya ito dahil ito ang niligtas niya na pinapahirapan ng mga sundalo. Pinagaling siya nito upang pagtanaw ng utang na loob. Nagbigay ito ng isang makapangyarihan sandata at Gintong balute. "Sa baluteng 'yan ay kaya mong paslangin ang isa sa gwardiya ni Haring Kosmo." Sabi ng lalaki na niligtas niya. Nakatingin siya sa sarili niya. Nararamdaman ni Sven ang panibagong lakas na nagmumula sa balute, nagkaroon siya ng pag asa na mailigtas ang Prinsesa.
-
Kinausap ni Yuri si Gin para sabihin niya ang balak niyang pagbibitiw sa tungkulin at balak niyang pagpapabagsak kay Kosmo. Kaya may posibilidad na maglaban sila. "Bakit mo ako gustong kausapin Yuri?"
BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.