31. Si Andrea At Ponyang

648 27 8
                                    

Natapos ang pag uusap nila. Nawala sa sarili si Lyka. Wala siyang dalang sasakyan kaya nang oras na 'yon ay naglalakad lakad lang siya. Ayaw niyang makipag-usap miski sa taxi driver kaya hindi siya sumakay. Pero napagod din siya kaya tumawag siya ng taxi at umuwi. Sa taxi palang ay wala nang tigil ang luha niya kakabagsak sa pisngi niya. Para siyang nananaginip lang at gusto na niyang magising sa panaginip para tapos na pero... totoo ang lahat. Sa bungad palang ay nakita na niya ang Nanay niya kasama si Sosina at Imelda. Nangangamba kasi sila kay Lyka na baka kung ano ang gawin nito. Saksi kasi sila sa pagmamahalan ng dalawa at ngayon ay maghihiwalay na ang dalawa.

Niyakap agad ni Bellen si Lyka. "Nay! Andito ka pala." Yumakap siya pabalik. Pero biglang tumakbo si Lyka sa kwarto niya. Natalo ang pananabik niya sa Nanay niya ng paghihiwalay nila ni Paulo. Hinabol siya ni Sosina dahil ayaw niyang hayaan na magsara mag-isa si Lyka sa kwarto.

"Sosina, umalis ka! Kailangan kong mapag-isa."

"Sige, umiyak ka lang. Andito lang kami sa tabi mo. Kaya mo yan."

"Sosi, umalis ka!" Sabi uli ni Lyka.

Dumating si Bellen at yumakap siya sa anak. "Lyka, anak." Niyakap niya uli ito.

Binirahan lang ni Lyka ng malakas na iyak. Napaluha na rin si Imelda dahil rinig niya ang iyak ni Lyka kahit nasa kabilang kwarto siya. Narinig niya ang sigaw ni Lyka. "Paulooooo!!" Paulit ulit na binibigkas ito ni Lyka. Dahil sa puyat si Lyka ay nakatulog siya nang mapagod sa kaka-iyak. Umuwi na si Sosina habang naiwan si Bellen na kausap si Imelda. Pagtapos ng isang Linggo ay nagpaalam na si Bellen para bumalik sa Pangasinan. Ayaw pa siyang paalisin ni Imelda pero gusto na niyang umuwi. Hindi pumapasok at 'di gaanong kumakain si Lyka pero sa nakikita ni Imelda ay makakabawi din ito pagtagal pa.

Lumipas ang isang buwan, nakakausap na si Lyka at kahit papaano ay tumatawa na pero wala parin siyang ganang kumain kaya mabilis siyang pumayat. Nasa alaala parin niya si Paulo. Lumipas pa uli ang isang buwan at may nag-alok ng trabaho kay Lyka. Pinadaan ito kay Imelda. "Mrs. Imelda, tumawag ang LKT inc. Pinapaapply nila si Lyka sa kumpanya nila bilang Supervisor." Sabi ng Sekretarya niya.

"Sa Cavite? Ang bata pa ni Lyka para maging isang Supervisor. Kaka-graduate palang niya, buti kung maliit na kumpanya lang? Maigi 'yon para matuto siya."

"Kailangan daw pong malaman ni Lyka 'to sabi ng kapatid niyo Ma'am."

"Hindi ko mapapangako 'yan. I'm sure hindi 'yan tatanggapin ni Lyka."

-

"Mag aapply ako Tita!" Nang ipaalam ito ni Imelda.

"Malaki ang kumpanya na 'yun Lyka. Maraming empleyado kang hahawakan doon. Mahihirapan ka at isa pa, malayo ang Cavite dito."

"Baka doon muna ako Tita. Madali kong makakalimutan si Paulo." Wala nang nagawa si Imelda. Nag-apply si Lyka bilang Supervisor at nakapasa naman agad siya. Sa height pa lang kasi ay panalo na kahit may kasabay pa siyang nag-apply na mas may karanasan sa kaniya. Umuwi siya para sabihin ang magandang balita para sa kaniya pero hindi kay Imelda.

"I've got the position!" Masayang bungad nito.

"Lyka, itutuloy mo parin? Ilalagay kita sa mas mataas na posisyon sa Hotel."

"Tita naman. College palang kami ni Paulo ay tambayan na namin ang Hotel. Pa'no ko siya malilimutan kung may nakikita akong nagpapaalala sa kaniya? I want a different atmosphere."

"So, what's your plan? Don't you say na uupa ka ng bahay sa Cavite?"

"Sagot ng kumpanya ang lahat. Once a week ang uwi ko dito."

"Isusumbong kita sa Nanay mo. Matapos ang lahat, mang-iiwan ka."

"Tita! Even you, nagpapaalala kay Paulo dahil araw araw ka naming kasama. Pumayag ka na pleeeease!" Yumakap si Lyka kay Imelda kaya laglag ang puso niya. Para siyang isang anak na humihiling sa konsintidor na Ina. Hindi nagtagal ay nagsimula na siyang magtrabaho sa LKT fruits na isa sa mga kliyente ng kumpanya nila Talim.

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon