54. Ang Matamis Na Pag-uusap

609 24 3
                                    

"Don Berto may naghahanap po sa inyo." Sabi ng matinong sekretarya ni Don Berto na si Andrea.

"Paki sabi mag set muna siya ng appointment dahil busy ako."

"Siya daw po si Engineer Reymundo."

Saglit na nag-isip si Don Berto. "Sige, pa-akyatin mo dito."

Umalis si Andrea para tawagin ang Engineer. Maya maya'y dumating na ito. "Mr. Silbano, kamusta?" Bati ni Daniel Reymundo pag pasok sa opisina ni Don Berto.

Nakatalikod ang upuan ni Don Berto kaya inikot niya ito para iharap kay Daniel. Pero hindi niya inaasahan na magugulat siya sa itsura nito na matagal na naman niyang alam. Saglit siyang natigilan bago siya nagsalita. "Don Berto nalang ang itawag mo sakin. Ano ba ang kailangan mo?"

"Tignan mo ang mukhang 'to." Tinuro ni Daniel ang mukha niya.

"Bakit? Ano ba ang kinalaman ng mukha mo sa pag-uusapan natin?" Kinutuban si Berto sa sinabi ni Daniel.

Sa tagal nilang hindi nagkita ay nakalimutan na niya ang mukha nito na nagtataglay ng maitim na mata. "May naaalala ka ba sa matang ito?"

Nakita ni Daniel ang bahagyang reaksyon ni Berto kaya alam na niya ang ibig sabihin nito. "Alam mo Daniel, nag aaksaya ka lang ng oras. Busy akong tao. Alam kong alam mo 'yun."

"Konting oras lang naman Don Berto. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Alam kong hindi mo maitatanggi ang sasabihin ko."

"Ano ba talaga 'yang sasabihin mo?"

"Nasaan si Talim?" Nakita ni Daniel ang bahagyang pag galaw ng mata ni Don Berto.

"Hindi ko kilala ang taong sinasabi mo na 'yan."

"Don Berto, I saw your reaction. 'Wag mo nang itanggi si Talim dahil hindi ko naman siya aagawin sa Pamilya niyo. Gusto ko lang naman siyang makita."

Alam ni Don Berto na wala na siyang lusot at hindi siya tanga para hindi mahulaan kung kaano-ano ba ni Talim ang kaharap niya ngayon. "Nasa Pangasinan."

"Nasa Farm? Ginawa niyo siyang utusan? Kawawa naman pala ang Anak ko."

"Daniel, hindi ko alam ang istorya sa inyo ng batang si Talim noon. Pa'no mo nagawang pabayaan si Talim sa lansangan? Binihisan siya ng Anak kong si Alice dahil naaawa siya sa napakasipag na batang si Talim. Tapos lumalabas na kami pa yata ang masama?"

Nagbago ang reaksyon ni Daniel at nag-isip saglit. "Wala akong sinasabing masama Don Berto. Ang akin lang, sana minahal niyo siya na parang tunay na Apo."

"Kaya nga gusto kong itanggi siya 'diba? Ayokong ilayo mo siya. Hindi dahil sa Farm, kundi siya ang ginawa kong tagapagmana nito kasama ng kumpanya ni Luis sa Pangasinan."

Napahawak sa baba si Daniel na tila nag-iisip. "Sa Farm ba siya lumaki?"

"Dahil walang Anak si Luis. Mula nang mag siyam na taon si Talim ay kinuha na siya nito."

"Bakit binigay siya ni Alice?"

"Namatay si Alice."

Nanlaki ang mata ni Daniel sa nalaman niya. "I'm very sorry Don Berto. Hindi ko nabalitaan 'yan."

"It's okay. Pinalaki siya ni Luis bilang isang mahusay na tao. Actually, siya ang nagpapalago ng Farm."

"Gusto ko siyang makita."

"Alam mo Daniel, hindi maikakaila na Anak mo si Talim dahil kamukhang kamukha mo ang Apo ko. Alam kong mabuti kang tao pero pa'no mo nagawang pabayaan sa lansangan ang batang si Talim noon? Pwede mo bang sabihin sakin ang dahilan dahil alam ko naman na may dahilan ka."

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon