Habang nagdidiwang sila ay hindi na naisipan pang pumunta ng burol ni Enrico, kasama ang Pamilya niya. "Angelo! Walang nawala sa'yo kaya 'wag kang magalit!" Sabi ni Gwen sa Anak.
"Hindi ako galit sa nangyari. Galit ako kay Talim."
"Tanggapin na natin ang lahat. Wala na tayong magagawa pa."
"I don't understand. Why Mr. Lee did it?" Nagtatakang tanong ni Alexa.
"Isa ka pa Alexa! Kalimutan mo na si Talim. Mag-asawa ka na." Sabi naman ni Gwen kay Alexa.
"Siguradong masaya sila ngayon. Ano pa ba ang magagawa natin? Ituloy nalang natin kung ano ang meron ngayon." Sabi ni Enrico. Dahil sa sama ng loob ay hindi na sila dadaan ng burol. Balak ng Pamilya ni Enrico na makipaglibing nalang.
Dumating ang araw ng libing. Nakasalubong ni Enrico si Talim. "Ano, Talim? Masaya ka ba?"
Nakatingin lang si Lyka sa di kalayuan. "Hindi ako pwedeng maging masaya Tito. Araw ngayon ng libing ni Lolo."
"Pero alam kong masaya ka kahit itago mo pa."
"Nagpatong patong ang lahat ng problema ko. Aminado ako na hindi naging pangunahing problema ang pagkamatay ni Lolo para sa'kin pero hindi ko man siya tunay na Lolo ay tinuring niya akong tunay na Apo. Binahagian ng share sa kumpanya. Dati akong walang wala kaya magsabi ka lang sa'kin kung kailangan mo ng tulong ko. Hindi ako magdadalawang isip na tulungan kayo. Inyo ang parte ko sa kumpanya basta 'wag lang mawala ang Farm."
"Hindi naman ako galit sa Farm. Ayoko lang na masapawan mo si Angelo. Napag-alaman ko kay Alexa na may Anak ka pala. Plano mo bang ipasa sa kanila ang Farm?"
"Sa Pamilya niyo ang Farm. Hindi ko pwedeng angkinin ang hindi naman talaga sa akin. Nakahiligan ko lang talaga ang Farm. Mananatili ang share ko at hindi ko ibibigay sa sarili ko ang kikitain ng Farm. Pero gusto kong maging maayos tayong lahat Tito."
"Ang totoo, hindi galit ang nararamdaman ko sa'yo. Gusto ko lang pakinabangan ang husay mo kaya gusto kong pakasalan mo sana si Alexa. 'Yun ang tanging paraan para maging kapamilya kita. Balak ko talagang ibalik ang Farm basta kayo ni Alexa ang magiging mag-asawa."
"Tito, I want to correct you. Kapamilya niyo ako. Handa akong magtrabaho sa kumpanya ni Lolo dahil hindi pwedeng sa Pangasinan si Lyka pag naging asawa ko na siya. Andito sa Manila ang Hotel nila. Alam mo naman 'yun 'diba?"
"Balak mo ba 'yun?"
"Gusto kong gayahin si Lolo. Tuturuan ko ang mga Anak ko sa Farm at the same time, dito sa Manila ako magtatrabaho. Ako ang hahawak ng responsibilidad sa Farm."
"Ganun naman pala, Talim. Hayaan mo, magiging maayos tayo basta ibigay mo lang ang para kay Angelo. Mahal ko si Angelo gaya ng pagnamahal ko kay Alexa."
"Hindi ko gagawing angatan ang isa sa Pamilya na pinagkaka-utangan ko ng kabuhayan. Ang tanging gusto ko lang ay magkaayos tayo."
"Pakisamahan mo si Angelo na parang kapatid na matigas ang ulo. Tatanggapin na ni Alexa na hindi ka para sa kaniya. Buti at nagkausap tayo. Hindi magtatagal ay magkakaayos na tayong lahat. Patawarin mo sana ako." Tinapik ni Enrico ang balikat ni Talim at umalis na. Lumapit si Talim kay Lyka at napansin niya sa 'di kalayuan si Bernadeth na nakaupo. Nag-iisa kaya isinama niya si Lyka para makalapit dito.
Kinausap niya ito. "Kamusta, Madeth?" Bungad ni Talim.
"Marami ang nagbago." Sagot nito.
"Ano-ano naman?"
"Wala. Lagi kasi kaming nag-aaway ni Angelo."
"Ba-bakit? Balita ko, maayos ka naman sa Mansyon."
![](https://img.wattpad.com/cover/17029411-288-k69914.jpg)
BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.