Sinara ni Lyka ang libro at nilagay sa dibdib niya. Mahilig magbasa si Lyka ng istoryang tungkol sa Prinsipe at Prinsesa kaya naman nung nakilala niya si Paulo ay hinahalintulad niya ito sa isang Prinsipe at siya ang Prinsesa na nangangailangan ng tulong. Umuwi na ng mga oras na yun si Paulo dahil tapos na ang nakasyon. Pasukan na bukas kaya nakahanda na uli siya sa kaniyang pang araw araw na buhay. Nalungkot man siya ay nangako naman si Paulo na sa darating na tag init ay magkikita silang muli.
Kinabukasan ay pumasok siya. Suot niya ang panlalaking sapatos na bigay ni Paulo. Nakita na naman niya si Jeffrey kasama ang tropa nito. "Lyka pasalamat yung kasama mo dahil dumating si Borga kung hindi baka ginulpi na namin ang mayabang na yun. Feeling niya siya ang pinakamatapang dito ah."
"Mali kasi ang ginagawa niyo." Kontra ni Lyka. "Nag iisa si Paulo, hindi niya kayo kaya." Napayuko si Jeffrey at nakita ang sapatos ni Lyka.
"Wow ganyang disenyo. Yan ang sapatos ng sikat na basketball player sa NBA." Nagulat si Lyka sa sinabi ni Jeffrey. Yumuko si Jefrey at hinawakan ang sapatos ni Lyka. "Sino nagbigay sa'yo niyan?"
"Bigay sakin ni Paulo." Sabi ni Lyka at iniwan na nya ang grupo ni Jeffrey. Hindi na siya hinabol nito dahil naalala nito si Borga.
-
Nasa isang fastfood restaurant si Imelda, 35 anyos. Nakaupo lang siya. Napansin niya ang isang batang nakasilip at nakatingin sa mga kumakain. Naalala niya nung bata pa siya ay ganun din ang ginagawa niya. Hinintay niyang tumingin ang bata sa kaniya at sinenyasan niyang pumunta sa loob. Tuwang tuwa ang bata na pumasok sa loob ng restaurant. "Maghintay ka muna dito at ioorder kita ng pagkain mo." Sabi ni Imelda at nagtungo siya sa counter. Maya maya lang ay pinagmamasdan na niya ang isang batang lalaki na tingin nya'y walong taong gulang pa lang.
Narinig niya ang isang babae na nagsalita. Isang estudyante sa kolehiyo. "Naalala ko ang batang babae na nagtitinda ng palaka sa'min sa Pangasinan, grabe mas bata pa siya diyan nung huli kaming magkita. Iba talaga kapag nasanay magtrabaho ang bata. 'Di gaya dito sa Maynila." Sabi ng isang babae sa kasama nyang isa pang babae.
"Wow ah, ang sipag naman niya." Sagot ng kausap.
"Oo at balibalita na tinatakbo niya ng naka-paa lang ang eskwelahan dahil napakalayo ng tinitirhan nila sa isang liblib na lugar sa gubat, siguro mga limang taon na ang nakalipas?"
"Oh my god, kawawa naman pala siya." Tumayo ang dalawang babae at umalis. Tulala pa si Imelda sa istoryang narinig niya. Gusto niyang makita ang bata pero biglang nawala na ang mga babae na nag uusap. Tinanong niya ang bata kung ilang taon na ito at sinabing walo kaya hindi siya nagkamali sa iniisip niya. Naisip niya na mas bata dito ang batang babae na nagtitinda ng palaka. Limang taon na daw ang nakakaraan at pumapasok na ito sa eskwelahan kaya malamang ay pitong taon ang batang iyon. Sa makatuwid pag lipas ng limang taon ay labing dalawang taon na ngayon ang masipag na bata na iyon. Pagtapos kumain ng bata ay binigyan niya ito ng pera at sinabihang mag aral mabuti at umalis na siya. Gusto niyang makita ang batang babaeng yun pero napakalaki ng Pangasinan para makita niya ito. Ilang araw itong gumulo sa isip niya. Hindi siya mapakali sa sarili niyang opisina sa tuwing pumapasok sa isip niya ang batang pinag-usapan sa restaurant. Ang akala niya ay siya lang ang may kakayahan na gumawa ng ganoon.
Isang araw ay nagawi siya sa isang maliit na Museo at tumingin ng mga larawan. Isang larawan ang nakaagaw ng pansin sa kanya. Batang babae na nakapanyo ang ulo at masayang nakangiti at may tindang kakanin sa tabi nitong bilao. Titig na titig sya dito, naalala niya ang batang nagtitinda ng palaka. Napansin niyang maganda ang bata.
Tinanong niya ang isang empleyado sa Museo. "Ilang taon na itong larawan na 'to?"
"Last year lang po yan pero ayon sa may ari nyan ay dalawang taon na ang nakakalipas nang kinunan yan." Sagot nito.

BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.