12. Special Chapter: The Alissa's Prince part 1

791 32 5
                                    

Ang Paglalakbay Ni Sven

Si Prinsesa Alissa ay may pambihirang kakayahan na manghula. Lahat ng mahawakan niya sa kamay ay nakikita niya ang kapalaran nito. Kaya inilihim ng Ama nito ang kakayahan ng Anak nila hanggang sa paglaki. Nagkaroon siya ng matalik na kaibigan na si Santita at masaya naman siyang kasama ito. Sa sobrang saya niya ay ayaw niyang hawakan ang kamay nito dahil natatakot siya sa pwedeng mangyari. Baka makita niya ang kapalaran na may posibilidad na maghiwalay sila at 'yun ang ayaw niyang makita.

Dumating ang pagdadalaga nila at nakilala ng Prinsesa si Prinsipe Sven. Gusto man niya ito dahil mabait ay minabuti niyang pasimpleng hulaan ito sa kamay. Nanliligaw kasi sa kaniya si Sven kaya bago niya ito maging katipan ay hinawakan niya ang kamay nito. Nagulat siya sa nakita niya. Si Sven ay magiging Hari at siya ang magiging asawa nito. Hindi siya nagdalawang isip na sagutin si Sven dahil mahal din naman niya ito. Naging masaya sila ni Sven at kumalat sa kaharian ng Sendoba na kaharian nila Alissa ang balita. Tuwang tuwa si Alissa pero kabaliktaran ito ng kaibigan niyang matalik. Bago niya naging katipan si Sven ay nagsabihan kasi sila ng sikreto. "Kaibigan kong Prinsesa, sigurado ka na ba sa iyong binabalak na pagsagot sa Prinsipe na 'yon?"

"Oo dahil nakita ko na magiging masaya ako sa kaniya."

"Pa'no ka nakakatiyak mahal na Prinsesa?"

"Dahil may kakayahan akong hulaan sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ang isang nilalang."

"Totoo ba 'yan?!"

"Oo Santita, kaya ko sinabi sa iyo 'to ay para 'wag kang mag-alala para sa'kin."

"Hindi ako makapaniwala mahal na Prinsesa."

"Gusto kong ilihim mo ito Santita. Nangangako ka ba?"

"Nangangako ako Prinsesa Alissa pero hindi ako naniniwala sa'yo."

"Kaya ayaw kitang hawakan sa kamay Santita ay dahil baka sa hinaharap ay maghiwalay tayo. Ayokong malaman ito kaya gawin na lang natin ang lahat para maging magkasama tayo ng pang habang buhay."

"Pero paano pala kung habang buhay tayong magiging magkasama?"

"Hindi ako sigurado kaya 'yon ang aking kinatatakot."

"Pwede mo bang patunayan sa'kin na totoo ang sinasabi mo?"

May ilang mga tao ang pasimple nilang kinausap at hinawakan ni Alissa sa kamay. Sinasabi ni Alissa kung swerte ba o malas ang tao na 'yon. Kaya kasi niyang hulaan ang kapalaran ng tao kahit sa loob lang ng isang araw. Hindi makapaniwala si Santita sa nalaman niya. "Sana manatili itong lihim Santita. Ipangako mo!"

"Oo mahal na Prinsesa." Minabuti nilang 'wag na maghawak ng kamay dahil pareho nilang hindi gustong makita ang kapalaran nila sa isa't isa. Ngunit dumating ang oras na naging masaya si Alissa sa buhay pag-ibig niya.

Nag-usap uli sila ni Santita. "Ano ba ang nakita mo kay Prinsipe Sven?"

"Nakita ko na malinis ang puso niya at siya ay matapang. Lahat gagawin niya para lang mailigtas ako. Siya ang maghahari sa hinaharap dahil maibabalik niya ang kapayapaan ngayong panahon ng digmaan."

"Pero hindi siya gano'n kalakas Prinsesa. Alam natin 'yan."

"Maaaring tama ka pero may tiwala ako sa hula ko dahil wala pang hula ko ang hindi nangyayari." Natapos silang mag-usap ay umuwi si Santita sa kanilang tahanan at nag-isip. Inisip niya na hindi siya naniniwala sa Prinsesa dahil kalokohan nga naman na isang mahinang Prinsipe ang magbabalik ng kapayapaan. Isa pa ang nararamdaman niyang inggit ay lumalamon sa pagkatao niya. Kaya balak niyang ibahin ang mangyayari sa hinaharap. Ipapahuli niya si Alissa sa isang Hari na makapangyarihan. Ang Hari sa Timog Kanluran na si Haring Kosmo. Ang pinaka malakas na Hari sa Mundo. Meron itong tatlong gwardya na naprotekta sa kaniya kaya sobrang makapangyarihan talaga siya. Kinausap ni Santita ang kaniyang Ama para matulungan siya nitong makausap si Haring Kosmo. Hanggang sa kaharap na nga ni Santita si Haring Kosmo. Nakaluhod ito sa Hari.

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon