10 . Ang Pakiusap

814 36 9
                                    

Lumipas ang isang araw at nagdatingan na din ang iba pa nilang kamag anak. Nasa puno lang si Talim at hindi siya nagbihis sa isang malaking pagtitipon na gaganapin sa mansyon. Nagulat siya ng may pumiring sa mata niya, isang kamay ng babae dahil paghipo niya ay malambot ito. "Bernadeth." Nakangiting bigkas ni Talim. Kinuha niya ang malambot na kamay at humarap siya sa nagmamay-ari nito. Nagulat siya dahil si Alexa pala ang nag-mamay ari ng kamay. "Alexa bumalik ka na doon." Utos ni Talim at tumalikod.

"Siya ba si Bernadeth Fabregas."

"Kilala mo siya?"

"Oo, kaibigan ni Mommy at Daddy ang Mommy niya."

-

Nagmamadaling pumunta si Bernadeth sa puno na tambayan nila ni Talim sakay ng kabayo. Naalala niya na pwede pa lang malaman ni Talim ang tungkol sa kanila ni Angelo. Tinawagan niya kay Talim para sabihin na magkita sila sa puno. Maya maya ay napansin nya na may kausap na babae si Talim. Hindi na naituloy ni Alexa ang sasabihin nya sana pagkat may dumating na babaeng sakay ng kabayo. Nakaboots, fit na pantalon at nakapang cowboy na hat. Nakatingin lang si Alexa na inalalayan ni Talim. Bumaba ng kabayo si Bernadeth. Alam ni Alexa na si Bernadeth ang babaeng ito at hindi lang niya sigurado kung may relasyon ang dalawa. Pero base sa nalaman niya na may kasintahan itong si Talim ay naisip din niya na si Bernadeth nga ang kasintahan nito. Saglit na napatingin si Bernadeth kay Alexa. Hindi pwedeng magsama ito ng babae sa tambayan nila kaya imposibleng sinadya nito ang lahat. Alam niyang kahit Silbano ang babaeng ito ay hindi naman nito kadugo si Talim. Alam din niya na hindi malayong magkagusto ang ibang pinsan ni Talim sa kaniya. "Ikaw ba si Bernadeth?" Tanong ni Alexa.

"Oo ako nga." Sagot ni Bernadeth at tila nahihintakutan ang itsura. Hindi siya nag seselos pero may iba kasi siyang nasa isip na pwedeng mangyari.

"Siya nga pala si Alexa." Pinakilala ni Talim si Bernadeth sa pinsan niya. Lalong nahintakutan ang itsura ni Bernadeth dahil alam niya na Alexa ang pangalan ng kapatid ni Angelo. Tinaasan lang ni Alexa ng kilay si Bernadeth, sa Maynila ito lumaki kasama ang mga maldita niyang kaklase kaya marunong siyang lumaro sa mga ganitong sitwasyon.

"Talim, alam mo ba na--" Sabi ni Alexa at hindi niya naituloy ang sasabihin dahil nag salita agad si Bernadeth.

"Tama nga ang hinala ko, ikaw si Alexa na anak ni Tita Gwen at Tito Enrico. Napatingin si Talim kay Bernadeth na may pagtataka. Lumapit agad si Bernadeth kay Alexa at hinawakan ito sa kamay at inilayo kay Talim.

"Teka lang Bernadeth, bakit?" Tanong ni Talim.

"Mag uusap lang kami saglit tungkol kay Mommy."

"Kailangan ba?" Tanong din ni Alexa. Pero hindi niya ito pinakingan at dinala niya agad sa malayo si Alexa.

Nang makalayo na sila ay saka nagsalita si Bernadeth. "Mag usap muna tayo Alexa."

"What for?"

"Bakit kasama mo si Talim dito?"

"Nagseselos ka? Oh come on."

"Hindi ako nagseselos. Ano ba ang pinag uusapan niyo?"

"Bernadeth hindi ko alam kung bakit nagkakaganyan ka?"

"Tinatanong kita Alexa."

"Dahil ba sa maganda ako at na tethreaten ka becaise baka maagaw ko sa'yo si Talim?"

"Hindi yun ang pinupunto ko Alexa, gusto ko lang malaman kung may sinasabi ka ba sa kaniya tungkol kay Angelo at sa'kin?"

Ngumiti si Alexa. "Alam ko na, ayaw mong malaman ni Talim ang tungkol sa arranged marriage niyo ni Angelo."

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon