Nakatayo si Lyka kasama si Talim sa isang bundok kung saan tanaw nila ang malaking bahagi ng Pangasinan pati ang dating kubo na tinirhan niya nung bata pa siya. Binuhat niya ang apat na buwang sanggol nila ni Talim at inangat niya ito para ipakita sa buong himpapawid. Ang pangalan ng sanggol ay Carmelo Jr. na ang palayaw ay Laban. Na ang ibig sabihin ay nabuo si Laban na ang nasa isip nila ay sakripisyo at patuloy na lumaban. Laban ang nagsilbing lakas ng loob nila para ipagpatuloy ang mga suliranin sa buhay. Habang karga nila si Laban ay masaya silang nakatingin sa isa't isa. "Tapos na ang kasaysayan ni Lyka Frog." Naalala ni Lyka ang lugar kung saan siya nanghuhuli ng palaka.
"Why were you Like A Frog? Dahil nagtinda ka nito?" Nalilitong tanong ni Talim.
"No, I was Lykang Palaka." Tumawa sila pareho.
"I see. Matagal nang tapos ang nakaraan kaya naging nakaraan na lang ito."
"Pero babalik ako gaya ng ibang sasakyan na dumadaan pabalik." Tumingin si Lyka kay Laban. "Hindi matutulad sa'kin ang anak natin pero tuturuan ko siyang maging ako na kahit hindi dumadanas ng paghihirap ay aapak siya sa putikan hindi para sundin ang pinag-uutos ko. Mananatili ang buhay natin sa nakaraan kahit walang alam ang ibang tao sa nakaraan natin at limot na ng iba ito."
Ngumiti si Talim. "Tama ka. Mananatili nakaapak tayo sa lupa hanggang mamatay."
Pag-aalinlangan ang ating kalaban kaya minsan hirap tayong makabangon sa isang napakalaking problema. Iwasan po natin sana ang salitang 'yan para kahit nasa ilalim tayo ay bigla tayong iibabaw basta magdasal lang at ibigay ang buong tiwala sa Diyos nang walang pag-aalinlangan. Hindi din sapat na dapa't ipagsa-Diyos ang lahat.. kailangan nating gumawa ng paraan sa kabila ng lahat. Hindi din natin kailangan pang kumapit sa patalim para lang makatakas sa isang malaking problema. Gaya ni Talim, hindi niya isinuko si Lyka kaya ang naging kapalit ay ang pagkapanalo nila. Ano na lang ang mangyayari pag naghiwalay sila ni Lyka dahil sa pagkapit niya sa patalim? May maiiwang lungkot kahit pa alam nating makakausad tayo sa lahat ng 'yan. Nasa-isip niya ang maraming tao kahit alam niyang masasaktan siya ng tuluyan. Laging iisipin na kaya nating malampasan ang problema basta lumapit lang sa Diyos. Hindi hindi Niya tayo bibiguin. Pangako 'yan.
Salamat po sa mga nagbasa.
Like A Frog
Written by: Akatsuki_Haru
BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.