55. Ang Pakikipagkita

605 25 2
                                    

Nakaupo si Talim sa balkonahe kasama si Tadeth at Carlie. Hinatid ni Rowena si Tadeth at si Carlie naman ay pinasundo niya sa Visayas. Kaya andiyan ngayon si Rowena at aksidenteng nasalubong niya si Luis. "Nasa'n na ang girlfriend mo?"

"Wala siya ngayon, umuwi sa Korea."

"Wow! Long distance relationship ah. I'm happy for both of you. Sige, aalis na ako."

"Teka lang, may itatanong lang ako."

Tumigil si Rowena. "Ano naman? Basta gusto ko 'yung may sense ah."

"Kamusta ka na?"

"Walang kwentang tanong."

"Kamusta kayo ng asawa mo?"

"Mabuting mabuti. Ano? May itatnong ka pa?"

"Wala na pero nabalitaan ko na hindi mo nakakasama ang asawa mo. Nasa ibang bansa ba siya?"

"Wag mo nang alamin, Luis. Bali-wala din naman kahit ano pa ang kasagutan 'diba?"

"Bad mood ka ba ngayon? 'Wag kang masungit, gusto ko lang alamin ang kalagayan mo. Sa ayaw mo't sa hindi, magkikita parin tayo. Let's be friend."

"Ayokong makabonding ka. Hindi ko matatagalan na kasama mo ang girlfriend mo."

"Rowena! Matagal na panahon na ang nakaraan natin. Pwede bang kalimutan na natin 'yun?"

"Nakalimutan ko na sana pero hindi maiwasan na maalala ko pag nakikita kita. Gusto kong umiwas pero sinasadya ng panahon na magkita tayo."

"Mas maigi 'yun na madalas tayong magkita para masanay ang mga mata mo, para madali mong makalimutan."

"Hindi na tayo teenager na pagkatapos ng nakaraan natin ay magiging magtropa."

"Wala ako sa tabi ng Apo ko nung bininyagan siya. Gusto kong sa darating na kaarawan niya, nandito siya. Kaya magkikita't magkikita parin tayo. Awkward naman kung kada magkikita tayo ay umiiwas ka ng tingin."

"Hindi pwedeng maging madalas dito si Tadeth. Hindi pwedeng malaman ng buong Pamilya niyo kung sino ang totoo niyang Ama. Kahihiyan 'yun sa pamangkin mo."

"Alam ni Angelo ang lahat."

"Hindi ng kaniyang Ama, kapatid, Ina, Lolo at Lola."

"Gusto ko lang na maging maayos tayo."

"Para saan Luis? Ginawa ko ang lahat maging akin ka lang pero sinayang mo."

"Dahil kailangan mong magka-anak. Naaawa ako sa'yo. Para maghiwalay tayo, kailangan mong masuklam sakin."

"So, pinapalabas mo na sinadya mo ang lahat?!"

"Dahil 'yun ang nararapat! Bata ka pa ng mga oras na 'yun. Kailangan mong lumigaya sa piling ng Anak mo."

"Hindi sapat ang kasinungalingan mo na 'yan sa ginawa kong pagluhod kay Mama Victoria para lang ipakasal ka sakin." Hindi nakapagsalita si Luis. Nagsalita uli si Rowena. "Napatunayan kong hindi lang pera ang habol ko sa'yo kaya ang babae sana na dapat na ipakakasal sa'yo ay tinigil nila. Ako ang pinalit nila dahil maging ang mga kapatid mo ay niligawan ko para lang mapatunayan na mahal kita. Hindi kasi ako sanay na hindi ko nakukuha ang gusto ko. Mali man pero ginawa ko, inaamin kong kasalanan ko ang lahat kaya ayokong matulad sakin si Bernadeth. Kaya nung nanalo ako sa kaso, dito ko sa Pangasinan pinatira si Bernadeth para lumaki siyang hindi lumalaban sakin."

Natigilan si Luis bago magsalita. "Ano ang kasong pinanalo mo?"

Tumingin si Rowena sa mata ni Luis. "The court awarded custody to me. Naghiwalay kami ng asawa ko."

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon