60. Tanging Paraan

604 23 2
                                    

Dinalaw isang araw ni Imelda si Bellen sa condo para makipag-usap sa libre niyang oras. Talagang bawing bawi siya kay Lyka dahil hindi na siya nag-aalala sa negosyo niya. Mas marami na siyang oras para magpahinga. "Bellen, bakit ayaw mo pang patawarin si Arturo?" Seryosong tanong nito.

"Hindi niya ako kinakausap, paano ko siya mapapatawad? Parang wala sa loob niya na makipagbalikan pa sakin."

"Mahal mo pa ba siya?"

"Okay na ako sa buhay ko."

"Are you sure? Kinukuha ko kay Lyka ang phone number ni Arturo eh. Ayaw niyang ibigay, baka ikaw meron?"

"Ano kailangan mo kay Arturo?"

"Gusto ko lang makipag close sa kaniya."

"Sabi mo magkakilala na kayo?"

"Hindi pa kami close."

"Kailangan pa ba na maging close kayo?"

"Oo naman, siya ang Tatay ni Lyka 'diba?"

"Sabagay."

"Ano kaya kung biglang ligawan niya ako?"

"Hindi ka niya liligawan Imelda. Hindi ganung klase si Arturo. Mahalay tignan ang anggulo sa pagitan nating apat."

"Pero hindi imposibleng manyari Bellen. Gwapo naman si Arturo at matino naman ako."

"Matino? Matino ba 'yang ganiyan?"

"Oo naman. Mag-iinarte pa ba ako sa edad kong 'to?"

"Biro lang naman." Tumawa sila pareho.

"Ang sakit mo kasi magsalita Bellen."

"Ikaw talaga, hindi ka na mabiro. Matino din naman si Arturo. Bagay sana kayo kaso malamang, hindi boto sa'yo si Lyka."

"Kanino ba boto si Lyka? Sa 'yo? Ayaw mo na nga kay Arturo 'diba? Walang magagawa ang anak mo dahil napamahal na din siya sa'kin. Sobrang maunawain siya. Matatanggap niya din ako."

"Pero 'wag naman sana sa'yo Imelda, mahalay tignan."

"Basta kakausapin ko siya at pipilitin ko si Lyka. Ipapangako ko sa kaniya naagiging mabait akong madrasta."

Binirahan ng tawa ni Bellen. "Nakakatawa ka Imelda. Hindi ko akalain sa'yo 'yan. Akala ko bali-wala na sa'yo ang mga ganiyang bagay."

"Tao lang ako na gustong sumaya. Kung ayaw mong sumaya, pwes ako gusto ko."

"Hay naku Imelda, sa'yo na si Arturo!"

"Alam mo ba kung bakit sila naghiwalay mag-asawa?"

"Oo alam ko, si Lyka nagsabi sakin."

"Si Lyka din lang ang nagsabi sakin. Naisip ko lang na ang tagal nagtiis ni Arturo sa ex niya. 20 years siya nagdusa bago sila naghiwalay."

Nagsalita uli si Imelda dahil napatigil siya sa narinig niya. "Nagulat ka? Kawawa nga siya eh. Walang nangyari sa 20 years ng buhay niya." Sabi uli ni Imelda.

"Pa'no mo nasabi?"

"Sabi ni Lyka na hindi na daw siya sinipingan ng naging asawa niya mula nang mabuntis ito."

"Ilang taon na ba silang hiwalay?"

"4 years na silang hiwalay. 24 years na, parang edad na ni Lyka 'yun." Hindi naisip ni Bellen 'yun nung una kaya ngayon naisip na niya'y nahabag siya kay Arturo. "Bakit hindi ka nagsasalita Bellen?"

"Kahit papaano pala, nakakaawa din siya."

"Oo nga, next week baka papuntahin ko siya sa bahay, sasama ka ba?"

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon