35. Ang Unang Pagkikita

646 29 4
                                    

Nang maka-uwi si Talim ay nasalubong niya si Arturo papuntang pabrika. "Talim, saan ka galing?" Tanong ni Arturo.

"Sa Baguio. Nakausap ko si Tita Rowena. Sumaglit lang ako. Ayokong magkulong dito."

"Ano'ng sabi sa'yo? Sinungitan ka ba?"

"Mabait naman pala siya, Tito."

"Mabait nga siya sa pagkakaalam ko."

"Tama ka at hindi naman talaga siya galit sa'kin." Medyo nabilaukan si Arturo. Inubo pa ito. "Are you okay, Tito?"

"Ah, huwag mo akong intindihin."

-

Muli na namang lumuwas si Talim papuntang Maynila para makipag kita sa Lolo niya. Pagtapos niyang makipag usap sa Lolo niya ay nakita niya si Andrea at sumenyas ito na sumunod sa kaniya. Nakita niya na pumasok ito sa isang opisina at pag pasok niya ay silang dalawa lang ang tao doon. Inalis ni Andrea ang mga bagay sa lamesa at hinila siya nito. Pagtapos ng ilang minuto ay isang malakas na ungol ang pinakamawalan nito pagkat nasa pagitan na ng hita niya ang bibig ni Talim. Mabilis silang natapos sa ginawa nila.

"Bakit dito mo naisip dalhin ako?" Tanong ni Talim habang pareho silang nag-aayos sa sarili.

"Pinagbawalan ako ni Don Berto na isama ka sa condo unit para makipagkwentuhan." Tumawa pa si Andrea. Umiling lang si Talim at lumabas ng opisina. Luminga, linga sa paligid at naglakad.

Pumunta siya sa Mansyon para magpahinga. Napansin naman ni Gwen na may dumating. Nakita niya ang kotse ni Talim. Sila lang ang tao sa Mansyon kaya balak niya itong akitin. Pumasok si Talim sa bahay. "Talim, pwede ka bang makausap saglit?"

"Sige po Tita, tungkol saan?"

"Sa kwarto tayo."

"Bakit?!" Napilitang sumama ni Talim kay Gwen. Pagpunta nila sa kwarto ay tinanggal ng bahagya ni Gwen ang butones ng polo niya sa itaas at lumabas ang kapirasong bahagi ng dibdib niya. "Tita! Ano ang ginagawa mo?"

"Talim, lingid sa kaalaman kong galit ka kay Angelo. Gusto mong gumanti?"

"Hindi ko magagawa sa'yo 'yan Tita. Asawa ka ni Tito."

"Wag mong alalahanin si Enrico. Marami siyang babae." Hahalikan siya sana ni Gwen pero umiwas siya.

"Tita! Hindi ko kayang gawin sa'yo 'yan."

"Walang mawawala sa'yo Talim. Sexy pa ako sa edad ko at maganda. Pwedeng pwede pa ako."

"Lumayo ka Tita! Hindi kita kayang patulan."

"Alam ko Talim. Marami ka nang nai-kamang babae kaya simple lang gawin para sa'yo 'to."

"I'm sorry Tita, hindi kita talaga kayang patulan." Napapikit si Talim habang umaatras.

"Hindi mo ba ako gusto Talim? Gantihan mo si Angelo, makakaganti ka sa kaniya kung ginalaw mo ang Mommy niya. Parang niyurakan mo narin ang pagkatao niya." Hindi nakatiis si Talim. Pwersahan niyang tinulak si Gwen at umalis ng kwarto. Umalis siya ng Mansyon at balak niyang bumalik pag may mga tao na.

-

Sa Hotel naman ay nakilala ni Lyka sila Donya Victoria at Camille dahil minsan ay nagpapalipas ang mag Lola sa Hotel ni Imelda. Nabasa ni Lyka ang bawal sa matanda. Bawal dito ang maalat kaya naman siya mismo ang sumusuri sa mga pagkain sa Hotel. Nang araw na 'yon ay bago ang kusinero at magkataon naman na hindi niya alam ang mga bawal kay DonyaVictoria. Buti nalang at naalala ni Lyka na ang bagong kusinero ang maghahatid ng pagkain kay Donya Victoria. Nag-alala siya kaya sinigurado niya muna. Tumakbo siya at nakita niya na naglalakad ang kusinero papuntang kwarto ni Donya Victoria. Tinanong niya ito. "Kanino mo dadalhin 'yan?"

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon