Habang papauwi si Paulo ay sinilip niya ang larawan sa telepono niya. Isang larawan ng batang babaeng masaya at may katabing bilao na may lamang panindang kakanin. Nakapanyo ang ulo ng morenang batang babae at nakangiti ito. Kitang kita ang mahabang buhok nito na nakatago sa panyo. Naalala niya ang sabi ng ina niya ng nahuli siyang tinitignan ang larawan ni Lyka.
"Sino siya anak?" Binulsa ni Paulo ang telepono niya.
"Wala 'to Mama"
"Patingin nga?" Inagaw ang telepono kay Paulo. Binuksan niya ito ng ina niya. Nakita dito ang larawan ng isang batang babae at namangha siya. "Kaibigan mo ba siya Paulo?"
"Opo Mama, 2 years ago sa Pangasinan."
"Maganda siya anak ah, morena siya at mahaba ang pilikmata, halata na mahirap lang siya pero base sa itsura niya ay masipag siya at nagmana sa magandang itsura ng magulang." Sabi ni Mercy Ina ni Paulo.
"Akin na yan mama." Inagaw ni Paulo ang telepono.
"Gusto mo bang umuwi uli ng Pangasinan ngayong magpapasko?"
"Opo Mama." Ngumiting bigla si Paulo.
"Gusto mong makita ang kaibigan mo no?"
"Mama, mabait si Lyka kahit mahirap lang siya."
"Wala akong sinasabing iba ah, halata naman na mabait siya."
"Kala ko ayaw mo sa kanya eh, minsang sumama ako sa kanila, ang layo na nang narating ko gamit ang bike, pero hindi pa kami nakakarating sa kanila."
"Saan ba siya nakatira, naglalakad lang ba siya?"
"Walang sasakyan sa kanila dahil bukid yon. Araw araw napakalayo ng tinatakbo niya, makarating lang sa eskwelahan at makapag tinda ng palaka, kakanin at gulay." Nahabag si Mercy sa kwento ni Paulo.
"Sige magbabakasyon tayo sa Desyembre sa Pangasinan, pakilala mo ako kay Lyka ah?"
"Talaga po Mama?! Sige po."
Nang nakauwi na si Paulo ay agad siyang sinalubong ng kaniyang Lola at ina.
"Paulo bakit umalis ka? Saan ka galing?" Tanong sa kaniya ng Lola niya.
"Baka nakipagkita kay Lyka." Singit ni Mercy ng makita niya ito.
"Mama, sumaglit lang ako sa palengke, bukas isasama ko si Lyka dito."
"Sige, pangako 'yan ah?"
-
Maaga pa lang ay nasa palengke na si Lyka. Hinihintay niya si Paulo pero si Anna ang nakita niya. Nadismaya siya. "Nasan na si Paulo?" Tanong ni Anna.
"Wala, baka hindi na siya katulad ng dati na gusto akong samahan dito."
"Ano ka ba Lyka? Halata ko sa kanya na gustong gusto ka niya at ang gandang lalaki pa niya."
"Anna! Pa'no mo nasasabi ang mga bagay na yan? Magkaibigan kami ni Paulo, parang tayo lang kaya hindi dapat pinapansin ang itsura."
"Parang tayo? Pero bakit parang inis ka ngayon, dahil ba ako lang ang nakita mo?"
"Anna, hindi totoo yan, mabait lang siguro si Paulo pero bata pa 'ko para magkagusto sa kanya."
"Wala akong sinasabing ganyan, Lyka ah."
"Parang ganun na rin kasi ang gusto mong sabihin." Hangang sa umuwi sila pero hindi dumating si Paulo. Kaya mag isang tumakbo si Lyka.
"Lyka!!" Sigaw nang isang lalaki buhat sa likod niya. Nakita nya si Paulo na tumatakbo at tinatawag ang pangalan niya.
BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.