40. Ang Layunin

607 28 3
                                    

Tinawagan ni Talim si Lyka pagdating ng kinabukasan. "May kailangan ka?" Tanong ni Lyka ng sagutin ang tawag.

Dala niya ang Personal niyang telepono dahil ina-abangan niya talagang tumawag si Talim. Naka-earphone pa siya. "Wala naman, gusto ko lang marinig ang boses mo. Busy ka ba?"

Masaya siyang narinig ang boses ni Talim pero... "Of course, I'm busy. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin para mai-baba ko na ang phone."

"Wag mo naman masiyadong ipahalata na ayaw mo sakin."

"Ibababa ko na 'to. Baka may importante akong tawag na matanggap."

Pero nananitiling nasa tenga ni Talim ang telepono at nakataas ang paa sa opisina niya. Ganun din naman si Lyka na walang balak ibaba ang telepono. "Kausapin mo naman ako Lyka kahit saglit lang. Hindi ako mabubuo ngayon kung hindi kita makakausap."

Napangiti si Lyka at naalala niyang bigla si Camille kaya pumayag siya. "Halatang sanay na sanay ka nang mangumbinsi ng babae ah. Hindi ako apektado pero sige, may itatanong ako sa iyo."

"Ano 'yon?"

"Kilala mo si Talim 'diba?"

Nagulat si Talim sa tanong ni Lyka. Napainom siya ng tubig bigla dahil nanuyot ang laway niya sa narinig. Tumayo siya na parang may nalamang kahindikhindik na bagay. "Bakit mo naitanong?"

"Wala lang. Nakilala ko ang kapatid niya dito. Nagkwento lang ng ilang bagay tungkol sa kaniya."

Alam ni Talim na si Camille ang tinutukoy ni Lyka. "May sinabi ba tungkol sa kaniya? Bakit daw niya ito nabanggit? Nakita mo ba ang picture ni Talim?"

"Next time nalang daw dahil wala sa kaniya ang memorycard. Bakit ba ang dami mong tanong?"

Nakita ni Talim ang kababaan ng loob ni Lyka kaya gusto niyang panindigan ang pagkakakilala sa kaniya nito. "Ano daw sabi ni C.. Nung kapatid ni Talim?"

"Diba sa Farm kayo nagtatrabaho? So, small world dahil sila ang may-ari niyan 'diba?"

"Oo Amo ko siya. Wala siyang panahon sa babae ngayon. Ayaw na ayaw niyang may ibang tao na pinag-uusapan siya."

"Carmelo, wala akong balak na pag-usapan siya. Nagkataon lang. Gusto ko lang sana siyang makilala." Kailangan na niyang ibaba ang telepono dahil nahihiya siya na baka mahalatang may kausap siyang lalaki kahit wala naman talagang pakialam ang mga tao kung sino ang kausap niya. Binaba na niya ang telepono pero masaya parin siya dahil naramdaman niyang nagseselos si Carmelo kay Talim. Alam niyang alam ni Carmelo na maraming babaeng nahuhumaling Talim kaya hindi na siya nagtaka sa inasal nito.

May tumawag sa kaniya mula sa likuran. "Hi Ms. Lyka!" Boses ni Leslie.

Humarap siya. "Hi Leslie! Namiss mo ba dito?"

"Kailangan kasi na ako ang manalo sa Sunday bilang Sexiest."

"Sigurado naman ako na ikaw ang mananalo."

"Sa tingin ko hindi mo talaga hilig ang ganung kompetisyon dahil wala sa itsura mo. Pero sana saksihan mo kung pa'no ako manalo sa Linggo bilang pinaka sexy at pinagtitinginan ng mga lalaki hindi lang dahil sa hinahangaan ako. Dahil matunog na ang pangalan ko."

"Leslie, pagsasayang lang ng oras 'yan. Busy ako sa umaga at sa gabi. Pero ngayon pa lang binabati na kita." Nginitian siya ni Lyka.

"Sayang naman, o baka ayaw mo lang na mainggit sakin. Tama ba?" Tumawa lang at binirahan na nitong umalis pero baliwala lang naman 'yun kay Lyka.

Nakausap ni Talim si Camille sa telepono. "Camille, kilala mo pala si Ms. Lyka?"

Kinabahan si Camille dahil sa tono palang ng Kuya niya ay halatang kilala nito si Lyka. Naisip ni Camille na baka dinaldal ni Lyka sa Kuya niya ang alam nitong pribadong buhay nito. "Bakit Kuya? Kilala mo siya? Ano ang sabi niya?"

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon