Sinalubong sila ni Mercy pagdating sa bahay. "Pinapunta talaga kita dito. Niluto ko ang favorite mo." Sabi ni Mercy kay Lyka.
"Salamat po Tita."
Pagtapos nila kumain ay kinausap ni Mercy si Lyka habang nasa labas si Paulo. "Nag away ba uli kayo ni Paulo?" Tanong nito sa kaniya.
"Hindi po Tita, bakit po?"
"Wag ka nang magsinungaling Lyka. Nakita ko na namumula ang pisngi ni Paulo at alam kong sampal 'yon ng isang babae pero 'wag kang mag-alala kung inisip ko na ikaw ang may gawa no'n dahil alam kong kaya mo ginawa 'yon ay may malaki siyang kasalanan sa'yo, tama ba?"
"Pasensya na Tita, okay na kami ngayon. Nabigla lang talaga ako."
"Ano ba ang kasalanan ni Paulo?" Sabay pumasok si Paulo at narinig ang tanong ng ina niya.
"Mommy tapos na 'yan. 'Wag mo nang ungkatin pa."
"Tita hayaan niyo na Tita, okay na kami ni Paulo."
"Anak na rin ang turing ko sa'yo Lyka dahil ikaw ang mamanugangin ko. Mahalaga na maayos ko kayo dahil baka may malaki kayong pinag-awayan. Ayokong magkakaproblema kayo para sigurado na kayo ang ikakasal pagkagraduate mo."
"Mommy naman, wala kaming malaking away. Tampuhan lang 'yon." Nangamot ng ulo si Paulo.
"Natatakot ka ba sa kasalanan mo?!"
"Hayaan mo na Tita. Siguro medyo naging OA lang ako."
"Ayokong manghimasok sana sa problema niyo pero nag-alala lang ako dahil hindi magagawang manampal ng isang mabait na babae kung walang malaking problema. Ipagtapat mo na Lyka para mapayuhan ko kayo."
"Mommy naman!" Awat ni Paulo. "Ordinary lang ang nangyari. Natural na 'yun."
"Siguro may ibang babae ka, Paulo."
"Sasabihin ko na nga! Alam ko na hindi magagawa ni Lyka ang binintang ko sa kaniya kaya nagalit siya." Pag-amin ni Paulo.
"Ano naman ang binintang mo?" Tanong ni Mercy.
"Pinagbintangan ko siya na boyfriend niya si James pero okay na kami Ma, kaya 'wag ka nang mag alala. Nawala lang ako sa sarili."
"Ano ka ba naman Paulo?! Kilalang babaero 'yan si James, hindi siya ang tipo ni Lyka, mag isip ka naman Anak!"
"Babaero nga eh kaya hindi malayong ligawan niya si Lyka."
"Aaminin ko Paulo nag attempt siya but I never accept him, dahil mahal kita."
"See?" Nakatingin lang si Mercy. "Mga bata pa kayo noon pero alam kong gusto niyo na ang isa't isa kaya magtiwala ka naman, Paulo."
"I know. Hindi na nga mauulit 'diba?"
"Basta huwag ka nang didikit kay Mildred ah." Hiling ni Lyka.
"Paulo ah. Isa pa yang Mildred na 'yan. Iwasan mo 'yan! She was flirting with you. Baka siya pa ang ikasira ng relasyon niyo."
"Sorry na!" Ngumiti lang si Paulo.
Nakangiti lang si Lyka. "Sincere ka ba? Parang hindi eh."
"I was." Ngumiti uli si Paulo at uminom ng tubig.
"Basta Paulo ah! 2 years in the making ikakasal na kayo kaya sana ayusin mo. Pakatino." Lumapit si Paulo sa nakaupong si Lyka at mula sa likod ay niyakap niya ito.
"Huwag na tayong mag-away ah. Basta ikaw lang ang mahal ko."
Ilang araw ang lumipas at nagkayayaan ang mga babaing barkada ni Lyka na magbasketbol. Suot niya ang sando na pinatahi pa ni Paulo para lang sa araw na ito. Nanonood si Paulo ng laro nila. Kahit hindi marunong si Lyka ay alam naman niya ang regulasyon kaya siya ang naging makulay sa laro. Matangkad at mabilis pa siyang tumakbo. Si James ang referee nila, hindi natatawagan ng ilegal si Lyka di gaya ng mga kakampi at kalaban niya. Natapos ang unang yugto. Galit na galit si Mayco na isa sa kalaban ni Lyka na barkada niya din. Panay kasi ang tawag sa kaniya ni James ng Travelling.
BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.