Yugto 69

142 6 0
                                        

Yugto 69: Kalmot

“H-Hindi ko siya hinayaang halikan ako. Doon sa video, hindi nakunan noong itulak ko siya. Pero itinulak ko siya. Itinulak ko siya... Itinulak ko siya,” paulit-ulit kong sabi kay Enrick.

“Okay...”

“Sorry, Enrick. Sorry.”

“Natandaan mo pa iyong sinabi ko sa ‘yo kagabi? Na kahit ilang beses ka pang magkasala, papatawarin pa rin kita... Tangina, mahal kasi kita.”

Kumalas si Enrick sa pagkakayakap niya sa akin at nanatili siyang nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard. Gulo-gulo na ang buhok niya at may kaunting luha sa kanyang mga mata.

“Hindi ko inakala na mababaliw ako sa ‘yo. Hindi ko inakala na magseselos ako. Hindi ko inakalang magiging selfish ako para sa ‘yo. Hindi ko inakalang masasaktan ako dahil sa ‘yo. Hindi ko inakalang magpapatawad at mangagako ako sa ‘yo... Hindi ko inakala na sa ‘yo ako magmamahal nang ganito.”

Nararamdaman ko na naman ang maingay kong puso dahil sa sinabi niya.

“Hindi ko alam kung paano nagsimula. Hindi ko alam kung bakit sa dami ng babae ay sa ‘yo ako napunta. Hindi ko alam... I know it’s cheesy pero ikaw ang first love at first heartbreak ko. Ikaw ang unang babae na niligawan ko, unang babae na nagselos ako, unang babae na ipinakilala ko sa parents ko.”

I couldn’t believe that I heard those words from him, from someone who I hated.

“You taught me how to love. You showed me how it felt to be loved. You changed me as a person. And I will never forget all of that. The pain, the happiness, the feeling of being jealous, the feeling of love, care... All of that... I will never forget.”

Nag-init ang puso ko dahil sa mga sinabi niya. Parang gusto kong umiyak sa saya. Ipinulupot ko ang braso ko sa leeg niya at kahit na hindi ako marunong ay hinalikan ko siya. Just a smack kiss.

“What the?” Gulat na gulat siya sa ginawa ko.

Niyakap ko na lang siya. “I will never forget too... I love you.”

“Sinasagot mo na ba ako?”

“Bakit? Ayaw mo ba?”

“Gusto. Gustong-gusto ko.”

Napangiti ako.

Nanatili ako sa posisyon ko. Nakakandong ako kay Enrick. Ang mga braso ko ay nakapulupot sa leeg niya. Ang mga binti ko ay nakapulupot naman sa baywang niya.

Then he started to stroke my hair habang nakayakap din siya sa akin.

Naalala ko iyong mga nabasa ko sa libro, when the heroines said that they felt safe when they’re in the arms of their heroes. Akala ko ay gawa-gawa lang iyon ng mga awtor, just for the sake of putting romance in their stories. Pero hindi pala. Totoo pala ang pakiramdam na iyon.

Dahil habang nakakulong ako sa bisig ni Enrick ay naramdaman ko na safe ako. Na hindi ako mapapahamak.

“So, paano mo nalaman iyong tungkol sa video? And how did you find me here?” biglang tanong ni Enrick pagkatapos ng ilang minuto naming pagyayakapan.

“Nagkita kasi kami ni Janine sa mall. She told me na mayroong video si Leila at gusto niyang ipakita iyon sa ‘yo sa party...”

Ikinwento ko kay Enrick ang mga pangyayari. Pwera sa part na nag-cat fight kami ni Leila.

Nanatili siyang nakayakap sa akin. “Bakit hindi mo agad tinulak si Spencer noong hinalikan niya iyong leeg mo?”

“Kasi habang ginagawa niya iyon ay nakita ko naman na hinahalikan ka noong babae na kasayawan mo. Shocked ako kaya hindi ko agad siya naitulak.”

“Hmm. Okay.”

Ilang sandali pa niya akong niyakap at pagkatapos ay ibinaon ang mukha niya sa leeg ko. “Hey. Why do you smell like alcohol? Uminom ka ba?”

Kinagat ko ang labi ko. “Wala lang ito.”

Naglagay siya ng kaunting distansya sa pagitan naming dalawa. “Magsabi ka ng totoo, Beatrix.”

Sa huli, ay napilitan na lang akong ikwento sa kanya ang nangyari sa bahay nina Leila.

Mabilis na umigting ang panga niya matapos niyang malaman na sinaktan ako ni Leila. “Damn it. Walang pwedeng manakit sa ‘yo!”

“Hindi lang naman siya iyong nanakit, eh. Sinabunutan ko rin siya.”

“You did it kasi pinagtanggol mo ang sarili mo. Pero siya? Bakit niya ginawa iyon? Atraso na nga niya sa akin at sa ‘yo iyong ginawa niyang pagpapakalat ng video, ‘tapos sasaktan ka pa niya? That’s too much!”

“Enrick, naiintindihan ko naman siya. Kung iyong video lang talaga ang pagbabasehan ay madali kang makakapag-conclude na baka nagche-cheat ako sa ‘yo. At gano’n iyong nangyari kay Leila. Nagalit siya sa akin kasi mahal ka niya at ayaw niya nang may manloloko sa ‘yo.”

Magkasalubong ang makakapal niyang kilay habang tinititigan niya ako. Mas lalo siyang gumwapo dahil doon.

“Pero hindi mo naman ako niloloko. Hindi man lang inalam ni Leila ang totoo bago ka niya sinaktan. Damn! May masakit ba sa ‘yo? Sinabunutan ka niya, ‘di ba? Did your scalp hurt? Did your—”

“Enrick, just calm down. Walang masakit sa akin, okay?”

Umiling siya at nagsimula na sa panunuri sa akin. Sinuri niya ang mukha ko, ang leeg ko, at ang braso ko. “Eh, ano ito?” galit niyang tanong nang may nakitang kalmot sa braso ko.

“Wala lang iyan. Hindi iyan masakit.”

“Damn! Gusto ko talagang magalit kay Leila.”

“She’s your friend. Mali iyon.”

“And you’re my love. Kaya mas mali na saktan ka niya.” Nanatili ang mga mata niya sa kalmot sa braso ko. “Does it hurt? Kailangan ko na bang tumawag ng doktor? O ambulansya? O ako na lang ang gagamot nito?” Seryoso niya akong tinitigan.

Natawa naman ako at napakagat sa labi ko. Natuwa ang puso ko dahil sa mga sinabi niya. He was so concerned.

“What’s funny?”

Umiling ako. “Kalmot lang ito, Enrick. Hindi ako mapapano. Malayo ito sa bituka.”

“But still! Tingnan mo nga. Namumula, o! Hindi ito pwede...”

Natahimik siya nang ilagay ko ang index finger ko sa mga labi niya sabay sabi ng, “I love you.”

Hindi ko na napigilan at sinabi ko iyon. Dahil hindi ko lubos maisip kung ano bang ginawa ko para ibigay siya ng Diyos sa akin. He trusts me so much. Naniwala kaagad siya nang ipaliwanag ko ang side ko tungkol doon sa video. Hindi niya pinagdudahan kung totoo ba talaga ang mga sinabi ko sa kanya. Hindi na nga siya naghanap pa ng sapat na ebidensya.

At mas inintindi pa niya iyong kakapuranggot na kalmot ni Leila.

I really love him.

“No, Beatrix, huwag mong ibahin iyong usapan. Malalagot sa akin si Leila dahil sa kalmot na ito.”

Napanguso ako dahil sa naging sagot ni Enrick. “Wala man lang bang I love you too?” Kunwari ay nagtampo ako. Kinurap-kurap ko pa ang mga mata ko.

Unti-unting lumambot ang ekspresyon ni Enrick. Pumungay ang kanyang mga mata. Masuyo niyang nilagay ang mga takas na buhok sa likod ng aking tainga. “I love you too, Beatr...”

Hindi na niya natapos dahil hinalikan ko na siya kaagad.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon