Yugto 48: Ako Iyong Nanakit
“What?” I couldn’t believe it. “Sa tingin n’yo ba magugustuhan kayo ni Enrick dahil lang nasira n’yo na kami?”
“Hindi. Alam namin na hinding-hindi magugustuhan ni Enrick ang ginawa namin. Alam namin na hinding-hindi niya kami magugustuhan dahil dito. But this is our way. We love him but he can’t love us. So, this is our way...” ani Abby.
“Hindi magiging masaya ang babaeng mamahalin ni Enrick. Unless, she’s one of us,” si May naman.
I couldn’t believe them. Oo. Alam kong masakit sa pakiramdam kapag hindi ka mahal ng taong mahal mo. Pero kailangan ba talaga nilang gawin iyon? Kailangan bang umabot sa puntong nanira na sila ng relasyon?
If you really love someone, you would sacrifice. You would be happy for his or her happiness. Hindi ba dapat ay gano’n iyon?
“Marami pang paraan! At hindi lang naman si Enrick ang lalaki sa mundong ito!” Pinunasan ko ulit ang mga luha ko. “All of you are cruel! Hindi n’yo talaga mahal si Enrick. Dahil kung mahal n’yo siya, magiging masaya na kayo kapag masaya siya! Kahit sa piling pa ng iba! Love is selfless!”
“Shut up, Beatrix!” sigaw sa akin ni Janine.
“Ano? Masaya ka na ba kasi napaniwala mo ako sa mga kasinungalingan mo? Masaya na ba kayo dahil hiwalay na kami ni Enrick? Masaya na ba kayo?!” sigaw ko. “Masaya ba kayo dahil may nasira kayong relasyon?!”
Umiling ako sa kanila at lumunok ako kahit na ang hirap-hirap dahil sa kalagayan ko. “Sana... masaya na kayo... and I’m so stupid for believing in you, Janine.”
Tinalikuran ko sila. Hindi na ako nag-abala pang tingnan kung ano ang naging reaksyon nila sa mga huling sinabi ko. I didn’t even want to remember their faces.
Tumakbo ako palabas ng comfort room. Panay ang punas ko sa mga luha ko. Panay rin ang paglinga ko para hanapin ang imahe ni Enrick.
Ang tanga-tanga ko.
Ang tanga-tanga ko dahil naniwala ako kay Janine.
Galit ako sa sarili ko dahil hindi ako nagtiwala kay Enrick. Kung sana ay nagtiwala lang ako sa kanya ay hindi basta-basta magigiba ang relasyon namin.
Kasalanan ko ang lahat. Si Janine nga ang nagsimula, nagsabi siya ng hindi totoo. Pero ako ang may kasalanan dahil naniwala ako. Dahil hinayaan kong pangunahan ng katangahan at pride ang puso ko.
Matagal nang sinabi sa akin ni Enrick na mahal niya talaga ako. Sana sa kanya ako naniwala at hindi kay Janine.
Dahil hindi ko makita si Enrick ay nagtanong na lang ako sa mga taong nakasalubong ko. “Nakita mo si Enrick?”
“Ay, hindi.”
Karamihan sa napagtanungan ko ay nagsabing hindi raw nila nakita si Enrick. Kaya pumunta ako sa mga lugar na pwede niyang puntahan. Nagpunta ako sa gymnasium, sa classroom namin, sa locker room. Pati comfort room ng mga boys ay pinuntahan ko na rin.
Pero wala.
Kaya para sigurado na talaga na mahahanap ko siya ay nagpunta ako sa guardhouse.
“Manong guard, pwede n’yo po bang i-announce sa mga estudyante na hinahanap ko si Enrick de Vera?” Halos luhuran ko ang guwardyang nasa harapan ko.
“Ia-announce?” Kumunot ang noo sa akin ng guard.
“Opo, kung pwede po sana.”
“O, siya, sige. Sandali lang.” Tumalikod siya sa akin at bumalik ulit sa loob ng guardhouse.
Todo ang dasal ko na sana ay makita ko na si Enrick. Pero nawala ang lahat ng natitira kong pag-asa nang bumalik sa harap ko ang guard at, “Ay, teka, Enrick de Vera ba ‘ka mo? Iyong mala-artistang estudyante na mayroong sasakyang itim? Hay naku, hija! Kaaalis lang!”
“P-Po? Kaaalis lang po? Bakit po? Hindi po siya pwedeng umalis kasi po hindi pa po tapos ang practice ng graduation march at saka po hindi pa po... hindi pa po...”
“May sumundo kasi sa kanya rito. Tatay niya yata. Pinayagan ko nang umalis dahil emergency raw.”
Malungkot akong nagpasalamat doon sa guard kahit na wala naman talaga siyang naitulong sa akin. Bukod sa pagsabing umalis na si Enrick.
Bakit naman umalis si Enrick? Bakit siya sinundo ni Tito Federico? Bakit may emergency? Bakit kung kailan ko siya kailangan ay saka naman siya wala?
Hindi ko na nakayanan at umupo ako sa nakita kong sementadong upuan malapit doon sa guardhouse. Napaiyak na lang ako.
Bakit ba kasi ako naniwala kay Janine? Bakit ba kasi hindi ako nagtiwala kay Enrick?
Nagpatuloy ako sa pag-iyak. Bawat tatlong segundo ay nagpakawala ako ng mahinang hikbi. Pakiramdam ko ay may bara sa lalamunan ko. Pakiramdam ko rin ay may batong nakadagan sa puso ko. Mabigat at masakit.
“Beatrix?”
Sa sobrang pag-iyak ko ay hindi ko na nilingon kung sino pa man iyong tumawag sa akin. Basta naramdaman ko na lang na may lalaking yumakap sa akin.
“Bakit ka umiiyak?” Si Harold pala, nakilala ko iyong boses.
“W-Wala ito...” Humikbi ako.
“Huwag ka nang magsinungaling. Napapansin ko nitong mga nakaraang buwan ay hindi kayo nagpapansinan ni Enrick. Anong nangyari? Sinaktan ka ba niya?” nag-aalala niyang tanong.
“Hindi, Harold. Hindi niya ako sinaktan. Ako iyong nanakit sa kanya. Nagkamali ako, akala ko kasi...” Humagulgol ako. “A-Akala ko kasi niloloko lang niya ako. Akala ko kasi hindi totoo iyong pagmamahal niya sa akin.”
Umiyak ako roon sa balikat ni Harold. Sa kanya ko sinabi lahat ng pagsisisi ko. Wala siyang ginawa kundi i-comfort ako. “You should never give up on Enrick,” sabi pa niya.
Lumipas pa ang ilang araw hanggang sa iyon na ang huling araw ng practice namin ng graduation march. Hindi ako nakapag-sorry kay Enrick. Bukod sa hindi niya sinagot ang mga text at tawag ko ay lagi rin siyang absent.
Dapat ay pupunta na talaga ako sa bahay nila para makapag-sorry ako sa kanya. Pero inunahan ako ng takot at kaduwagan.
Ang sumunod na araw ay ang graduation. Hindi pa rin ako nakapag-sorry sa kanya.
“Dios mio marimar, Beatrix! Anong nangyari sa ‘yo?” pagbubunganga ng baklang makeup artist ko nang nakita niya na namumugto ang mga mata ko dahil sa kakaiyak.
Habang naghahanda ang mga kasambahay ng uniform at toga na isusuot ko at habang inaayusan ako noong bakla ay hindi ako mapakali.
Gusto ko nang makarating agad sa gymnasium ng school. Dahil sigurado na ako na makikita ko si Enrick. Dahil hindi na siya pupwedeng maging absent sa graduation day. Fourth honorable mention pa naman siya.
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Teen FictionBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...
