Yugto 54

125 13 0
                                        

Yugto 54: Pa-cute

“Anong ano? Ang tagal mong mag-CR,” wika ni Courtney. “Tumatakas ka ba? Tip lang, ha. Sa susunod, kapag tatakas ka, sa gate ka pumunta. Huwag sa CR.”

“Eh, anong gusto mong gawin ko? Sobrang awkward ng sitwasyon! Walang nagsasalita! Nasaan na ba kasi iyong sinasabi ninyong plano sa bwisit na set up na ito?” naiinis kong tugon.

“The plan is, pagkatapos ng merienda ay aalis kami ni Alec at bibili kunwari sa isang convenience store. Pero ang totoo ay magtatago lang kami roon sa likod ng sasakyan ko. Then, pwede mo nang kausapin si Enrick!”

Humalukipkip ako, nakasimangot pa rin. Iyon na iyon?

“Kaya bumalik tayo roon at tapusin mo na ang merienda mo para magawa na iyong plano.”

Wala akong nagawa at bumalik na kami ni Courtney roon sa garden. Nakita ko si Enrick na may hawak na cellphone at may burger sa bibig niya. Tiningnan ko ang pinggan ng pasta ko na halos hindi pa nangangalahati. Parang nawalan na ako ng ganang kumain.

Pero kahit na gano’n ay sumunod ako sa sinabi ni Courtney at inubos ko ang pagkain. Kasabay nang pagkaubos ko sa pagkain ko ay binitiwan na rin ni Courtney ang kinakain niya. Nagtinginan sila ni Alec ‘tapos ay sabay na lumingon sa akin. Nagtanguan sila at tumayo si Courtney. Pinunasan niya ng napkin ang kanyang bibig.

“Gusto kong bumili ng ice cream. Mainit kasi ang panahon ngayon. May alam ba kayong bilihan ng ice cream dito?”

Gusto ko na lang mapa-face palm. Iyong pagsasalita ni Courtney ay para ba siyang nagbasa lang ng script para sa isang pelikula. Kung pakikinggan nang mabuti ay mahahalata talaga na pinlano iyon ni Courtney.

“Ah, mayroon. Medyo malayo nga lang mula rito sa subdivision,” si Alec.

Nakita kong nag-angat ng tingin si Enrick sa dalawa. Pero bumalik ulit ang tingin niya sa cellphone niya.

“Pwede mo ba akong samahan—”

Hindi naituloy ni Courtney ang sasabihin niya dahil may biglang nagsalita.

“Oh! I can see that you’re having a little picnic here.”

Boses iyon ng isang babae.

At paglingon ko sa likuran ko ay nakita ko si Hannah. Nakasuot siya ng simpleng t-shirt at short shorts.

Pinapasok siya ng guard? Paano? Bakit?

“Hannah? Sabi ni Enrick, bukas ka pa pupunta rito?” gulat na tanong ni Alec.

“Anong picnic? Mukha ba tayong nagpi-picnic dito?” inis na bulong ni Courtney at padabog na umupo. “Sino ba iyan? Dahil sa kanya, hindi pa matutuloy iyong plano!”

“Si Hannah iyan. Kaklase ko noong high school,” bulong ko sa kanya.

“Hannah? Siya iyong kinwento mo sa akin na kakulto nina Janine’ng sinungaling?”

Tumango ako at nagtanong, “Bakit hindi matutuloy iyong plano?”

“Eh, paano kayong magkakaroon ng alone time ni Enrick, kung nandito si Hannah? Bwisit. Masasayang pa yata ang pinagplanuhan namin ni Alec.”

Napalunok na lang ako at ibinalik ko ang tingin ko kay Hannah.

“Can I join?” walang hiya-hiya niyang tanong.

“Uh... sure!” Napilitan si Alec.

“Pero... saan naman ako uupo?” Ngumuso si Hannah. Hindi ko alam kung nagpapa-cute ba siya o nagpapaawa. Or maybe both.

Nakakaasar siya.

Mabilis naman na tumayo si Enrick at ibinigay kay Hannah ang upuan niya. “Dito ka na.”

Hindi ko alam kung bakit parang pinunit ang puso ko sa nakita ko. Normal lang naman sa mga lalaki na paupuin ang mga babae. Gentleman nga, sabi nila. Pero ayaw kong makita na gano’n si Enrick. Cold sa akin, ‘tapos warm sa iba.

Sila na kaya ni Hannah? Bakit kasi bigla na lang siyang bibisita? Pero kung sila na nga, dapat sinabi na sa akin ni Alec iyon.

“Pero paano ka, Enrick?” tanong ni Hannah kay Enrick.

Para akong sinaksak sa puso nang biglang tumawa si Enrick.

Tumawa siya. Tumawa siya... dahil sa sinabi ni Hannah. Kailan ko kaya siya mapapatawa ulit?

“You’re too concerned, Hannah. Mayroon pa namang ibang outdoor chair.”

Kita ko kung paano pumula ang pisngi ni Hannah dahil sa sinabi ni Enrick. Kinagat pa niya ang labi niya bago tuluyang umupo sa upuan. Pumasok naman si Enrick sa bahay nila at nang bumalik ay may dala na siyang panibagong outdoor chair. Tumabi siya sa upuan ni Hannah.

Napalunok ako at bumagsak ang tingin sa pinggan kong wala nang laman. Inubos ko pa naman ang pasta para sa plano.

“Ano na? Bakit ba kasi nandito iyan?” narinig kong tanong ni Courtney kay Alec.

Tiningnan ko naman ulit si Enrick na binubulungan ni Hannah ng kung ano. Biglang tumingin si Enrick sa banda namin kaya nag-iwas kaagad ako ng tingin.

“Hindi ko alam,” bulong ni Alec.

Umirap si Courtney.

“Hi! I’m Hannah!”

Napalingon si Courtney nang naglahad sa kanya ng kamay si Hannah. Pekeng ngumiti si Courtney at hindi tinanggap ang kamay ni Hannah.

“So, why are you here? Are you invited or something?”

Napatitig ako kay Courtney. Matalim ang tingin niya kay Hannah. Courtney was on bitchy mode at that moment.

Gano’n naman na talaga si Courtney. Noon pang mga bata kami. Kapag kaaway ko, kaaway rin niya. Kapag kaibigan ko, kaibigan din niya. Kapag galit ako sa isang tao, mas galit pa siya.

Nakita kong napawi ang ngiti ni Hannah at para ba siyang na-offend sa sinabi ng pinsan ko. Pero ngumiti ulit siya. “No one invited me. Nagpasya lang talaga akong pumunta rito.”

“Ah!” Tumawa si Courtney. “I’m Courtney Soledad. This is Beatrix Soledad. We’re cousins.”

Tumango si Hannah. “I know her. Naging kaklase ko siya.” Nag-iwas siya ng tingin sa akin.

“Alam ba ni Enrick na isa si Hannah sa grupo ng mga babaeng nameste sa relasyon n’yo?” Bumulong sa akin si Courtney.

Umiling ako.

“You should tell him! I bet kapag nalaman iyon ni Enrick ay magagalit iyan kay Hannah.”

Matapos ang ilang sandali ay hindi na nagsalita pa si Courtney. At naging awkward na naman ang sitwasyon. Nagtitigan sina Alec at Courtney. Siguro’y inisip nila kung paano kami magkakaroon ng alone time ni Enrick.

Si Hannah naman ay panay ang pagkausap kay Enrick. Si Enrick ay nakikinig sa sinasabi ni Hannah habang nakatitig sa kawalan.

Mayamaya pa ay tumayo si Hannah at tumayo rin si Enrick. “I told you, doon lang naman malapit sa kitchen ang CR,” ani Enrick.

“Pero baka maligaw ako. Samahan mo na ako, please?” Nagpa-cute pa si Hannah.

Mukhang nagpapasama si Hannah kay Enrick papunta sa CR. How pathetic.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon