Yugto 68: Room Number
Nang natapos na akong magbihis ay itiniklop ko ang nabasa kong top at pinatabi ko muna iyon kay Jane. Si Janine naman ay patuloy sa pakikipag-usap sa cellphone niya.
“Hindi ka sure. Ah, okay. Sige. Pakibilisan... Wait, wait. Loyola Grand. Floor number twenty-two... Ano?! Bakit hindi mo alam kung anong suite?” tanong ni Janine sa kabilang linya. Sinapo pa niya ang kanyang noo.
“Janine? Ano iyon?” litong tanong ni Jane.
Ilang sandali pang nakipag-usap si Janine sa kabilang linya bago niya pinatay ang tawag.
“Si Joshua iyon. Nandoon din siya sa party ng kapatid ni Leila, pero umalis na raw siya pagkatapos ipakita ni Leila iyong video kay Enrick.” sabi niya at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. “Ayon sa kanya, noong ipinakita raw ni Leila iyong video kay Enrick, ay walang imik na umalis si Enrick ng party. Tinawagan daw niya si Enrick para tanungin kung saan ito pupunta. Enrick only said that he wasn’t going home. So that means, ayon kay Joshua, si Enrick ay nagpunta sa Loyola Grand. At doon tayo pupunta ngayon.”
“Wait. Noong tinawagan ni Joshua si Enrick, ang sabi lang ni Enrick ay hindi siya pupunta sa bahay nila. Kaya ang conclusion ni Joshua ay nasa Loyola Grand Hotel si Enrick?” tanong ko.
“Oo.”
“Paano tayo makakasiguro roon?” tanong ko ulit.
“Ang sabi ni Joshua ay roon laging nagpupunta si Enrick kapag wala ito sa bahay nila. Parang resthouse niya iyong Loyola Grand.” Sumulyap sa akin si Janine. “Ang problema natin ngayon ay kung saan sa Loyola Grand ang suite ni Enrick. Dahil hindi alam ni Joshua kung saan ang eksaktong number ng room. Ang alam lang niya ay ang floor number ni Enrick. Which is floor number twenty-two.”
“Paano ko mapupuntahan si Enrick kung gano’n?”
“Akong bahala,” sabi ni Jane na nasa backseat.
Nang nakarating kami sa Loyola Grand ay mabilis akong bumaba ng sasakyan. Gano’n din ang ginawa ni Jane.
“Matatagalan akong maghanap ng parking space. Kaya mauna na kayo,” sabi ni Janine.
Sumang-ayon ako at halos tumakbo na kami ni Jane papasok sa Loyola Grand.
“Nag-check in po ba rito si Enrick de Vera?” mabilisan kong tanong roon sa lalaking nasa front desk.
“Wait lang po, Ma’am,” aniya habang hinahalukay ang mga files niya. Halos mapapadyak na ako roon habang naghihintay. “It states in our records na nag-check in po si Enrick de Vera—”
“Ano pong room number niya?”
“I’m so sorry, Ma’am. Pero mahigpit pong ipinagbabawal ang pagsasabi ng room number ng mga naka-check in.”
“Sige na po. Importante lang!” Halos lumuhod na ako roon. Napatingin na rin sa akin iyong mga dumaan na mga tao, staffs, at bellboy.
“Hindi po talaga pwede.”
Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Jane palayo roon sa front desk. “Kahit anong gawin mo ay hindi nila sasabihin ang room number ni Enrick.”
“Eh, anong gagawin natin? Kailangan kong makausap si Enrick. Iyong video, hindi iyon totoo!”
“Oo. Alam ko. Kaya ang gagawin mo ngayon ay pumunta ka sa floor number twenty-two. Since low batt ang phone mo, ito ang phone ko.” Inabot niya sa akin ang phone niya at tinanggap ko naman iyon. “Tatawagan kita diyan kapag nalaman ko na kung ano ang room number ni Enrick.”
“Paano mo ako matatawagan kung nasa akin ang phone mo?”
“Makikitawag ako. I’ll find a way. Basta tandaan mo, kapag nakarating ka na sa floor number twenty-two, mayroong nakabantay sa desk doon. Marami silang susi at kapag nasabi ko na sa ‘yo ang room number. Kunin mo iyong susi na gano’n din ang number.”
“Okay.” Hindi ko na nagawang magtanong kung paano niya nalaman ang mga bagay na sinabi niya sa akin. O kung paano niya malalaman ang room number ni Enrick.
“Go!” utos niya.
Hindi ko na nilingon pa si Jane at sumakay na ako ng elevator. Nang nakarating na ako sa tamang floor ay nag-ring ang cellphone ni Jane. Kaagad ko iyong sinagot.
“Room number two o’one si Enrick.”
“Oo, sige. Thank you, Jane!” At mabilis kong pinatay ang tawag.
Hinanap ng mata ko iyong room number 201 at nakita ko na nasa bandang dulo iyon. Hinanap ko rin iyong sinasabing bantay na nasa desk. At noong nakita ko ang isang babae na naka-uniporme nang katulad noong nasa front desk ay nilapitan ko iyon.
Tama si Jane. Sa harap niya ay nakabalandra ang mga susi.
“How may I help you, Miss?” tanong ng babae.
Nahanap kaagad ng mga mata ko ang susi na may tag na number 201.
“May ipis!” malakas kong sigaw with matching tili na rin.
“N-Nasaan?” Napaigtad ang babae sa gulat at mabilis kong hinablot ang susi.
“Hoy, Miss! Ibalik mo iyan! Guards! Guards!”
Kumaripas ako ng takbo at nagdasal sa lahat ng santo na kilala ko. Na sana ay huwag akong madapa at mahuli.
Nang nakarating ako sa tapat ng room number 201 ay mabilis kong itinapat ang susi sa door knob. Nakita ko sa gilid ng mata ko na may tinatawagan sa walkie talkie iyong babae na kinuhanan ko ng susi. At nang nabuksan ko na ang pinto ay mabilis akong pumaloob sa suite at sinarado ulit ang pinto. Hinihingal ako at kinakabahan.
Naisip ko na paano kung wala pala roon si Enrick? Paano kung mali pala iyong nakuhang room number ni Jane?
“Enrick?”
Iginala ko ang mata ko sa loob ng suite. May nakita akong pinto ng kwarto kaya binuksan ko iyon. Nakita ko si Enrick na nakadapa sa higaan niya.
“Enrick...” tawag ko pero nanatili lang siya sa posisyon niya na para bang wala siyang narinig.
“Enrick...” Sinubukan ko siyang hawakan pero kinuha niya ang unan at itinabon iyon sa mukha niya.
“Enrick...” tawag ko ulit pero hindi siya gumalaw.
“Enrick, mag-usap tayo.”
Pero hindi pa rin siya gumalaw. Kaya pinilit ko na siyang humarap sa akin. Kahit pa nagmamatigas siya ay tinanggal ko ang unan at inilayo iyon sa kanya.
“Enrick, alam kong napanood mo iyong video. Sorry, Enrick. Sorry...”
Pinilit ko siyang bumangon. Kahit pa ang bigat-bigat niya ay pinilit ko siyang paupuin sa kama niya para makapag-usap kami. Gusot-gusot na iyong damit niya.
Nang napaupo ko na siya sa kama ay saka pa lang siya dumilat. Nagtagpo ang mga mata namin. Nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang palapulsuhan ko kaya ako bumagsak sa dibdib niya. Niyakap niya ako nang mahigpit.
“Ang daya-daya mo. Akala ko ako lang. Akala ko ako lang ang may kahalikan na iba kagabi... ikaw rin pala,” sabi niya.
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Teen FictionBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...
