Yugto 47: He Loves You
Nagpatuloy sa pagsasalita si Alec. Mataman niya akong tinitigan.
“From being a total asshole, he changed. He became the better version of himself since the day he found you.” Bigla siyang tumawa, iyong tipo ng tawa na walang kasamang humor. “Pero ngayon? Naging seventy-five na ulit iyong grades niya. Hindi na rin siya gumagawa at nagpapasa ng school stuffs. Noong tinanong ko siya kung bakit, he said na ginagawa niya iyon para mapatunayan sa ‘yo na mahal ka talaga niya. Nasabi niya rin kasi sa akin na nakipag-break ka raw sa kanya... Is that true?”
Lumunok ako. “Oo.”
“Bakit ka nakipag-break? Gusto ko lang malaman ang tunay na dahilan dahil noong nakaraang December ay nagalit sa akin si Enrick. He said that I’m one of the reasons why you broke up with him. Sinabi ko raw kasi sa ‘yo na pangarap niyang maging successor ng business ng pamilya namin. Iyon ba ang dahilan?”
Umiling ako. “No. Hindi iyon ang tunay na dahilan. Pero iyong sinabi mo sa akin na kasama sa requirements ng pagiging successor ay ang pagiging first honor... Iyong sinabi mo na iyon ang nakaapekto sa desisyon kong hiwalayan siya.”
“He also said na nakipag-break ka dahil naniniwala ka na niloloko ka lang niya?”
“Yes, he fooled me. Gi-ni-rlfriend niya ako para lang ma-distract ako sa pag-aaral ko at siya ang maging first honor.”
“You got it all wrong...”
What?
“Ayaw talaga ni Enrick na gawin ko ito, pero may natitira pa naman akong awa para sa kanya. Kaya sasabihin ko sa ‘yo ito... Minahal ka ni Enrick. Mahal ka talaga ng pinsan ko. Simula nang mamulat ako sa mundong ito ay walang babaeng kinabaliwan, niligawan, naging girlfriend, minahal, at iniyakan si Enrick kundi ikaw.”
Nangilid ang mga luha ko.
“Kung paano o saan mo man nalaman na niloko ka lang ni Enrick, I’m telling you, hindi iyon totoo. Oo, at pangarap nga niyang maging successor ng De Vera Lands, pero hindi ibig sabihin noon ay lolokohin ka na niya para lang magawa niya ang requirement na pagiging first honor. Hindi ko ito sinasabi dahil pinsan ko si Enrick at pinagtatanggol o pinapanigan ko siya. I’m saying this to you because I know that this is the truth. Wala akong intensyon na baguhin ang isip mo o ano pa man. Gusto ko lang na malaman mo ang totoo. Minsan na nga lang magmamahal nang tunay si Enrick, ayaw ko naman na saktan mo siya dahil sa maling pag-aakala mo na niloko ka niya. He didn’t fool you, Beatrix. He loves you.”
Matapos noong pag-uusap namin ni Alec sa Mini Stop ay umuwi na ako sa bahay namin. Wala akong imik. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gulong-gulo ang utak ko sa mga nangyari.
Isang araw, noong nagkaroon kami ng fifteen minutes na breaktime sa practice ng graduation march ay nagpunta ako sa comfort room ng mga girls. Pumasok ako sa loob ng isang cubicle.
Nang natapos ako sa pagc-CR ay tumayo ako at inayos ko ang aking sarili. Bubuksan ko na sana ang pinto ng cubicle para makalabas, pero may narinig akong boses ng mga babae. Maingay sila at halata sa tono ng boses nila na masaya sila.
“Good job, Janine!” Narinig kong may tumawa.
“Break na talaga sila! Beatrix is always with Harold and Enrick is always alone!”
Natigil ako. Pamilyar ang boses ng nagsalita.
“Akalain mo? Naniwala si Beatrix sa istoryang ginawa mo?”
“Well, madali lang namang utuin si Beatrix. Sinabi ko lang na niloloko siya ni Enrick, naniwala kaagad! Like an idiot! Akala niya niloko siya ni Enrick, pero ang totoo ay ako ang nanloko sa kanya.”
Boses iyon ni Janine, hindi ako pwedeng magkamali.
“Congrats to us! Tagumpay ang plano na paghiwalayin si Beatrix at si Enrick!”
“Thanks to Janine and her story making skills!”
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
“At syempre, thank you rin sa katangahan ni Beatrix! Biruin mo? Naniwala kaagad siya kay Janine?”
Matapos ang huling sinabi ay nagtawanan sila. Kasabay ng tawanan nila ay ang unti-unting pagguho ng mundo ko.
Mabilis na nanlabo ang paningin ko dahil sa luha at may bumara sa aking lalamunan. Hindi na ako nag-isip nang matino at binuksan ko kaagad ang pintuan ng cubicle. Kumalabog iyon dahil sa pagdadabog ko.
Napalingon sa akin nang sabay-sabay ang limang babae na nasa loob ng comfort room. Humupa ang tawanan nila. Unti-unting napawi ang ngiti sa kanilang mga labi at namutla silang lahat.
Janine, Hannah, Dana, Abby, May... Lahat sila, pinlano nila iyon.
“B-Beatrix?” Gulat na gulat si May.
“What the hell? What are you doing here?!” pasigaw na tanong ni Janine.
“Sinusundan mo ba kami?”
“My God!”
Marami pa silang sinabi.
Pero bumuhos na ang mga luha ko at sa nanginginig na kamay ay tinuro ko si Janine. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paghikbi.
“Y-You...” Nanginig ang boses ko. Kinuyom ko ang kamao ko at nagtiim-bagang ako. “You fooled me!” Umalingawngaw ang sigaw ko sa buong comfort room. “Napaka-walang hiya mo! Dapat hindi ako naniwala sa ‘yo! Akala ko kaibigan kita!”
Napaawang ang mga labi ni Janine dahil sa mga sinabi ko. It was as if she wanted to say something, pero hindi ko na siya hinayaang magsalita pa. Hindi rin naman nagsalita iyong apat.
“Dahil sa ‘yo nasaktan ko si Enrick! Dahil sa ‘yo nakipag-break ako sa kanya sa maling dahilan! Dahil sa inyo! Dahil sa plano n’yo!” Humagulgol ako.
“That’s not our fault! Huwag na huwag mo kaming sisisihin sa paghihiwalay ninyo ni Enrick!” sigaw ni Dana.
“Oo! Ako nga iyong nagsabi sa ‘yo ng mga kasinungalingan! Oo! Sinabi ko nga sa ‘yo na niloloko ka lang ni Enrick kahit hindi totoo! Pero sino ba ang nakipag-break sa kanya? Ikaw naman, ‘di ba? Kaya ikaw ang may kasalanan! Tatanga-tanga ka kasi! Naniwala ka kaagad! Kasalanan mo iyan!” nanggagalaiting sigaw ni Janine.
Sinampal ko siya. Pinunasan ko ang mga luha ko.
“Ang sama-sama mo! Ang sama-sama n’yo!” Tinuro ko silang lahat. “Paano n’yo ito nagawa? Hindi ko naman kayo pinerwisyo, ‘di ba? Hindi ko kayo inaway, kahit kailan! Naging mabait ako sa inyo. Kahit na alam ko na ayaw n’yo sa akin, I still manage to treat each of you as a friend! Pero bakit n’yo ito ginawa?”
Nagtiim-bagang si Hannah at humalukipkip siya sa akin. “Because we like Enrick. At handa kaming sirain ang relasyon ninyo.”
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Novela JuvenilBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...
