Yugto 53: Nagbago Na Siya
“Ayaw ko.” Umiling ako kay Courtney.
“At saka pwede mo na ring ibigay sa kanya ang debut invitation mo. O, ‘di ba? It’s hitting two birds with one stone. Makakapag-usap kayo at maiimbitahan mo pa siya sa debut mo.”
“P-Pero... kinakabahan ako.”
“Mawawala rin iyan.”
“Alam ba ni Enrick na pupunta tayo ngayon?”
“Yup. Kakutsaba ko si Alec dito.”
“Pero... ayaw ko na talaga. Kinakabahan ako.”
“Tigilan mo na nga iyan. Huwag mong sayangin ang effort ko, ha. Nag-aksaya rin kami ni Alec ng time para mai-set up ito.” At walang pag-aalinlangan na pinindot ni Courtney ang doorbell.
Sa sobrang kaba ko ay parang gusto ko na lang na tumakbo. Nai-imagine ko pa lang na baka si Enrick ang magbubukas ng gate ay umuurong na ako. Pero nakahinga ako nang maluwag nang nakita ko kung sino ang nagbukas ng gate. Hindi iyon si Enrick kundi ang guard nila.
“Pangalan at anong sadya?”
“Courtney Soledad po, pakisabi na lang kay Alec. I know he’s there.” Ngumiti nang matamis si Courtney.
Agad namang umaksyon ang guard at mayamaya pa ay nakita ko nang tinawag niya si Alec. Naglakad sa amin palapit si Alec at parang lalabas na ang puso ko dahil sa kaba. Naisip ko kasing baka sundan siya ni Enrick.
“Courtney, Beatrix.” Ngumisi siya. “Nandoon si Enrick sa loob. His parents, Tito and Tita, are not here. Katulad ng sinabi mo, naghanda ako ng mga merienda at ang sabi ko sa kanya ay darating ka kasama ang kaibigan mo,” sabi niya kay Courtney.
“Great! Then, pwede na kaming pumasok?”
“Yes. Halina kayo.”
Pumasok kami sa loob ng gate at naapakan na ulit ng paa ko ang maberdeng Bermuda grass. Nang tuluyan na kaming nakapasok sa bahay nila ay masasabi kong walang pinagbago roon. Maaliwalas pa rin at wala akong nakita na kahit isang alikabok. Agaw-pansin din ang naglalakihang paintings at iba pang palamuti na nandoon.
Kumalabog ang puso ko nang nakita ko si Enrick na nakasalampak sa carpet nila at nakaharap sa malaking screen. May hawak siyang controller at mukhang naglalaro ng kung anong game. Nakasuot lang siya ng simpleng white na sando at khaki shorts. Kaya naman kitang-kita ko ang perpektong muscles niya.
“I told you, Rick. They would come,” si Alec at pinaupo kami sa malapit na couch. Umupo si Courtney at mabilis nang nanuri ng mga magazines na nakita niya. Kaya naupo na rin ako.
Nakita kong mabilis lang kaming tiningnan ni Enrick at ibinalik niya rin ang tingin niya sa nilalaro niya. Parang wala lang sa kanya na nandoon kami ni Courtney. Ang cold niya.
“Sabi mo si Courtney ang pupunta kasama ang kaibigan niya... bakit iba ang kasama niya?” Hindi pa rin tumingin sa amin si Enrick at nakapokus lang siya sa malaking screen sa harap niya.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Parang sa aming apat ay silang tatlo lang ang pwedeng mag-usap at ako ay hindi pwedeng sumali.
“Kaibigan naman ni Courtney si Beatrix.” Nagkibit-balikat si Alec.
“Shut your mouth for your lame excuses, Alec. Pinsan ni Courtney si... Beatrix. Bakit sinabi mo sa akin na kaibigan ni Courtney ang isasama niya rito? Kung pinsan niya pala ang kasama niya?” Umigting ang panga ni Enrick nang binigkas niya ang pangalan ko.
Bakit gano’n siya? Noong binigkas naman niya ang pangalan ni Hannah ay parang normal lang. Pero bakit kapag sa pangalan ko, kailangan may pag-igting pa ng panga?
“You’re right, Enrick. Pinsan ko si Beatrix. Pero kaibigan ko rin siya. You know, cousin na, best friend pa. Kaya tama lang naman iyong sinabi ni Alec na pupunta ako rito kasama ang kaibigan ko.” Awkward na tumawa si Courtney.
Hindi tanga si Enrick, alam ko na alam niya na niloko lang siya ni Alec. Hindi sinabi sa kanya ni Alec na ako ang kasama ni Courtney sa pagpunta roon para pumayag siya.
Matapos ang awkward na sitwasyon namin sa sala ay inanyayahan kami ni Alec na pumunta sa garden para mag-merienda. Pagkalabas namin ay nakita kong may nakahanda nang mga outdoor chairs at isang outdoor table.
Bigla na lang umupo si Enrick doon sa isang upuan nang walang imik. Hinila naman ako ni Courtney at tinuro niya ang chair na katabi ng kay Enrick. Para bang sinasabi niya na roon ako umupo.
“Ayaw ko nga,” bulong ko sa kanya.
Wala na rin naman siyang nagawa dahil si Alec ang naupo sa tabi ni Enrick. Naupo ako sa tapat ni Alec at si Courtney sa tapat ni Enrick. Inilagay ni Alec ang mga merienda. Cheese burger, nachos, at pasta iyon. Agad akong natakam. At nagsimula na kaming kumain.
Pero dinahan-dahan ko lang ang pagkain. Kahit gutom ako ay ayaw ko namang magmukhang timawa.
Sobrang tahimik sa pagitan naming apat dahil walang nagsasalita. Lumingon ako kay Courtney na dumadakot ng nachos. Parang gusto ko siyang sigawan. Akala ko ba nagplano sila ni Alec? Pero bakit ayaw nilang magsalita? Anong problema nila?
“Uh...” Sinira ko ang katahimikan na bumalot sa amin. Nanatili akong nakatingin sa pinggan ko. “CR lang ako.”
“Doon ka lang pumunta sa tabi ng kitchen. May CR doon,” pahabol ni Alec.
Pumasok ulit ako sa bahay nila at pumunta sa kitchen. Nakita ko ngang may CR malapit doon. Pagkapasok ko sa loob noon ay sinarado ko kaagad ang pinto. Nakahinga ako nang maluwag.
Parang gusto ko na lang umiyak dahil sa hiya. Nahihiya ako. Para akong fourth wheel sa kanilang tatlo. Para akong extra. Sobrang out of place ako.
Pakiramdam ko ay nagbago na si Enrick. Hindi naman gano’n ang dating Enrick. The Enrick I knew was confident. He can be cold, sometimes. But he’s still friendly.
Pero anong nangyari? Confident pa rin naman siya pero hindi na siya friendly. Halata naman sa inasta niya noong kausap niya si Courtney. Ang cold-cold niya.
Halos mapatalon ako nang biglang may kumatok sa pinto.
“Beatrix! Hoy!”
Si Courtney.
“Hindi pa ako tapos,” sabi ko. Hindi ko binuksan ang pinto.
“Anong hindi pa tapos? Stop lying. Lumabas ka nga diyan.” Kinatok niya ulit ang pinto.
Umirap ako at padabog na binuksan ang pinto ng CR. Bumungad sa akin ang nakasimangot na si Courtney. Kung naiinis siya sa akin, naiinis din ako sa paligid ko.
Sumimangot ako sa kanya. “Ano?” iritado kong tanong.
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Roman pour AdolescentsBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...
