Katapusan
“Relax ka lang, Rick.” Tinapik ni Alec ang balikat ko.
Binalewala ko siya at sumulyap ulit sa aking relo. It’s already ten-thirty am pero hindi pa rin tapos ang paglakad ng mga imbitado at ng mga flower girls. Kanina pa ako sa simbahan at nagsisimula na akong mainip.
“You look so tensed! Bahala ka, kapag nakita ka ni Beatrix na nakasimangot diyan, baka magbago na ang isip noon at hindi na magpasakal sa ‘yo...” Tumawa si Alec sa tabi ko. “Este, magpakasal pala.”
“Stop it, Alec.” Inismiran ko siya at pinadaan ko ang palad ko sa aking buhok. Kinalma ko ang aking sarili dahil baka masakal ko ang bestman ko.
“Joke lang naman. Malapit na iyon.”
Sinulyapan ko ulit ang aking relo.
Habang pinagmamasdan ko ang paggalaw ng kamay ng orasan ay nag-flashback sa akin ang lahat-lahat. Kung paano nagsimula ang lahat at kung paano nagtapos ang lahat sa ganito.
“We’re going to transfer you to another university! Nang magtinu-tino ka at malayo sa mga kaibigan mong walang dulot na maganda sa ‘yo!” Umagang-umaga ay iyon ang ibinungad sa akin ni Mama. Binuksan pa niya ang pintuan ng kwarto ko.
“Ma, I’m fine at my school. Bakit mo pa ako ita-transfer? You’re just going to waste money.” Padabog kong ibinagsak ang paa ko sa sahig at umupo ako sa aking kama.
“Wasting money? Could you even hear yourself, Enrick? You’re the one who’s wasting money here! Inaaksaya mo ang pera sa ginagawa mong pagpunta-punta sa mga bar, pagbibilang ng babae, at pakikipag-inuman mo sa barkada mo!”
“Whatever.” Kinuha ko ang unan at itinabon sa tainga ko. Saka ako humiga ulit.
“Enrick!” Hinablot ni Mama ang unan ko at itinapon iyon sa kung saan. “Go get your papers. Ita-transfer ka na namin!”
Sa unang araw ko sa bagong university ay roon nagsimula ang lahat. My last grades were seventy-five flat, but I still found my name on the list of section A. Ginawan siguro ng paraan nina Mama.
Pumasok ako sa room ng grade eleven section A. The things, chairs... everything were neat to my eyes. Umupo ako sa bakanteng upuan sa pinakalikod ng classroom. Pabagsak kong ibinaba ang bag ko at ramdam ko ang titig ng mga estudyante sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko para makita ang maraming text sa akin ng mga kaibigan ko sa dati kong school.
Gracelyn:
Rick, is this for real? Lilipat ka na talaga ng school? I’m gonna miss you, big time.
Alec:
P’re, good luck sa ‘yo diyan sa bago mong school. Mas tigasan mo pa kasi ang ulo mo.
Agad kong ni-reply-an si Alec.
Ako:
Hindi ka lang kasi gusto ni Jamie kaya mo ako inaasar.
Nag-scroll pa ako sa ibang messages.
Niña:
I’m gonna miss you :’(
Harry:
Bro, first day of school, late ka? Huwag mong sabihing totoo ang balitang lumipat ka na?
Sa kalagitnaan ng pag-i-scroll ko ay narinig ko ang isang marahan na boses.
“Um... excuse me.”
Napalingon ako.
A tall girl was standing in front of me, clutching tightly at the handles of her bag as she bore those almond eyes on me. Her nose was pointed and her lips were naturally pink. Mahaba ang straight at itim niyang buhok na bumagay lamang sa maganda niyang mukha. Her fair white skin was...
Pinilig ko ang ulo ko. Nagtaas ako ng kilay. “Bakit?”
“Ito kasing inupuan mo ay upuan ng mga babae.” Itinuro niya ang mga upuan na nasa kabilang bahagi ng classroom. “Doon ang upuan ng mga boys.”
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Fiksi RemajaBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...
