Yugto 59: Eighteenth Birthday
Habang nagsasayaw kami ni Enrick ay pakiramdam ko, lumulutang ako. Pakiramdam ko ay kami lang ang tao sa buong venue. That moment felt so romantic.
Nang natapos ang sayaw ay naupo na ako upang panoorin ang buong programme na inihanda para sa gabing iyon.
Pinagala ko ang mga mata ko. Maganda ang itsura ng buong venue kahit pa naka-dim ang mga lights. Maraming lavender flowers ang nakabitin mula sa kisame kaya nagmukhang magical garden ang buong venue. Bawat round tables ay may palamuti rin na lavender.
Siguro, nasa mga sixty mahigit ang bilang ng lahat ng guests at imbitado. Kasama na ang mga kaibigan at business partners nina Mommy at Daddy.
Nauna sa programme ang pagbibigay ng speech nina Mommy at Daddy.
“I clearly remember this day, the day that I gave birth to my first child. And after eighteen years, look at you now. As they would say, dalagang-dalaga ka na.” Tumawa si Mommy. Habang ako naman ay unti-unting tumulo ang mga luha.
Marami pa siyang sinabi at sa mga minutong iyon ay umiyak talaga ako.
“I can say that our relationship as a mother and daughter isn’t perfect. We have a few misunderstandings, regarding school and all. But always remember that to me, you’re the most special girl in the world. I love you, anak. And happy eighteenth birthday.”
Matapos ang makabagbag-damdaming speech ni Mommy ay sumunod naman na nag-speech si Daddy. Like the other gents, Dad was wearing a tuxedo that suited him perfectly. At katulad ng speech ni Mommy, nakakaiyak din ang speech niya.
“To me and to your Mom, you are the most special girl. And you deserve all of this. You deserve all the bests in the world, Beatrix Lynn.” Pinunasan pa ni Daddy ang kaunting luha na tumulo mula sa kanyang mga mata. “Tonight, I just want you to be happy. Tonight is the day of your eighteenth year. So, just enjoy it. Own it. Happy birthday.”
Hindi magkamayaw ang mga staffs sa pag-abot sa akin ng tissue dahil sa pag-iyak ko.
Sunod ay may ipinalabas sila na video na puro pictures ko lang ang nandoon. Simula noong baby ako hanggang sa maging one-year old. Pati ang unang paglakad ko ay nandoon. Pinakita rin ang picture ko noong elementary, mostly ay kasama ko si Courtney o si Travis. Ipinakita rin ang high school pictures ko kasama ang iilan na naging malapit sa akin noong grade eight.
Sunod naman na ipinalabas ay ang video ng mga naging teachers ko. Nagulat pa nga ako dahil hindi ko ini-expect na may gano’n. Ilan sa mga naging teachers ko noong high school ay nandoon sa video. Bumati sila ng happy birthday and they also thanked me for being a good student and all. Ang iba ko namang teacher ay nagsabi na rin ng mga wishes nila na ikinatuwa ko talaga.
Saka pa lang ako nawalan ng luha nang nagkainan na ang lahat. Pero hindi rin ako nakakain nang maayos dahil katabi ko si Enrick at titig siya nang titig sa akin.
Sumunod naman ang eighteen candles ko.
Puro mga babae na naging medyo malapit sa akin, either noong elem o noong nag-grade eight kami. Lahat sila ay may hawak na kandila at nagsabi ng mga wish nila sa akin.
“Naalala ko noong grade eight tayo, halos lahat ng exams, ikaw ang highest scorer. Grabe, ang talino mo talaga. ‘Tapos noong tinawag ka ng Art teacher natin para sa Chinese painting, nagulat ako dahil magaling ka pa lang mag-drawing at mag-paint! Ikaw na talaga.”
“I wish for your good health. Stay fit and well. We love you.”
“Wish ko, is more birthdays to come and pagpatuloy mo ang pagiging mabait.”
“Maaaring may mga bagay na hindi mo makukuha ngayon. Maaaring malayo ka pa. Pero huwag kang susuko, Trix. I’ve witnessed your hardwork and determination since we were on sixth grade. Matalino ka at alam kong kaya mo, matutupad mo ang pangarap mo na maging isang doktor.”
Napangiti ako sa lahat ng mga nagsabi ng kanilang wish sa akin.
“My wish for Trix is... ewan ko.” Tumawa si Courtney. Napailing naman ako dahil sa kabaliwan niya. “Parang nasabi na kasi nila lahat. Wala na akong maisip.”
Natawa ako sa sinabi niya.
“But seriously... I only have one wish for my best friend and best cousin. I wish for your happiness, Trix. Kung lovelife man iyon, kung iyong good health, o iyong studies, o iyong dreams mo ang magpapasaya sa ‘yo... whatever it is. As long as you’re happy, that’s all I wish. So, iyon lang! Happy happy happy happy happy, sa wakas, eighteenth birthday, couz!”
Nang natapos na ang eighteen candles ay dumating na ang pinakahuling part ng programme. My eighteen roses.
Unang nagbigay ng rose at nagsayaw sa akin ay si Daddy. Sumunod ay si Tito Ricardo na Daddy ni Travis.
“Happy birthday, Beatrix.” Ngumiti si Tito.
“Thanks, Tito Ric.”
Sumunod na nagbigay ng rose ay si Tito Alfredo na Daddy ni Courtney. Sinundan naman siya ni Ryle. Inabot sa akin ni Ryle ang rose at bago niya ako isayaw ay pinisil ko ang pisngi niya. Sinimangutan naman niya ako pero kalaunan ay ngumisi ulit siya sa akin.
Ang gwapo-gwapo ng kapatid ko sa suot niyang tuxedo. Para siyang mini-version ng mga gents na dumalo.
“Happy birthday, Ate!” Hinalikan niya ang cheeks ko nang natapos na kaming sumayaw.
“Thanks, Ryle Adrian.”
Pinalitan naman siya ni Travis na nakalagay ang rose sa tainga. Natawa ako at tinanggap ang kamay niya. Kinuha ko ang rose mula sa tainga niya.
“In fairness, ang ganda mo talaga ngayon.”
“Ouch naman. Ngayon lang?”
Nagtawanan kami at pagkatapos ng turn niya ay pinalitan siya ni Harold.
“You look so pretty.”
“Thanks.” At tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay pati ang rose. Nang nagsimula na kaming sumayaw ay dumapo ang tingin niya sa likuran ko.
“Ayos na kayo?” tanong niya.
Kilala ko na kung sino ang tinutukoy niya. Nagngising-aso ako at tumawa. “Hindi pa.”
“Magkakaayos din kayo niyan. Mahal na mahal ka yata ni Enrick. You know, if I’m one of your eighteen candles, iwi-wish ko na magkaayos na kayong dalawa.”
Nang nahawakan ko na ang ika-seventeenth na rose ay kinabahan ako. Ibig sabihin ay susunod na si Enrick na magbibigay ng rose.
“Happy birthday ulit,” sabi ni Sion, ang pang-seventeenth rose ko.
“Thanks,” sabi ko at tumalikod na siya.
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Teen FictionBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...
