Yugto 51: Hannah
“Teka. Sandali nga!” Binawi ko ang kamay ko kay Courtney. Natigil kaming dalawa sa paglakad. “Bakit mo ba ako hinihila? Saan ba tayo pupunta?” kunot-noo kong tanong sa kanya.
“Lalapitan lang natin si Enrick. Ito na ang chance mo para maibigay sa kanya ang invitation at makausap mo siya,” she said suggestively.
“What? T-Teka lang! Hindi ako prepared!”
Pero huli na ang lahat dahil tuluyan na niya akong nahila.
Nasa harap na kami ni Enrick.
Mabilis na lumipat ang mga mata sa amin ni Enrick. Nagtagpo ang tingin namin at halos manginig ako sa lamig ng mga titig niya. Mas lalo pa yata siyang tumangkad at mas naging misteryoso pa ang mga mata.
Kinagat ko ang labi ko at yumuko ako. Damang-dama ko ang mga paru-paro sa aking tiyan.
“Hi, Enrick!” dinig kong sabi ni Courtney.
Tiningnan ko si Enrick at nanatili ang poker face niya. Nagtaas siya ng kilay.
“I’m Courtney. Kaibigan ako ng pinsan mo at pinsan ako ng ex mo.”
“Yeah. I know you.”
Halos manigas ako sa lamig ng boses niya.
“This is Beatrix,” ani Courtney. “My cousin. Beatrix, this is Enrick. Magkakilala naman kayo, ‘di ba?”
What an introduction. Pinigilan ko ang sarili ko na mapa-face palm. Nakakabwisit si Courtney. Nakakahiya.
Tumango si Enrick at halos matunaw na ako roon.
“Beatrix! Courtney!”
Sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita. Nakita ko si Kenneth na palipat-lipat ang tingin sa aming tatlo. Nakakunot ang noo niya. “Hinahanap na kayo ni Ella... hindi kasi kami makapili ng movie’ng papanoorin.” Nagtagal ang titig niya sa akin.
“Ah! Gano’n ba? Sige!” Inakbayan ni Courtney si Kenneth at tinulak ito paalis. “Halika na, Kenneth. Iwan na natin si Beatrix dito.” Tumawa pa ang baliw kong pinsan.
“S-Sasama rin ako sa inyo!”
“Hindi na! We’re fine! Diyan ka lang! Bye!” At mabilis niyang hinila si Kenneth. Naglakad sila palayo sa amin. Nakita ko ang pagpoprotesta sa mukha ni Kenneth. Pero wala siyang nagawa.
“Uh...” Humarap ako kay Enrick. “P-Pasensya ka na kay Courtney, pupunta na lang rin ako...”
Natigil ako sa pagsasalita nang humakbang siya palapit sa akin. Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko nang gawin niya iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko.
“Enrick!”
Hindi nilingon ni Enrick ang kung sino man na tumawag sa pangalan niya, sa halip ay nanatili siyang nakatitig sa akin. Kaya nilingon ko kung saan nanggaling ang boses. Sa gitna ng maraming tao ay nakita ko ang isang maputi, makinis, at hindi katangkaran na babae.
Si Hannah.
Lumapit siya sa amin at nakita ko kung paano niya hinapit ang braso ni Enrick. “Enrick, kailangan na nating bumalik sa bahay. Wala rito iyong sinasabi ni Daddy.”
Bahay? What?
Tumango si Enrick sa kanya pero nakatitig pa rin sa akin. Nakita ko kung paano ako pinasadahan ng tingin ni Hannah mula ulo hanggang paa. “Oh? Look who’s here...” Ngumiti siya sa akin. Pero alam kong peke lang iyon. “The Valedictorian,” dugtong pa niya.
“Let’s go, Hannah,” marahang sabi ni Enrick na para bang wala ako sa harapan nila.
Parang nagpanting ang tainga ko dahil sa narinig. The way he said Hannah’s name...
Sinundan ko na lang sila ng tingin habang lumalakad sila palayo sa akin. Naestatwa ako habang nakatayo roon. Nabangga ako ng mga taong naglalakad sa mall pero walang pakialam ang mga paa ko, ayaw nilang gumalaw.
Bakit kasama ni Enrick si Hannah? Sila na ba?
Iyon ang mga tanong na paulit-ulit kong naisip. Kung gano’n nga siguro, nagtagumpay na sina Janine sa plano nila. Naalala ko pa iyong sinabi sa akin ni May, na hahadlangan nila ang lahat ng babaeng mamahalin ni Enrick. Pwera na lang kung ang babaeng iyon ay isa sa grupo nila. So, ibig sabihin ay ligtas si Hannah. How lucky.
“Ano? Bakit hindi mo naibigay iyong invitation kay Enrick? Sinayang mo iyong chance mo?” Halos kutusan ako ni Courtney nang nalaman niya na hindi ko naibigay ang debut invitation ko at hindi ko rin nakausap si Enrick.
“Courtney, kalma,” si Ella.
Hindi natuloy ang panonood ng movie dahil hindi sila nakapili ng matinong palabas. Kaya pumunta na lang kami sa Greenwich at kumain na lang ng pizza. Naupo kami sa isang table for five. Nasa gitnang upuan si Ella at sa kaliwa niya ay si Courtney at Jane. Nasa kanan niya naman ako at katabi ko si Kenneth.
“Courtney, hindi mo naman kasi alam kung ano iyong pakiramdam ko kanina,” sabi ko.
Umirap si Courtney.
Hindi ko na binanggit pa na kasama ni Enrick si Hannah. Ayaw ko kasing pag-usapan. Hindi rin naman talaga ako sure kung girlfriend na niya si Hannah o hindi. Malay ko ba kung “friend” lang sila.
“Courtney, don’t be so hard on Beatrix. Tama siya, hindi mo alam kung anong pakiramdam kapag nasa harap ka na ng ex mo,” si Jane sabay subo ng Hawaiian pizza.
“Alam ko kung ano ang pakiramdam kapag nasa harap ka ng isang ex! Kung affected at kinakabahan ka, madali lang namang magpanggap, ah? Na kunwari wala lang. Bakit hindi niya ginawa?” Humalukipkip si Courtney habang nakasimangot kay Jane.
“Iba-iba tayo. Hindi kaya ni Beatrix na magpanggap na wala lang sa harap ni Enrick,” ani Jane bago siya bumaling sa akin. “‘Di ba, Beatrix?”
Hindi ako sumagot at ininom ko na lang ang pineapple juice sa harap ko.
Dahil sa medyo naging ka-close ko na nga sina Jane, Ella, at Kenneth ay nasabi ko na sa kanila ang tungkol kay Enrick. Hindi nga lang ang buong istorya, pero may nalaman na silang kaunti.
Nagulat ako nang bigla akong akbayan ni Kenneth na katabi ko lang. “Tigilan n’yo na nga iyan.”
Makahulugang tumingin si Ella sa akin. Nginuso niya ang kamay ni Kenneth na nakapatong sa balikat ko. Umiling naman ako sa kanya.
Gano’n na talaga si Kenneth simula noong naging madalas ang pagkikita naming lahat. Sinabi rin nila na dati raw akong crush ni Kenneth. Hindi ko naman na iyon pinansin. At mabuting kalimutan na niya iyon dahil hindi naman ako interesado o ano pa man.
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Teen FictionBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...
